XXXVIII. PAGBUKAS NI KIRSTEN sa kuwarto nila ay agad siyang lumapit sa asawa. Pagdating niya sa tapat nito ay niyakap niya ito nang mahigpit. Napatanong naman sa kaniya ang asawa pero mas pinili niyang tumahimik na lang muna. Ang sigurado siya, gusto niya ng taong masasandalan. Malakas ang kutob niya na maaaring tama ang asawa niya sa hinala nito. May nagmamanipula ng resulta ng mga DNA tests na pinagawa nilang dalawa. “I-Ice,” nauutal na sambit ni Kirsten. “A-Ano ang nangyari?” nag-aalalanh tanong ni Ice. Bumuwag ito sa pagyakap at hinawakan ang mukha ng asawa. Umupo si Kirsten sa kama at ipinakita ang bracelet na nasa loob ng box. “Look at this bracelet.” Ipinakita niya rin ang bracelet na nasa kamay niya. “And this. Magkapareha, ’di ba? What I have noticed. . . may date sa loob. Mag