THE DESTINED WIFE KABANATA 3 WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. MINE CLARKE’S POINT OF VIEW. HINDI MAALIS sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Finn dito sa loob ng classroom. Hindi ako makapaniwala na nagpadala ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nakaramdam ako ng pagkasabik nang hawakan niya ako, haplusin niya ako, halikan niya ang aking labi at ang aking dibdib. F*ck! I really hate him to the bones. At ang kapal pa ng pagmumukha niyang sabihin sa akin na sa kanya lang ako. Walang nagmamay-ari sa akin! I own my life. Wala siyang karapatan na angkinin ang buhay ko. “Earth to Clarke!” Napakurap kurap ako sa aking mga mata at bahagya rin akong napatalon ng marinig ko ang boses ng aking kaibigan na si Harper. Humarap ako sa kanya at nakita ko siya na nakasimangot ngay