CHAPTER 5

1696 Words
[Seraphina Rivero] NAKALIGTAS ako sa plano ni Luis na magpaputol at magpakulay ng buhok. He asked me to go out instead, pinagbigyan ko naman siya. Ang sabi kasi sa akin ni Mimi, kasamahan ko sa trabaho, kilalanin ko si Luis para mapalapit ang kalooban ko sa kanya. Baka nga naman kasi ako mismo ang umaayaw para makilala ko siya nang mabuti. It was one in the afternoon, Sunday, ngunit wala pa rin si Luis para sunduin ako sa bahay. Nais ko nang mabuwisit dahil kanina pa ako nakapag-ayos. Nagsimula na nga akong magbasa-basa ng libro para lang aliwin ang aking sarili habang hinihintay siya. Tatlumpung minuto pa ang muling lumipas, wala pa rin si Luis. I checked my phone, there was no message from him.  Hindi naman ako nag-abala na padalhan siya ng mensahe at baka ikapahamak niya pa iyon sa daan habang nagmamaneho. Hindi ngayon lang nangyari na nahuli si Luis, ilang beses na niya itong nagawa sa akin and he was always sorry sa pagiging late niya.  My parents were not here. Nasa simbahan silang parehas para magbigay ng payo sa mga mag-aasawa. Ang magulang ko ay matagal nang miyembro ng Couples for Christ. Sila ang nagsasagawa ng seminar ng magpapakasal. Ako naman, sapat na sa akin na samahan silang magsimba tuwing araw ng Linggo, tuwing alas-sais ng umaga kami nagsisimba.  Patayo na ako para magpalit ng damit sa kuwarto dahil nawalan na ako ng ganang lumabas nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan niya sa tapat ng bahay. Inis na tumayo na lang ako saka isinarado nang mabuti ang pintuan at gate bago ako lumulan sa kanyang sasakyan. “I’m sorry, Sera. I was on my way nang magpabili sa akin si Mommy ng pagkain para kay Cory.” Isang poodle ang tinutukoy niya na may pangalang Cory. Hindi ako nagsalita ngunit halata sa nakabusangot kong mukha na naiinis ako. Ayoko talaga ng laging late sa usapan. Napaigtad na lang ako nang hawakan ni Luis ang aking kamay. “I'm sorry...” He kissed it. Hindi ako nakaimik. Ilang beses na ba siyang humingi ng tawad sa akin dahil sa pagiging late niya? Pang-sampu? Beinte? Hindi ko na mabilang! “Just go.” Nais kong bawiin ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Hinayaan ko na lang. Sabi nga ni Mimi ay hayaan ko na buksan ang puso ko kay Luis. Kinapa ko ang aking sarili habang magkahawak kami ng kamay, kung may nararamdaman ba akong init at excitement. I felt nothing! Laking tuwa ko na lang nang bitiwan niya iyon dahil kailangan niyang pihitin ang handbrake ng sasakyan. Nakalaya ang kamay ko at ganoon na lang din ang pagkaginhawa ng aking paghinga.  Luis started to talk about his friends and all I did was to listen. He talked about Gianina and Carlos, his best friends. Nakilala ko ang dalawa nang minsan na lumapit sila sa amin ni Luis habang kumakain kami sa restaurant. They invited me para mag-party. Mabuti na nga lang at hindi ako pinapayagan na umalis tuwing gabi ng magulang ko kaya’t hindi ako nakasama sa kanila.  Matapos niyang magkuwento tungkol sa kanyang mga kaibigan, ibinahagi niya rin sa akin ang mga naganap sa kanya sa opisina. “Ah! I almost forgot that I will be busy for the next couple of days. It’s summer at pasahan na ng annual statements sa BIR,” saad niya na ang tukoy ay ang Bureau of Internal Revenue.  “No problem.” Lihim akong natuwa na hindi ko siya makikita sa loob ng ilang araw.  Sa Robinsons Mall Manila namin napili ni Luis na kumain ng tanghalian, malapit lang kasi iyon sa bahay. Alas-dos na ng hapon at hindi pa ako nakakakain—isa sa mga ikinaiinis ko sa pagka-late niya. That time, I wanted to eat a super meal because I was starving.  “What do you want to eat?” he asked while we are looking for a restaurant to eat. Saglit akong nag-isip. “I want—”  “Tim Ho Wan! They have delicious Chinese food,” putol niya sa sasabihin ko. “But I don’t eat Chinese food.” “Ah! Of course, you eat Chinese food.” Iginiya niya ako sa restaurant at hindi na tinanggap pa ang panig ko. Nais ko ngang itanong sa kanya, Bakit mo pa ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin?  Para bang naipit na naman ang lahat ng kataga sa lalamunan ko. Heto at umarangkada na naman ang pagiging possessive niya. He ordered Mushroom and Vegetable dumpling—Deep fried fish skin and salted egg—Braised Pork Soft Bone with Rice—Jade Wonton soup. Hindi ako nakaimik dahil wala akong naiisip na kainin sa kahit na ano sa mga order niya. I felt bad! Parang gusto ko tuloy maghanap ng Jollibee at um-order ng two-piece chicken joy.  “Bakit ka nakasimangot?” tanong niya nang mapansin na hindi ako komporatble sa date na iyon.  “Luis, you know that I don’t like Chinese food.” Naglakas na ako ng loob na magsabi sa kanya, halatang hindi ako masaya. “Yes, I know. Kaya lang, kailangan nating maging komportable sa mga gusto natin. We will get married soon. I just want to show you who I really am; mula sa kinakain ko, sa mga kaibigan ko at sa iba pang mga gusto ko.” What about my liking, Luis? I wanted to ask but I’d better not. Akala ko ay kilalang-kilala na niya ako dahil tatlong taon niya akong niligawan. Matagal akong hindi umimik at napansin niya iyon. “Fine! Anong pagkain ba ang gusto mo? Pwede ko namang ipabalot na lang ang lahat ng in-order natin.” Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niyang iyon. “I want two-piece chicken joy sa Jollibee.” “Okay…” saad niya na halatang labas sa ilong. Napangiwi siya. Nag-utos siya na ibalot na lang ang lahat ng in-order namin. Kapwa kami nawala na sa mood, magkatabi kami ngunit pakiramdam ko ay parang nagkaroon ng isang malaking elepante sa pagitan naming dalawa. “Mag-CR lang ako,” paalam niya.  Hindi ko alam pero parang mas gusto ko ngayon na nawala siya sa tabi ko.  Lumapit ang waitress sa mesa para ibigay ang supot ng pagkain at resibong babayaran. Kasabay niyon ang pagtunog ng cellphone ni Luis na nasa ibabaw ng mesa. Tumatawag si Gianina, kita ko kasi ang picture niya sa screen.  “Saglit lang ha,” paalam ko sa waitress. Nilingon ko ang palikuran ng mga lalaki sa hindi kalayuan, hindi pa rin lumalabas si Luis. Napilitan na akong sagutin ang tawag ng kaibigan niya. Matapos kong pindutin ang answer key, dire-diretso ang babae sa kabilang linya. “Luis, what the hell is wrong with you?! Alam mong—” Naputol ang kanyang sasabihin nang tumikhim ako.  “Nasa comfort room siya, eh. This is Sera.” Saglit siyang natahimik sa kabilang linya. Para bang sinusuri niya ako sa pagitan ng tawag na iyon. Then, she cut the line. Nakaawang ang labi ko na ibinaba ang cellphone. Mukhang mainit ang ulo niya kay Luis at nadamay pa ako.  Tumikhim  naman ang waitress na kanina pa naghihintay ng bayad. Napilitan na akong kumuha ng isang libo sa wallet. Hindi naman big deal sa akin na mag-share ng babayaran sa mga kinakain namin ng nobyo ko. Kaya lang ay madalas kong mapansin na nawawala si Luis tuwing oras ng bayaran. I was the one who paid our lunch every time. Nang ibalik sa akin ng babae ang sukli, kasabay nito na nagbalik si Luis sa mesa namin.  “Let’s go!” aniya na para bang alam niya na nabayaran ko na ang mga pagkain sa paperbag.  “Gianina called.” Nakakunot ang noo na dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa. “Sinagot mo?” “Yes, naisip ko kasi na baka matagal ka pa sa loob.” Napangiwi siya. “May problema siya nitong mga huling araw. Madalas na mainit ang ulo niya kaya mabuti pa na umiwas ka sa kanya para hindi masira ang relasyon n’yo. Para may maganda kang Maid of Honor kapag ikinasal na tayo.” Bahagyang nagtaas ang kilay ko. Pakiramdam ko ay lalong umasim ang sikmura ko sa sinabi niya. Why do I have to choose Gianina as my Maid of Honor? Wala ba akong kaibigan? Wala ba akong Mimi o Miranda? I don’t know, but I think this date is over! “Sa tingin ko, mas magandang umuwi na lang ako. I’ll take a cab dahil ma-traffic ang daan pauwi sa amin. Para hindi ka rin mahirapan sa pagmamaneho.” “Sure?” tanong niya, halatang gusto niya ang plano ko. Tumango ako. “Sayang! Gusto sana kitang ihatid kaya lang ay may pupuntahan pa pala ako.” Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. “Yeah, I have to go. Kukunin ko na ang kotse ko sa parking. Mag-ingat ka, ha?”  Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at saka nagmamadaling tumalikod na papalayo sa akin. Tinatanaw ko na lang siya na bitbit ang paperbag ng Chinese food na pinabalot namin. Hindi naman ako kumakain niyon kaya hinayaan ko na lang sa kanya. Nangangasim na ang sikmura ko dahil sa gutom. Tinungo ko na lang ang daan papuntang Jollibee.  Marami-rami ang tao sa loob ng tindahan, amoy na amoy ang mantika at ang piniritong manok. Pumila ako sa likod ng lalaking matangkad at may malapad na balikat dahil tatlo lang ang nakapila sa linyang iyon, sa magkabilang linya ay tig-apat. Nagugutom na talaga ako!  Ngunit hindi ko akalain na aabutin ng ilang minuto ang lalaki sa unahan ko. Sobrang tagal niya! Hindi ko alam kung ilang order ng pagkain ang hiniling niya sa kaherang halatang kinikilig. Dalawang beses nang nagpalit ang nasa magkabilang pila namin, pero ha’yun at naroon pa rin ako. Hindi ko na natiis na kalabitin siya. Ganoon na lang ang gulat ko nang lumingon siya at makilala ko—ang lalaking nakita ko sa comfort room noong araw ng bridal shower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD