Nagpunta ako sa Cafe at nagpaalam kay Angel. Naiintindihan naman daw niya iyon at nabalitaan na rin niya ang nakatakdang pagpapakasal ko kay Ron. Naramdaman ko naman ang pagkalungkot nito sa pagresign ko pero dadalawin ko nalang siguro siya dito. Hindi parin ako mawawalan ng rason para magpunta rito. "Angel? Ayos ka lang ba?" Napansin ko kasi ang pagtulala nito. "Ha? Ah Oo. Sandali lang ha." Pagpapaalam naman nito. Sinundan ko siya ng tingin palabas ng Opisina. Bakit ganun si Angel ngayong araw? Naramdaman ko ang pag vibratr ng phone ko mula sa Bag ko. Nakita ko ang Caller ID Grae Calling..... "Hello? Bruha? Napatawag ka?" Bungad ko sa kanya. "Ayos ka lang ba? Pasensya ka na hindi kita nasagot kahapon. Hindi kita nasamahan sa Pagvideoke mo may Pinaasikaso kasi si Dad sa akin kah