Maagang umalis si Kor. Ito ang sabi ng mayordoma nang dalhan niya ako ng pagkain para sa almusal. Hindi ko na kasi siya nadatnan paggising ko pero nagsabi naman siya sa akin kagabi. Nagbilin pa nga siya na i-take ko ang mga gamot ko at patulong ako sa mayordoma na magpahid ng ointment sa ari ko kapag hindi ko na kaya. Hindi ko susundin ang gusto niya. Nakakahiya kaya, tapos kaya ko namang gawin itong mag-isa. Titiisin ko ang sakit kaysa naman utusan ko pa iyong matanda na pahiran ako ng ganoon sa ari ko. Katulad kahapon, bumabaha muli ang lalagyan ng tray ng pagkain at hindi ko na naman alam kung ano ang uunahin kong lantakan. Panay paborito ko ang niluluto ng mga katulong. Hindi ko alam kung sadya ito o talagang ito lang ang niluto nila para sa araw na ito. Tataba ako nito ng wala sa or