Pinaghahagis ko sa kama ang mga Damit ko. Hindi ako makapili ng Isusuot. May Open Concert Party ang Resort nila Rowin ngayong Gabi. And I shouldn't Miss that.
Naisip kong sasayaw ako sa Party kaya naman isinuot ko ang White Dress. Na hanggang above the knee lang. Pakiramdam ko kasi ay mas komportable ako sa damit kong ito. Tinali ko ng half ang buhok ko at naglagay ng light make up lang. Dahil Gabi. Hindi masyado mapapansin kahit gaano kapulang Lipstick ang gamitin ko

Nagsuot lang ako ng Flatshoes dahil sa Buhangin lang din ang sasayawan baka matapilok pa ako. Sayang nagdala pa naman akong mga heels.
Madali kong tinungo ang kung nasaan ang Party. May Bandang tumutugtug at ang rami ng tao. Maraming nagsasayawan. Luminga linga ako sa paligid mukhang wala sila Jake rito o si Kuya. Si Kuya naman panigurado akong may kaappointment yun.
"Miss, Wine Gel?" Napatingin ako sa Water na tumigil sa tapat ko. Ngumiti akong kumuha ng Wine Gel sa Tray at Kinain ko ito.
"Wooo" Hindi ko napigilan ang natuwa. Ang lakas naman masyado nito? Kala ko Cocktails lang ang ginagawan nila ng ganito.
Biglang nag iba ang music kaya naman naghatawan ang mga tao rito. Pumunta ako sa harap at sumayaw. I miss the old days when I hang out with my friends ni California. Halos buong magdamag kami nagpaparty. Iba kasi talaga ang buhay duon. Dito mula nang makauwi ako ngayon lang yata ako nakapag Bar. Hindi rin kasi ako makalabas ng wala akong kasama.
"Hey" Nagulat ako nang may biglang lalakeng nagpunta sa harapan ko at sinabayan ako sa pagsayaw. Mula ilaw sa Dancefloor ay napansin kong may hitsura ang isang to.
"Hindi ka pilipino diba?" Tanong ko sa kanya habang tuloy parin sa pagsasayaw
"Hindi eh. Half ako." Ngumisi ito. Samantala ay kumuha siya ng dalawang Drinks mula sa Waiter na dumaan. Iniabot niya sa akin ang isa
"Half Matino Half Mongoloid ba?" Pagbibiro ko ito. Nasamid pa siya nang ininom niya ang Drinks na kinuha kanina. Nagpunas ito ng labi at tumingin sa akin
"Agaw pansin ang ganda mo talaga" Ngumuso ako at ininom ang drink galing sa kanya.
"Namumuro na ako kakarinig niyan."
"Talaga? Totoo naman. By the way I'm Henry. Henry Lao. And you?" ani niya. Nilagok ko ang baso ng cocktail drink na ibinigay niya at iniwan ang baso sa waiter na dumaan.
"Nyda. Nyda Jemilla Villafuerte."
Pansin kong nagsalita pa ito pero hindi ko na siya napakinggan nang naagaw ng isang taong pamilyar ang atensyon ko mula sa dancefloor. Maraming Tao rito at hindi gaano kaliwanag pero sigurado ako sa taong nakita ko
"Wait Henry. I gotta go." Pagpapaalam ko rito at nagtungo kung saan malapit si Tristan. Nagkunwari akong sumasayaw parin habang sumusulyap ako sa kanya. May kasama siyang Babae. Hindi gaano maporma. Pero parang tuwang tuwa si Luke sa usapan nilang dalawa. May nalaman laman pang bumulong bulong yung babae tapos itong tristan sobrang tuwang tuwa naman. Kung Joke ang usapan mas magaling ako jan!
Nang Biglang nag iba ang Music. Naging Slow ang Music at Romantic Song ang sumunod. Yung mga tao sa paligid ko ay natahimik ilan sa kanila ay may kapareha sa pagsayaw. Hinanap ko si Luke mula sa kinaroroonan niya kanina pero wala na siya.
