Simula
Totoo ba na ang mga tao ay nahahati sa langit at lupa? Na kapag mayaman ka ay kasing taas mo ang langit, at kapag mahirap ka ay kasing baba mo ang lupa? Sa yaman at hirap ba nasusukat ang pagkatao ng mga tao? Bakit kailangan nilang mahati sa dalawa?
Isang magarbong salusalo ang nagaganap ngayon sa aming tahanan. Lahat ng nga kasambahay ay hindi magkandaugaga sa pagkilos. May iba't iba ring mga pinapunta rito para gawing magarbo ang selebrasyon. Ngayon kasi ang aking ika-labing anim na kaarawan.
“Hija, hinabilan ng inyong ina na huwag kayong hayaan na magliwaliw sa mansiyon dahil baka kayo raw ay mapaano.”
Tinignan ko si Manang Teresita, ang pinakamatandang kasambahay dito sa amin. Bata pa lamang ako ay nandito na siya, at masasabi ko na mabuting tao si Manang Teresita.
“Sandali lang po, Manang, magtitingin lang ako sandali tapos ay babalik na rin ako sa kwarto.”
Halata ang stress nito dahil sa akin. Nakasunod siya sa aking paglalakad, para siyang buntot ko kung titignan. Hindi ko naman siya masisisi dahil iyon ang utos sa kaniya ni Mommy at Daddy.
Nahinto ako sa paglalakad para tignan ang mataas na hagdan paitaas sa aming mataas na kisame. May inilalagay silang panibagong chandelier na gustong-gusto ni Mommy. Mahilig siya sa mga bagay na makikintab. Mula sa sapatos, mga kagamitan sa kusina, at sa damit niya, gusto niya ay kumikinang ang mga iyon.
“Ikaw talaga na bata ka, baka mapano ka riyan. Halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo.”
Nginitian ko si Manang. “Wala pa naman po ang mag-aayos sa akin. Saka na po kapag nandiyan na sila. Promise, hindi ko kayo isusumbong kay Mommy.”
Problemado siyang umiling sa akin pero sa huli ay wala rin nagawa. Tinawag niya si Danica para samahan ako dahil may gagawin pa siya sa kusina.
Masunurin na lumapit sa akin si Danica, ang apo ni Manang Teresita. Bata lamang siya sa akin ng isang taon. Nandito na si Danica magmula siya ay sampong taong gulang. Ang alam ko ay wala na ang magulang niya. Ang nanay niya ay namatay sa panganganak sa kaniya, samantalang ang tatay niya ay tuluyan na siyang iniwan dahil may iba na itong kinasama. Kaya ngayon ay si Manang Teresita na ang tumayong magulang para sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya, bahagya naman itong natulala sa akin. “Danika, gusto mo rin ba ng ganito kagarbo na kaarawan?”
Nahihiyang ngumiti siya pabalik. “O-Oo naman po, Miss Charlotte. Lahat ng batang tulad ko ay nais ang ganitong kaganda, kagarbo, at kalaking handaan.”
Napunta ang tingin ko sa mga lakaking may ipinapasok na magagandang lamesa at upuan sa para dalhin sa garden. Kung saan-saan ko rin nakikita ang iba't ibang palamuti. Big, shiny, and more expensive than before.
“Miss Charlotte, sa kwarto na lang po muna kayo—”
“Halika, Danica, kwentuhan mo ako tungkol sa kung paano ang ginawa niyong preparasyon kapag may kaarawan sa pamilya niyo.” Hinila ko siya papunta sa likod bahay.
Mula rito ay nakikita ko pa rin ang pag-aayos sa garden. May hardinera na gumugupit ng halaman para lalo itong pagandahin. May iilan na nakapansin sa akin na binigyan ko ng matamis na ngiti, they all smiled back shyly.
Kumamot ng ulo si Danica. Huli na nang mapansin ko na may hawak pa siya na basahan sa kamay. Mukhang nagpupunas siya ng kung ano bago siya tawagin ni Manang Teresita.
“Wala namang espesyal, Ma'am. Kung ano lang ang nakayanan ni Lola at ng Tito ko, iyon ang inihahain namin sa lamesa. May spaghetti, hindi iyon mawawala, Miss. Pwede rin pancit pero mas gusto ko spaghetti. Minsan ay shanghai, at softdrinks. Pero alam niyo, Ma'am kung ano ang hindi mawawala?”
Naintriga ako sa huli niyang tanong.
