Jarrah's Pov: Nasa kalagitnaan na ng alas dos at alas tres ng hapon. May araw ngunit hindi ganoon kainit ang kapaligiran. Makulimlim ang kalangitan, maitim ang mga ulap na tila ba ay nagbabadya na bubuhos ang ulan ngunit wala namang kahit isang patak ng ulan ang nagmumula roon. Gloomy. Iyon ang tamang description para ilarawan ang panahon at ang kapaligiran sa araw na ito. Parang nagkasundo pa nga ang dalawang iyon para makisimpatya sa isa't-isa. Nakikisali pa ang malamig na pakiramdam na ibinibigay ng hangin. Hindi na nga ganoon kainit pero mas lalo pang hindi maramdaman ang araw dahil sa malamig na simoy ng hangin. Sabado. At sa halip na manatili sa aming bahay katulad ng lagi kong ginagawa tuwing ganitong araw at kung walang pasok, mas pinili kong pumasyal dito sa baybayin. Ngunit