Luminga linga ako sa paligid. Nakita ko sila nung babae sa gitna na nagsasayaw na. Nakahawak si Luke sa baywang ng babae at ang lapit lapit nila sa isa't isa. Napaisip ako bigla magkaanoano ba sila ? at bakit sila ganyan sa isa't isa.
Para akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Nagigting ang panga kong nag alis ng titig sa kanila. Pero kahit hindi ko sila pagmasdan ay ramdam a ramdam ko ang tindi ng selos na nararamdaman ko. At naiiwan sa isip ko ang litrato nilang magkalapit sa isa't isa.
Pinatigil ko ang waiter na may dala ng Champagne at kumuha ako ng isang Baso. Nilagok lahat ng iyon. Paalis na sana ang Waiter pero pinigilan ko siya
"Iinumin ko lahat niyan." sabi ko sa kanya. Limang baso ang naroroon at tinungga ko lahat ang champange na naroon.
Para akong nakaramdam ng init sa pisngi ko nang matapos kong inumin lahat ng iyon. Napatingin ako kila Tristan ganun parin ang posisyon nila.
Namartsa ako palayo sa Dance floor. Natanaw ko ang dagat, Walang Tao. Baka mas nakakabuti pang lumayo muna ako dun at magpalamig. Dumeretso ako sa dalampasigan para salubungin ay alon. Naramdaman ko ang kakaibang lamig ng tubig at laka sng alon na parang kapag hindi na ako nakakalakad ng maayos ay mapapatiaanod na ako sa sa dagat. Hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi ko. Papalakad ako sa mejo may kalaliman na parte ng biglang may humablot sa kamay ko
"This is not the proper way to die." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Ron na naka shorts at nakajacket at may innershirt ito
"R-Ron."

Iniahon ako ni Ron mula sa tubig at umupu kamo sa bench kung saan malapit ang mga Tents.
"Here." Ibinigay nito ang Jacket niya sakin. Tatanggihan ko sana kaso, Nahihiya ako kay Ron.
Kilala ko si Ron mula pagkabata. Iisa ang School namin mula Elementary hanggang nag Highschool ako. Pinsan siya ni Rowin. Nang namatay kasi si Tito Ramil nuon ay umalis ang Mommy niya at nagkapamilya na siya. Silang dalawa na lang ng ate niya ang natira. Naiwan sila sa pangangalaga ng Mga magulang ni Rowin. at sa ngayon ay ang Ate niya ang umaasikaso sa Business nila.
"Magpapakamatay ka ba?" ngumisi itong tumingin sa akin.
"Hindi ah. Naaliw lang ako sa dagat sa ka parang naiinitan ako kanina. Ngayon mejo ginignaw na ang mga paa ko."
"Palusot mo. May nakita ka lang eh." Nawala bigla ang mga ngiti ko. Naalala ko ang nakita ko kanina. Masyado nga siguro akong naapektuhan at parang nawala ako sa pagiisip ko.
"Nagseselos lang ako. Bakit sa ibang babae ay nagagawa niyang maging ganun sa kanila tapos sa akin kahit kausapin man lang ng ni Hi/Hello Nyda kumusta? Buhay ka pa pala? Ni hindi nga niya ako matanong niyan. Parang may dalaw lagi at allergic sa akin. Nakakainis lang!" Nahalukipkip ako. Ni misnan simula nang makauwi ako ay wala na kaming matinong paguusap ni Luke. Kung bakit pa siya naging Agent at madaling makahalata sa mga balak ko. Naging d**g Addict ka nalang sana para sakin ka na maadik Luke!
"Kung ayaw sayo wag mong ipilit. Ganun lang yun. Pinapahirapan mo lang sarili mo. Saka kahit hindi ka magsalita halatong patay na patay ka parin kay Luke. Kaya siguro dumidistanysa siya sayo."
