SIMULA
“I’m sorry for being a bad girlfriend, Luke.”
“You don’t have to say sorry, Patricia. You made your choice, I made mine. Goodbye and I hope you will find someone who you really love.”
Ngumiti siya sa akin at bago niya ako iwan ay niyakap niya muna ako at umalis, umalis palayo sa akin. Mahigpit akong napahawak sa aking kamay at napayuko. Sinayang ko ang isang lalaking totoong nagmamahal sa akin. Mas ginusto ko ang maghiganti, mas ginusto kong unahin ang pamilyang hindi naman ako kilala.
I’m a bad person.
I cheated with my boyfriend.
I flirted with every man who likes me.
I love attention. Gustong-gusto ko kapag pinupuri ako ng mga tao—that’s was the decision I became a model.
“Patricia, baby! Don’t do this to me, please. I will give you everything! Just please… don’t leave me like this!”
Hindi ko mapigilan na mapairap sa aking mga mata nang marinig ko na sinabi iyon ng kafling ko ngayon na isang executive director sa isang sikat na fashion line.
Sinuot ko muna ang natitirang saplot sa aking katawan at kinuha ko ang aking bag bago ako humarap sa kanya at nginitian siya ng pilit.
“I’m sorry, Mr. Lopez, pero ayokong maging kabit, eh. Tama na ang isang gabi na magkasama tayo and thank you for the special spotlight sa akin kahapon! See you never,” nginisihan ko siya at kinindatan bago ako lumabas sa kanyang condo unit.
I’m not a saint.
I used my body to get anyone and anything I want. Well, pinagpala naman ako sa katawan ko kaya bakit hindi ko ito gamitin, diba? Nag-iingat pa rin naman ako at hindi ako pumapatol nang kung sinu-sino lang diyan.
After breaking up with Engineer Luke Archer Coleman, marami akong naging mga boyfriends na mga sikat kagaya ng mga artista sa Hollywood, mga co-models ko, at ibang mga Filipino celebrities at mga businessman. I’m not cheap para pumatol nang kung sinu-sino lang diyan sa tabi-tabi.
“Pat, may gusto sayo si Kyle.”
Napataas ang kilay ko nang sabihin iyon ng aking manager s***h friend na si Aira. Nandito ako sa isang studio para sa isang magazine photoshoot. Inaayusan ako ng team ko ngayon dahil malapit nang magsimula ang photoshoot.
“Who’s Kyle?” taka kong tanong.
Ngumuso si Aira at sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa makita ko ang isang lalaki na may hawak na camera at nakatutok siya dito na para bang inaayos niya. He’s a hot nerdy guy. Why a hot nerdy guy? Because he’s wearing eyeglasses and he has a weird outfit taste! But he has a broad chest and I can see his biceps here even though he's wearing a polo.
“The photographer, Patricia! Hindi mo ba siya kilala?!” parang frustrated na tanong ni Aira sa akin. Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng aking kilay.
“Magtatanong ba ako kung kilala ko ang lalaking ‘yan, Aira?!” inis kong sabi.
Stupid.
Napanguso siya.
“Sabi ko nga, hindi mo siya kilala! Pero girl, he’s a catch! You should try him!” nakangisi niyang sabi na para bang kinikilig.
Napangiwi ako at muli akong napa sulyap sa lalaki. Bahagya akong nagulat nang makita kong nakatingin na rin ito sa akin kaya nagmamadali akong umiwas at pinakalma ang sarili ko.
What the f*ck?! Bakit ako nakaramdam ng kaba?! Who the hell is he to do that to me?!
“He’s Kyle Bryan Hernandez!”
“Then? He’s still a photographer,” masungit kong sabi at inirapan siya.
Hindi ako papatol sa mga photographer, kahit gaano pa iyan sila kapogi. Hindi naman sila sobrang yaman! At hindi rin sila sikat. Anong makukuha ko sa kanina? WALA.
Yes, I’m also a social climber. Then? Iyan ako eh, diyan nakilala si Patricia Aquino.
“He’s not just a photographer, Gaga! Hindi mo ba kilala ang mga Hernandez? Sila iyong nagmamay-ari ng isang car company! Marami rin silang ini-invest na mga company. At dagdag information for Kyle, siya lang ang nag-iisang anak kaya siya ang tagapagmana sa mga kayamanan nila! Kung ikaw ang magiging girlfriend, or asawa niya ay siguradong magiging bilyonaryo ka rin!” wika ni Aira na ikinataas sa aking kilay.
Muli akong napa sulyap sa lalaking nagngangalang Kyle at nakita kong kausap na niya ang mga staffs at inaayos ang mga lightings. Hindi ko mapigilan na mapaisip at mapangiti.
Hmmm…. Not bad.
“Okay, pwede na rin,” sabi ko at muling napaharap kay Aira at nginisihan siya.
Inirapan niya ako.
“Hindi ka pa ba mag seryoso sa pag-ibig, Patricia? It’s been 2 or 3 years simula nang magkaroon ka ng isang seryosong relasyon. Hindi ka pa rin ba naka move on kay Luke?”
Napangiwi ako sa kanyang sinabi.
“Girl! What the heck? Ang tagal na nun! I’m not a loser,” sabi ko at inirapan siya.
I’m done with Luke, matagal na! Asawa na siya ni Isabelle at may anak na rin silang dalawa, bakit pa ako e-eksena? Wala na rin akong balita sa mga Montenegro simula noong namatay si Dad.
Tapos na ako sa pakay ko at ito ay ang makasama at makilala ang totoo kong ama. Bago ako lumapit kay Dad ay tinulungan ko muna siya sa kanyang mga businesses na hindi tuluyan na maagaw ni Damon Adler Miller, Lara’s husband.
Alam kong galit ang mga kapatid ko sa mga ginawa ko sa kanilang buhay. I did that para naman maramdaman nila na nandito ako, na kapatid nila ako. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko at inaamin ko iyon. Hindi ko na rin naman sila ginugulo ngayon.
“Then bakit hindi ka pa nagse-settle down? Matanda ka na, Patricia!”
Tinignan ko siya ng masama.
“I’m still 28 years old, b***h! Bata pa ako at hindi ko pa kailangan mag settle down!” inis kong sabi.
Natigil lang kami sa pag-uusap ni Aira nang tinawag na ako ng mga staffs dahil magsisimula na ang photoshoot. Nag final touch na muna sila sa aking outfit at makeup at lumapit na muna kami sa photographer dahil hinila ako ni Aira.
“Mr. Hernandez!”
Hindi ko mapigilan na mapairap dahil halatang gustong-gusto talaga ako ni Aira na e-pair kay Kyle. Humarap sa amin ang lalaki at seryoso niya kaming tinignan at bahagya siyang yumuko sabay bati.
“Hello, Miss Seno,” bati ng lalaki kay Aira.
Hinawakan ni Aira ang aking braso at bahagya akong inilapit sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kyle at nakaramdam ako bigla ng kaba kaya ang ginawa ko na lang ay ang ngumiti sa kanya para hindi niya mapansin ang aking kaba.
“This is my alaga s***h friend, Patricia Aquino. Kilala mo ba siya, Kyle?”
Tumango si Kyle habang nakatitig pa rin sa akin.
“Yes, kilalang-kilala ko siya,” seryoso at malamig na sabi ni Kyle.
Napalunok ako sa aking laway at naramdaman ang malakas na kabog sa aking dibdib.
Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ‘to?
He’s not my type!!!