Jarrah's Pov: Medyo pamilyar ang daang tinatahak ng sasakyan. Hindi ko nga lang matukoy kung saan kami pupunta dahil wala namang sinabi si Theo. Tahimik lang s'yang nagda-drive, ni hindi ko nga sigurado kung may dila pa s'ya o nalulon na n'ya iyon ngayon. Mula kasi kanina nang bumaba kami sa lighthouse hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin s'ya nagsasalita. Mukha naman s'yang hindi bad trip dahil pinagbukasan pa n'ya ako ng pinto ng sasakyan. Iyon nga lang, nanatili s'yang tahimik. Hindi ko tuloy alam kung nagsisisi s'ya na sinabi n'ya sa akin ang kuwento n'ya o ano. "Uy, Theo..." Hindi na ako nakatiis at kinalabit ko na ang lalaki. "Hmm?" Sumulyap lang s'ya sa akin bago muling itinuon ang atensyon sa kalsada. "Okay ka lang ba? Bakit hindi ka na nagsalita riyan?" "Oh, I th