THE DESTINED WIFE KABANATA 8 HOUSEWIFE CLARKE’S POINT OF VIEW. “JUSKO NAMAN, Clarke! Get a life! Ang boring ng buhay mo rito,” sabi ng aking kaibigan na si Julia. “Ayaw mo bang magtrabaho ulit, Clarke?” tanong din ng aking kaibigan na si Albert. Napatingin naman ako sa aking dalawang kaibigan. "Hindi papayag si Finn, Albert." Sumimangot siya at umirap. Isang taon na akong kasal kay Finn at isang taon na rin akong nagmumukmok sa bahay namin. Hindi ako pinapayagan ni Finn magtrabaho kahit sa kompanya namin. Marami akong bawal gawin kagaya ng pag gala kasama ang mga kaibigan o 'di kaya gumala na ako lang mag-isa. Kailangan ko muna magpaalam sa kanya para pumayag siya. Tama nga si Julia. Napakaboring ng buhay ko. Kung hindi magtanim ng halaman ay naglilinis ako sa bahay namin. Gabi