“Cake, Miss. Para sa tulad namin na mahihirap, ang symbolo ng birthday ay cake. Pasalamat na lang ako sa Tito ko dahil kahit walang pera iyon ay nagagawa niyang gumawa ng paraan para laging may cake kami ni Lola sa birthday namin. Nakakalungkot nga lang dahil kapag siya ang may birthday ay sakto naman na wala kaming pera ni Lola. Lagi nga sinasabi ng Tito ko na okay lang kahit wala siyang handa.”
The way her eyes lit up while telling her story makes my heart flutter. Tunay na masaya siya sa simpleng bagay na nakukuha niya. Isa iyon sa gusto ko kay Danica. Kaya sa tuwing may mga damit, sapatos, o gamit ako na hindi ko na nagagamit ay sa kaniya ko ibinibigay, palagi siyang nagsasabi ng pasasalamat.
And I can't help but notice the difference between our lives. Higit na sobra-sobra ang nangyayari ngayon kumpara sa kwento niya. Hindi pwede kay Mommy na spaghetti o shanghai lang. She would always contact the most expensive caterers in town whenever I celebrated my birthday. Kapag sila naman ang may birthday ay okay na mag-order na lang sila sa sikat at mahal na restaurant.
“Masaya ka?” maingat na tanong ko.
“Oo naman, Miss! Sobrang saya ko lalo na kapag sama-sama kami ni Lola at ng Tito ko. Bumibisita rin ang mga kaibigan ko tuwing birthday ko. Masarap din naman magluto si Lola kaya sulit na sulit kahit kaunti lang ang handa.”
Ang matamis na ngiti ko habang nakikinig sa kaniya at unti-unting nabura. The mere mention of her friends is making me different from them. I never had friends before her. Paano naman kasi ako magkakaroon ng kaibigan mung home-schooled ako? Bukod sa kaniya, wala na akong kaibigan. At ang kasiyahan niya dahil kumpleto sila kapag birthday niya ay higit na kinaiinggitan ko.
Today is my birthday but my parents aren't home. Kagabi ay kinausap na nila ako tungkol rito dahil may kailangan silang asikasuhin na kaso sa ibang bansa. My father is a great lawyer, while my mother is a famous journalist here in the Philippines. Lagi silang laman ng balita lalo na sa tuwing may naipapanalong kaso si Daddy, o sa tuwing may nakukuhang award si Mommy dahil sa mga sinusulat nito na patungkol din sa mga tao na may ginagawang masama. Naikwento nga nila sa akin na dahil sa trabaho nilang dalawa ay kaya sila nagkakilala.
“Okay lang kayo, Miss?” nag-aalalang tanong ni Danica dahil sa biglang pananahimik ko.
“Y-Yes, I am okay. Balik na ako sa kwarto. Just notify me once the makeup team is here.”
Kumunot ang noo niya, hindi naintindihan ang sinabi ko.
“I mean... babalik na ako sa kwarto. Tawagin mo na lang ako kapag nandiyan na iyong mga mag-aayos sa akin.”
Kahit na hindi ko siya sinabihan na ihatid ako ay inihatid niya pa rin ako pabalik sa kwarto. Nang ako na lang mag-isa ay ibinagsak ko ang katawan sa malambot at malapad kong kama.
My room is a mixture of white and gold. On the side, I have my huge bookshelf which is full of books that Daddy imported abroad. Beside is my study table, where I always do my study.
Bumuntong-hininga ako. Punong-puno ang kwarto ko pero bakit parang may kulang? Hindi ako masaya.
Lingid sa kaalaman nilang dalawa, hindi ako mahilig magbasa. Ang totoong mahilig magbasa ay si Daddy. Hindi ko rin gusto ang magagandang bagay sa kwarto ko, ang totoong may gusto ay si Mommy. Ang gusto ko? Gusto kong matuklasan ang iba pang bagay sa labas ng kwarto ko at mansiyon namin. Iyon ang totoong gusto ko.
A knock interrupted me. Si Danica, sinabi niya lamang na dumating na ang mga mag-aayos sa akin. Kahit ayaw ko dahil wala akong gana ay matamis ang ngiti kong sinalubong ang mga inatasan ni Mommy na ayusan ako.
Buong oras na inaayusan nila ako ay nakatitig lamang ako sa salamin, pinapanood kung paano nila lalong i-enhance ang aking mukha.
