I was also scared of Viktor.
That's a fact. Hindi ako natatakot ako sa ginawa niyang pagbabanta na kakagatin niya iyon kundi natatakot ako na ipapaalam niya sa mga kaibigan namin ang sikreto ng katawan ko. I am scared that they will be disgusted with me.
I was born a hermaphrodite. But what made me different from the rest was that I have two fully developed outer s*x organs. Though I have the inner organs, it wasn't possible for me to get pregnant. I can have s*x with both genders, that's what my doctor said before, na nangyari na nga because of Viktor.
My parents especially my father, cannot accept it. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa napakataas ng tingin niya sa sarili tapos nagkaroon siya ng anak na hindi normal ang katawan. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi siya naging malapit sa akin. Kung bakit sa tuwing lumalapit ako sa kanya noon ay tila nandidiri siya. Lumayo ang loob ko sa kanya nang dahil doon lalo na nang utusan niya ang nakatatanda kong kapatid na ilipat ako ng bansa. Natatakot siyang malaman ng iba kung ano ako dahil isa iyong sampal at malaking eskandalo sa kanya dahil sa pagiging perfectionist niya at ng pamilya namin. My older brother chose Russia among the countries where he would throw me. Maging siya ay nahawa na sa aming ama na pinandidirihan ako kaya walang pagdadalawang-isip niyang ginawa ang pinag-uutos sa kanya ni Dad. Ang tanging nagmamahal sa akin ay ang Mom at ate ko. Sapat na sa akin iyon. Ayoko rin namang mabuhay ng tila ang ama o kuya ko na de numero ang lahat ng kilos at pananalita. Ayokong ang lahat ng tao ay nakatingin sa lahat ng galaw ko na nangyayari sa kanila ngayon sa bawat araw na lumipas. Masaya na ako na naririto sa Russia kasama ang mga hindi ko kadugo ngunit itinuturing akong kapamilya. Kaya natatakot ako na baka layuan din nila ako kapag nalaman nila ang sikreto ko. And as long as Viktor will keep that secret, papayag ako sa relasyong gusto niya.
Pagkatapos kong linisan ang sarili ko ay nakatayo naman ako sa awa ng Diyos. Binalot ko ng robe ang hubad kong katawan at saka ako lumabas ng banyo. And Viktor was there with food waiting for me.
"Nagdala na ako ng pagkain mo para hindi ka na bumaba pa," he stated the obvious. Tumango lang ako sa kanya at saka dahan-dahang naglakad papunta sa kama kung saan naroroon na ang bihisan ko. Nakakunot-noo tuloy akong napatingin sa kanya.
"Pumili na ako ng isusuot mo. Naibaba ko na kasi ang maleta mo," saad niya. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula nang magbihis sa harapan niya. Alam ko naman na kahit paalisin ko siya ay hindi siya aalis. Magpapagod lang ako.
Nang humarap ako sa kanyang bihis na ay nahuli ko siyang titig na titig sa katawan ko. Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko ba bagay ang damit na suot ko?
"What?" tanong ko sa kanya.
"Huh?!" tanong niya pabalik na tila nagulat pa siya.
"Bakit ganyan kang makatingin?"
"Nothing. I just realized na kahit anong isuot mo ay bumabagay talaga sa'yo." Napakamot pa siya ng ulo niya habang sinasabi iyon. Napasimangot ako. He's acting weird again.
Lumapit na ako sa couch at naupo at saka nagsimulang kumain.
Naupo naman siya sa tapat ko.
"Hindi mo man lang in-offer iyong food," tila nagrereklamong sabi niya kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"I thought these were for me?"
"Oo, pero gusto kong subuan mo ako o i-offer man lang yung pagkaing dala ko para sa'yo."
"Subuan? Can't you feed yourself? Masakit ba ang kamay mo?" Nawiwirduhan kong tanong sa kanya. And lo and behold, for the first time ever, I saw him roll his eyes.
"That's what lovers do, Nik. We're lovers now kaya dapat maging sweet ka na sa akin!"
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Ganon ba dapat? Hindi naman ako ganon sa mga naging GFs ko. Sure, I buy them stuff and food but not to the point that I'll feed them. Mas siya pa yung ganon.
"I'm not a girl para gayahin yung ginagawa sa'yo ng mga girlfriends mo. Why don't you call one of them at magpasubo ka sa kanya?" I suggested then forked a meat.
"I just broke up with them at ikaw na lang ang current ko ngayon."
