Hindi alam ni Ximena kung sino ang nag-set up sa kanya para mapunta sa isang lugar na pagpipiyestahan ang kanyang halos hubad na katawan. Nagising na lang siya sa isang malambot na higaan na nakapaloob sa isang malinaw na salamin. Habang sa labas nito ay nagsisigawan ang maraming kalalakihan na halang ang kaluluwa at sabik na matikman siya.
Naririnig niya sa speaker na nagbi-bid ang mga kalalakihan para sa kanya. Ang sino man na may pinakamataas na bid ang siyang mag-uuwi sa kanya para maging parausan siya o mas madaling sabihin na s*x slave.
Takot na takot si Ximena para sa sarili niya lalo na at puro nakakatakot ang itsura ng mga lalaking gusto siyang bilhin para sa panghabang-buhay na aliw sa kanyang kandungan.
"Pakawalan niyo ako rito!" daing niya habang sige siya sa pag-iyak at hindi niya alam kung paano makakatakas sa salaming dinding na siyang pumipigil sa mga lalaki para hindi siya mahawakan.
Sige sa sigawan ang lahat at takam na takam na siyang makuha. Subalit may isang lalaki na biglang bumasag sa ingay ng mga kalalakihan sa paligid. Tumapat ang spotlight sa lalaki at mayabang nitong itinaas ang hawak nitong karton at halos malula ang lahat nang makitang sampung milyon ang pusta nito para makuha ang babae.
Wala nagawa ang ilang kalalakihan at isang-isang umalis dahil wala silang laban sa lalaki. Isa siyang mafia boss na kinatatakutan ng lahat.
Nagtataka lang ang ilan kung bakit nakisali sa ganitong laro ang mafia boss kung pwede naman nitong makuha ang lahat ng babaeng pwede nitong tikman.
Naiiyak si Ximena na niyakap ang kanyang sarili nang kunin siya ng mga armadong lalaki sa taas ng stage. Halos magpumiglas siya dahil hindi siya papayag na makuha siya ng mga ito lalo na at hindi niya alam kung sino ang nag-set up sa kanya para mapunta sa auction na 'to.
"Maawa kayo, please. Hindi po ako ang dapat na narito. Baka nagkakamali lang po kayo," iyak niya.
Subalit hindi siya pinakinggan ng mga ito at sapilitan siyang isinakay sa isang van. Umiiyak na nakiusap siya ngunit natigilan siya ng isang sampal sa mukha ang natamo niya sa isang lalaki na nasa tabi pala niya at kanina pa naririndi.
"Tahimik! Kung ayaw mong patayin kita!"
Wala siyang nagawa kundi tumahimik. Ngunit sa isip niya ay nag-iisip na siya ng paraan para tumakas! Malaman lang niya kung sino ang nag-set up sa kanya, babalikan niya ito upang makaganti!