“Kung hindi sinabi ni Madam na sixteen ka na pala ay aakalain ko na trese ka pa lang. Napakaganda mo, mukha kang manika! Ang dali-dali ayusan ng mukha mo dahil wala namang masyado na kailangan pa gawin.”
Hindi ko alam kung compliment ba iyon pero ngumiti lamang ako bilang sagot. Marami na rin naman ang nagsasabi na mukha akong bata kaysa sa edad ko.
Sabi nila, may nakahahalina raw akong mukha. Na lahat ng tao ay bibigay sa gusto ko kapag nakita lang ang mukha ko, lalo na ang mga mata ko.
I have delicate features, like an expensive masterpiece in an art gallery that cannot be touched because it is fragile. My nose is small—delicate and not prominent but it looks elegant in my small face. I have almond-shaped eyes with the same color of honey, that contains questions for everything. My eyelashes are long like a feather, perfectly shaped, which adds to my expression every time I talk to someone.
I don't have high cheekbones but I do have a bit of a chubby cheeks. I have a condition called rosacea, whenever I sweat or feel hot, my cheeks flush. On the other hand, my lips are naturally colored like a rose—they always curve with a smile. I have small lips but a heart in shape.
Matapos nila akong ayusan ay sinunod na nila ang buhok ko. Huli nilang ipinasuot sa akin ang gown na binili pa ni Mommy sa ibang bansa. It is a combination of pink and gold. I am not comfortable wearing it but I don't have other choices. Magtatampo si Mommy kapag inayawan ko ang mga damit na ibinili niya para sa akin.
“Perfect! Ready na!”
Ang plano ay bababa ako sa hagdan. Narinig ko na marami ng bisita sa ibaba pero halos mga katrabaho iyon ni Mommy at Daddy. Nandito sila pero wala naman ang magulang ko. Pakiramdam ko tuloy ay napilitan lang talaga sila na magpunta dahil sa magulang ko, o kaya naman ay baka nakiusap lang sila. Kaunti lang ang kamag-anak namin dahil walang kapatid si Mommy. Si Daddy naman ay tatlong magkakapatid lang.
“Smile, sweety, ikaw ang pinakamanda.”
Tulad ng sinabi niya, ngumiti ako. Pinsan ko ang umalalay sa akin habang pababa ng hagdan, si Kuya Gerald. He smiled at me and I smiled back.
“Happy sweet sixteen, our Charlotte. Dalagang-dalaga ka na,” wika niya habang inaalalayan ako sa pagbaba ng hagdan.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya. “Thank you, Kuya.”
Hindi talaga ako close sa mga pinsan ko pero kapag magkakasama kami ay pinararamdaman nila ang pag-aalaga nila sa akin. Ako ang bunso at nag-iisang babae sa magpipinsan kaya ganito sila. Tatlong magkakapatid na lalaki sina Kuya Gerald.
I gracefully walk while flashes of camera blink on me. Pinigilan ko na huwag mapapikit dahil alam ko na hindi matutuwa roon si Mommy. She wants everything perfect about me.
Lahat sila ay nakangiti sa akin. Lahat sila ay pamamangha sa mga mata habang pinanood ang mapipino kong pagkilos. Kumukuha pa ang iba ng larawan ko.
But that is what they feel about me. What about mine, then? I am not happy. I am incomplete. I don't want this kind of life. What I want is to feel freedom and happiness.
Nang matapos ang handaan ay agad din na naglinis. Nakatanggap ako ng sandamakmak na mamahaling regalo mula sa mga katrabaho ni Mommy at Daddy, tulad ng relo, mga branded na bags, high-quality makeup from abroad, and someone even gifted me a huge amount of money.
Kagabi rin ay tumawag si Mommy at Daddy. They are both sorry for not being here, pero sanay na ako. Kung hindi ako nagkakamali ay apat na beses pa lamang sila na kasama ko sa mga birthday ko, madalas ay sandali pa dahil nagmamadali rin sila sa pag-alis.
"Ang dami niyong regalo, Miss Charlotte. Hindi niyo po ba aayusin?" Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Danica habang nakatingin sa mga regalo ko na nasa ibabaw ng kama.
Nginitian ko siya. "Buksan nating dalawa, Danica. Kung may magustuhan ka, sa 'yo na."
Lalong nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Alam ko na hindi maganda na ipamigay ang iniregalo sa 'yo pero masasayang lamang ang iba dahil hindi ko naman magagamit lahat. Mabuti na ibigay ko na lang kay Danica, ang mahalaga ay mapapakinabangan niya.