"Ginawa mo ba akong lover mo para lang may magsubo ng pagkain sa'yo?"
"What?! Of course not!"
"Then, that ends this conversation. Kung gusto mong kumain, kumain ka."
Hindi na siya nagsalita pa. Nakasimangot na lang niyang kinuha ang isa pang tinidor at nagsimulang kumain.
Nang matapos na kami ay muli niya akong hinarap.
"I just told you that I broke up with my girl friends, Niko."
"Yeah, I heard what you've said."
"So?" tanong niya na tila may hinihintay siyang sasabihin ko.
"Anong so?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
He once again rolled his eyes. Sa totoo lang, hindi bagay sa kanya.
"Aren't you going to do the same? I want our relationship to be exclusive!" Teka, bakit parang galit siya?
"Oh, I see. You want me to break up with Geneva, too?"
"Yes!" Malakas niyang sabi na tila nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas ay naintindihan ko na ang gusto niya. "Call her right now and break up with her."
"I don't want to."
"What?!" Singhal niya. Napalitan na ng galit ang inis na nasa mukha niya.
"I don't want to break up with her over the phone, Viktor. Kakausapin ko siya pagbalik natin sa school."
"But that is still two days from now!" pag-angal na naman niya.
"That's just two days. Hindi ka na ba makapaghintay?"
"No! Ayokong naghihintay, Nik. I want this relationship to be exclusive ASAP. Ayoko na may kahati ako sa'yo. You're just mine."
"She came first."
"Fúck!" tungyaw niya. Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinila patayo.
"What the hell are you doing?" Nakipaghilahan ako ng kamay sa kanya ngunit sa huli ay lakas niya ang nanaig. Hinila niya ako palabas ng kuwarto. At dahil masakit pa ang buong katawan ko ay dahan-dahan lang ang ginagawa kong pagsunod sa kanya. Thankfully, hindi naman niya ako sapilitang hinihila. Sa totoo lang ay inaalalayan pa niya ako ngunit hindi na yata siya mapakali sa bagal ko. Lumapit siya sa akin at binuhat na niya ako.
"What the hell are you doing?! Put me down!" Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang sumisigaw sa kanya.
"We're leaving! We're going to her house and you'll break up with her right in front of me!"
"What?!"
...
Alam kong gago si Viktor ngunit ngayon ko lang nadiskubre na mas gago pala siyang magmaneho. Nakailang biglaang preno na siya dahil ilang beses na kaming muntik mabangga.
"Stop the car, Viktor!" Ilang beses ko nang gigil na utos sa kanya ngunit tila wala siyang naririnig. Mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya and he's traumatizing me.
"Stop the car or I'll jump out of it!" sigaw ko sa kanya ngunit suminghot lang siya at pinindot ang lock button na tila naninigurado na naka-lock talaga ang mga pintuan ng sasakyan.
Nang hindi na ako nakatiis ay sinuntok ko na ang mukha niya na muli ay muntik na naman naming ikabangga sa kasalubong na sasakyan.
"What the hell is that for?!" bulyaw niya sa akin. Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka galit na tumingin sa akin. Ngunit kaagad na nawala ang galit sa mukha niya nang makita ang namumutla ng mukha ko na puno ng takot.
Sinubukan niyang hawakan ang mukha ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.
"Fúck!" gigil niyang sigaw. Humihingal siya pagkatapos na tumingin sa harapan ng sasakyan.
Nang kumalma na ang paghinga niya ay muli siyang tumingin sa akin.
"I'm sorry," buong pagpapakumbaba niyang hingi ng paumanhin ngunit hindi ko siya sinagot.
"Nik, I'm sorry, okay? Nagagalit lang ako kasi..."
"So sa tuwing nagagalit ka ay papatayin mo na ako sa takot?" sarkastiko kong tanong sa kanya.
Malakas siyang nagbuga ng hangin.
"I'm so---"
"Let's go home," matigas kong saad at pagputol sa sasabihin pa niya.
Muli siyang bumuntonghininga at saka pinaandar ang sasakyan. Maingat na siyang magmaneho at nag-U turn pabalik sa pinaggalingan namin.
After 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay na tinutuluyan naming apat.
Nang marinig ko ang pag-unlock ng mga pintuan ng sasakyan ay binuksan ko na ang nasa gilid ko para makababa na ako. At kahit nananakit pa ang buong katawan ko ay mabilis na akong naglakad papalayo sa kanya.
"Nik, wait!" tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
He's really an asshole and that would never change.