LXI. “SAUL, TYRON, IBABA ninyo ang baril. . .” Nilingon ni Kirsten si Rose Leo. “Kuya, ilayo ninyo muna ang lahat ng mga bata.” Nang nakita ni Kirsten na nakalayo na ang lahat ng mga bata ay muli niyang tiningnan ang asawa. Nanatiling kalmado ang mukha niya habang nakatingin dito. Kahit napuno na ng tensiyon ang buong paligid ay wala siyang pakialam. Tipid naman siyang ngumiti nang makitang humagulgol ang asawa habang nakakuyom ang mga kamay. Sa nakikita niya, nagtitimpi ito. “May gusto ka bang sabihin? Halika,” nakangiting sabi ni Kirsten. Binigyan ng daan nina Saul at Tyron si Ice para makalapit kay Kirsten. Habang si Kirsten naman ay hinintay ang pagdating nito sa tapat niya. Nang nasa tapat na niya ito, humakbang siya palayo. Sumunod naman sa kaniya ang asawa habang naririnig niya