XXX. “CONGRATS, LORRAINE! I’m so happy for you,” nakangiting sa ni Lorraine.Iginiya niya muna ang tingin sa paligid bago muling nagsalita. “Hindi pa rin ba nila nahalata?” Tumango si Lorraine kaya labis ang kaba na naramdaman sa puso ni Kirsten. Bumuntonghininga si Kirsten at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng kaibigan. Gusto lang niya na gumaan ang loob nito. Nakikita niya kasi sa mga mata nito na kinakabahan ito. Ang tanging hiling na lang niya, sana hindi magalit ang ama nito. Pero sa pagkakakilala niya rito, mukhang hinding-hindi nito kayang pagbuhatan ng kamay ang sariling anak. Maliban na lang sa mga taong katulad niya na pangalawang beses nang nakatikim sa lupit nito. “Everything will be okay, Lorraine. Trust him,” nakangiting sabi ni Kirsten. Pinapalakas lang niya ang loob ng