THE DESTINED WIFE KABANATA 22 CLARKE’S POINT OF VIEW. "Madi! 'Wag kang tumakbo!" "Sorry Mama!" Sabi niya at lumapit na sa akin. Pinunasan ko ang pawis sa mukha at likod ng aking anak. Naglalaro kasi siya kasama ang kaibigan na si Hope na anak ng kaibigan ko na si Julia. "Laro ulit kami ni Hope, Mama!" Sabi niya at tumakbo pabalik sa kalaro na si Hope. Napailing nalang ako at pinagmasdan sila na naglalaro. "Ang laki na ni Madi, 'no?" Sabi ni Julia at umupo sa tabi ko. Tumango ako at muling pinagmasdan ang aking anak. Pitong taon na din ang nakalipas at 7 years old na si Madi. Mabilis siyang tumangkad kahit bata pa ito, namana niya ito sa ama niyang si Finn. "Wala ka bang plano umuwi sa Pilipinas, Clarke?" tanong niya. Napatingin ako sa aking kaibigan at napaisip. 7 years na rin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books