Inaya ko siya sa kama ko. Nagdalawang isip pa siya dahil baka raw marumihan niya ang kama ko pero balewala naman sa iyon. Lingo-lingo namang pinalilitan ang kubre kama at mga punda.
"Alam niyo, Miss Charlotte, sobrang swerte niyo dahil maraming nagbibigay ng regalo sa inyo, tapos puro mamahalin pa." I can sense a bit of bitterness in her voice. "Sa amin kasi, hindi uso ang regalo."
Tinitigan ko siya. "Ikaw ba, matutuwa ka kung ikaw ang niregaluhan ng mga ganitong bagay?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman po! Pero sa panaginip na lang ako aasa. Sa inyo ko nga lang po nararanasan ang mga ganitong bagay kaya maraming salamat."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol sa sinabi niya. Why does it seem that I am ungrateful for not being happy for all of these gifts? Dapat ba ay masaya ako? Matuwa ako? Pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. Samantalang si Danica ay tuwang-tuwa, kahit na bigay ko lamang sa kaniya ang mga gamit niya.
"Hindi ka pa nakatanggap ng regalo?" tanong ko.
Ibinaba ni Danica ang hawak na dress na nakuha niya saka ngumiti sa akin. Nariyan na naman ang kislap sa kaniyang mata.
"Si Tito, lagi akong nireregaluhan. Simple lang ang mga regalo niya pero masaya ako dahil alam ko na pinahirapan niya ang mga iyon. Alam mo ba na magaling mag-drawing ang Tito ko? Nag-aral din siya na mag-crochet para magawan si Lola ng bulaklak."
Hindi ko namalayan na nakangiti na rin ako habang nagsasalita siya. Natutuwa ako dahil sa ginawang effort ng kaniyang Tito. Sumubok din ako na mag-aral mag-crochet pero hindi ko kaya at wala akong pansensiya para roon.
"Ano ba ang trabaho ng Tito mo?"
Tumingin siya sa itaas, nag-iisip. "Ewan ko, paiba-iba ang trabaho ni Tito. Noong last na nakasama ko siya ay nagtuturo siya sa mga high school student, at nagtatrabaho sa car wash. Ngayon? Hindi ko na alam. Busy rin si Tito sa pag-aaral niya."
Umusbong ang pagkamangha ko sa Tito niya dahil sa sinabi niya. Nagtatrabaho ito habang nag-aaral? Paano niya iyon nagagawa?
"Ah, bata pa pala ang Tito mo."
Tumango siya habang ang mga mata ay busy na ulit sa iilan pang regalo na hindi nabubuksan. Ibibigay niya sa akin saka ko naman bubuksan para makita niya. Kapag gusto niya ay hindi niya bibitawin at susuriin niya iyon. Kikislap naman ang mga mata sa tuwing sasabihin ko na sa kaniya na lang.
“Oo, college pa lang ang Tito ko. Marunong din 'yon magdrawing. Marami rin nagpapa-drawing sa kaniya saka siya babayaran.”
Tinulungan niya ako na linisin ang mga gift wrap pagtapos namin na magbukas. Ang mga regalo naman ay pinagtulungan namin na ilagay sa storage box. Hindi lang isa, kung hindi tatlong storage box na malalaki.
Natulog ako sa araw na iyon na walang ibang ginawa kung hindi si Danica at magtanong ng kung ano-ano. Bukas kasi ay may pasok na ulit siya sa public school kung saan siya naka-enroll. Ako naman ay dito lang sa bahay. Ang mga teacher ko sa iba't ibang subject ang pumupunta rito para turuan ako.
Ganoon lagi ang routine ko. I cannot go outside because I am prohibited to do so. Hindi ko rin naman gustong tumakas dahil ayaw kong bigyan ng sama ng loob ang magulang ko. Noong ginawa ko iyon ay iyak nang iyak si Mommy at halos ayaw na ako pakawalan.
Sometimes, I wonder if my life will remain like this. Ganito na lang ba ako palagi? Laging nakatanaw sa bintana at pilit inaabot ng tingin ang lahat? I am normal but why do I feel incomplete?
“Honey, what's wrong?” nag-aalalang tanong sa 'kin ni Mommy.
Hindi ko namalayan na hindi ko na pala nagagalaw ang aking pagkain. Pareho sila ni Daddy na may pag-aalala sa mga mata habang nakatingin sa akin.
