EPISODE 10 PATRICIA “Kyle is your suitor?! Nanliligaw si Kyle sayo, Patricia?” Inirapan ko si Aira at sumimangot. Nakwento ko kasi sa aking kaibigan ang tungkol sa amin ni Kyle kaya grabe siya kung maka react ngayon. “May nakalimutan ka oy! Slave… slave ko rin si Kyle!” sabi ko sa kanya. Hindi pa rin natinag si Aira, parang hindi niya narinig ang sinabi ko tungkol sa pagiging slave ni Kyle, mas nag focus siya sa katotohanan na nanliligaw sa akin ang mokong na iyon. “OMG! So, nanliligaw na talaga si Kyle sa iyo? Hala! Paano? Paano niya sinabi sayo na manliligaw siya? Umamin ba siya ng nararamdaman sayo? Lumuhod ba siya? Hinabol ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ni Aira sa akin. Napakamot ako sa aking buhok at inis siyang tinignan. “Ang dami namang tanong! Paano ko masasagot lahat