GULAT akong napatingin kay daddy Leif. “D-daddy Leif... M-meet the parents...” Inulit-ulit ko pa sa kanyang sabi. “Yes, baby. Gusto ka na rin makita nila lalo na si Mommy. Gusto ka niyang makausap ng kayo lamang. Kaya please, baby, pumayag ka na.” Pagpupumilit niyang sabi sa akin at binaon ang kanyang mukhang sa aking leeg. Nakiliti ako nang dahil doon. “B-bukas po ba, daddy Leif?” Kinakabahan na ako kung bukas mangyayari iyon. Kailangan ko pang mag-ipon nang lakas na loob kung haharap ako sa kanya. “Hindi pa naman bukas, baby, pero gusto mong bu—” Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin. “No, daddy Leif! N-next week na lamang po! Next Saturday po after ng shift ko po rito, hindi na po muna ako papasok sa karinderya ni Aling Florida!” Mabilis na sabi ko sa kanya. Nakita k