"Halata ba talaga?" Lumapit ako dito. Tumingin siya sakin. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin
"Gusto mong ituktuk ko tong bato sayo? Halata. Baliw mo parin hanggang ngayon. Dika nagbago. Dika magugustuhan ni Luke. " walang ganang sabi nito, Hinampas ko naman ang braso niya pero tumawa lang siya
"Ikaw rin kaya. kalat na kalat ang pagiging babaero mo." lumapit pa ako sa tenga niya at pinagdiinan ang 'Babaero'
"Hindi na usong magseryoso ngayon. " Tumayo siya at nagpagpag ng shorts nito. Tumayo rin ako at tinignan ko siya
"Pero hindi ibig sabihin hindi ko kayang mag mahal." Parang may lungkot sa boses nito. Hindi pa nga ako nakapag paalam pero umalis na siya.
For everyone, Ron is a Bad a*s. A Jerk and such a d**k. But for me. He's still the senior that care for others. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakt bigla silang nagkagalitan nila Luke sa isa't isa. Gustohin ko man magtanong, Hindi niya ako sasagutin and I just thought to leave it like that.
*******************
"You can go now." Tumigil ako sa pagsasayaw. Nahalata ko naman ang pagiba ng ekpresyon nsa mukha niya
"Ang bilis naman. " she pouted. Tinapik ko naman ang balikat niya "Thank You by the way." akmang aalis na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko
"May kapalit yun. Remember that." Saka ako kinindatan nito. Samantala ay binalewala ko lang ito at dalidaling umalis sa Dance Floor.
Natanaw ko si Rowin patungo sa dalampasigan na may bitbit na gitara. Tatawagin ko sana siya pero nakito ko si Lianne sa may buhangin na nakaupo kaya hindi ko na itinuloy. Baka makaistorbo pa ako.
Umakyat na lang ako sa Villa not expecting Jake to be there. Nakalubog ang mga paa nito sa Pool at may Wine itong iniinom.
"Mag isa ka?" Natatawa kong bungad sa kanya. Tinignan ako nito na parang nahihiyang nadatnan ko siya rito.
"Unfortunately Yes." Walang ganang sagot nito. Lumapit ako sa kanya at inilubog rin ang mga paa ko sa pool.
"Nagmumuni muni ka? Nakakatawa ka" Napailing iling naman ako. Nagsalin ako ng bourbon sa baso ko at tinungga iyon
"Eh ikaw indenial. Mas nakakatawa ka." saad naman nito sakin.
"Indenial? Wala ako sa stage of grieving. Tumigil ka." sabi ko naman sa kanya. Napatingin ito sa akin. Inagaw niya ang bote ng bourbon at siya ang nagsalin sa baso namin
"Nasa Stage ka naman ng falling inlove to Nyda." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at iniba ko ang tingin ko.
"Silence means yes." Hirit pa nito.
"I'm not." Saad ko sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa
"Bat' mo nga pala siya sinundan?" Napatingin ako sa kanya. Pati ba naman yan napansin niya.
"I just talked to my friend. Wala akong pinuntahan." Bigla itong lumapit sa akin at inamoy amoy pa ako. Parang naweirduhan ako kaya naman agad kong inilayo ang katawan ko sakanya
"Ang Bakla mo Pre!Layuan mo ko!"
"Aysus.. Amoy babae ka. May naamoy pakong tekka? Chateu Paris pa yata yun? Nasa Open Party ka eh. Sus. Sinundan mo lang si Nyda. Mukha mo." Humalakhak pa ito. Hindi ko nalang siya pinansin at tinungga ang bourbon sa baso ko.
"Nyda has totally changed. Everything about her. Nakita ko kung paano tumingin ang ibang kalalakihan sa kanya."
"We all know. Nyda is piece of a beautiful goddess. Bata palang naman siya maganda na siya. Pero tama ka. She has changed. Kaya na niya ang sarili niya. Kahit dimo siya bantayan sa mga ganyang parties." Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung sinundan ako ni Jake o malakas lang talaga ang instinct niya at kilalang kilala niya ako.
"She's still a Kid for me."
*****************
UNEDITED