Walang Lingon akong lumayo kay Luke. Pinunasan ko ang mga Luha ko nang makarating ako sa Pool Party, Maingay ang buong paligid at maraming taong abala sa pakikipagsayawan at inuman. Ang bigat bigat ng Loob ko. Parang punong puno ng hinanakit ang dibdib ko. Na kahit iiyak ko itong ngayon parang bukas hindi parin ito mawawala Napatigil ako nang biglang humarang sa harapan ko yung babae kanina. Narinig ko na Cirish pala ang pangalan nito. Nakangisi itong Nakatingin sa akin "Look What we have here huh.." Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "A 'Luke Obsess'" Nanunuyang sabi nito. I rolled my eyes and stared at her. Para siyang nakikipagtagisan ng titig. "Kung may ayaw man akong makita ngayong gabi ikaw iyon. Tabi!" Tinulak ko siya. Pero Malakas siya at hinigit niya ng pagkahigpit