XXXV. “IVY!” PAGTAWAG NI Sid. “Stop talking to me, Sid!” sigaw ni Ivy. Namumula ang mukha nito sa galit. Napatigil sa paghakbang sa hagdan sina Kirsten at Ice. Paglingon nila sa baba, nakita nilang hinahabol ni Sid ang asawa. Napatingin naman sa isa’t isa sina Kirsten at Ice. Ito ang kauna-unahang beses na nakita nila ang mga ito na nag-away nang ganoon. “Ivy, anong nangyari sa inyo?” nag-aalalang tanong ni Doña Irwana. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala. “Mom, kausapin ninyo iyang anak mo!” gigil na sabi ni Ivy sabay alis. “Ano kaya ang nangyari?” tanong ni Ice sa asawa. “Hindi ko alam. Puntahan muna natin ang ama mo,” suhestiyon ni Kirsten. Pagbaba ng dalawa, nadatnan nila ang problemadong si Sid na nakaupo sa sofa sa sala. Lumapit si Ice sa ama nito at nagtanong pero wala i