“Wala po,”
I heard Daddy sigh. “Baby, tell us what's bothering you. Maybe, we can help. We are sorry for being busy these past few days. Hindi ka na namin masyadong natututukan kaya pasensiya ka na, anak.”
Nahihiyang umiling ako sa kanila. Kung sasabihin ko ang totoong nilalaman ng isip ko ay malulungkot lamang sila dahil alam ko naman na ayaw na ayaw nila na nagtatanong ako o nagsasalita tungkol sa nais kong pagtuklas sa labas.
Wala akong nagawang kasalanan pero bakit nakakulong ako? Hindi nila ako pinagbabawalan na magkaroon ng phone at sa social media pero hindi ko gusto ang mga nakikita ko roon. Paano ako maniniwala kung sa personal na buhay ay wala akong kaalam-alam?
“Wala po, may hindi lang ako nasagutan sa pinasasagot sa akin ni Miss Feli kanina.”
Lumambot ang tingin sa akin ni Mommy. Ang mainit at malambot niyang kamay ay humawak sa likod ng ulo ko at marahan na hinaplos.
“Huwag kang masyado na magpakapagod sa pag-aaral. Your health is more important, okay? Don't stress yourself, honey.”
Pilit ang ngiti na tumango ako sa kanila. Ayaw ko na silang mag-alala pa sa akin. Masyado na silang ginagawa na trabaho, ayaw ko ng dumagdag pa.
Days passed like a wind. Kaarawan ko na naman. Wala na naman sila. May mga iba't ibang tao na naman ang nag-aayos ng mansiyon para lalo itong pagandahin. Paulit-ulit na lang ang proseso, kalaunan ay pinagsasawaan ko na.
Pilit ang ngiti na binibigay ko sa lahat sa araw na ito. They are all clapping and spilling all the compliments they know to me. Wala akong ibang maisukli kung hindi matamis na ngiti na sobrang tagal ko ng nakabisa na gawin.
“Wow! Ang ganda nito, Miss Charlotte.”
Ngumiti ako sa isang kasambahay na pinagbigyan ko ng mga gamit na hindi ko na nagagamit. Wala si Danica at Manang Teresita ngayon dahil nagbakasyon sa kanilang probinsiya.
“Kung may iba pa kayong gusto o kailangan, sabihin niyo lang sa akin dahal baka mayroon ako.”
“Salamat, Miss!” they said in unison.
Nagbawas na rin ako ng mga gamit. Sa tuwing uuwi kasi si Mommy ay lagi itong dala na sandamakmak na damit at mga bags. Si Daddy naman ay mga libro. Hindi ko pa nga natatapos ang mga binili niya sa akin last year, maroon na naman.
I spent my time helping in the household. Noong una ay tutol sila dahil baka raw sila ay mapagalitan nina Mommy at Daddy pero wala akong ibang alam na gawin para maalis ang boredom ko. Hanggang sa nasanay na lang sila na tumutulong ako.
Kahit na sa garden ay madalas ay ako nagdidilig ng mga halaman. Kahit madalas din ako na nakapapatay dahil nalulunod daw sa tubig o hindi kaya naman ay nakakalimutan ko na diligan. Kung hindi lang ako anak ng boss nila ay malaman napagsabihan na nila ako.
Noong gabing din iyon ay umuwi si Danica at Manang Teresita. Tuwang-tuwa ako dahil may mga dala silang pagkain na roon lang daw mayroon sa kanila.
“Maasim 'yan, Miss. Ang Tito ko pa ang kumuha niyan para may makain daw kami sa byahe ni Lola pero sobrang asim! Talagang iningatan ko para matikman mo rin.”
Namangha ako nang hiwain niya ito sa maninipis at naghugis star nga siya. Star fruit o balimbing daw ang tawag sa kanila.
Nalukot ang mukha ko ng tikman iyon dahil sa sobrang asim. Tawa naman siya nang tawa sa naging reaksyon ko.
“Unpayr! Ang ganda niyo pa rin kahit na nangangasim na kayo.”
Bumalik na rin ako sa kwarto ko matapos ko silang salubungin. I was actually hoping to see my parents tonight. Sabi kasi nila ay ngayon sila uuwi.
Nakatulugan ko na ang paghihintay. Nagising na lamang ako dahil sa malakas na pagyugyog sa akin.
Bumungad sa akin ang naghihikahos na mukha ni Daddy. Hindi maipinta ang mukha niya dahil pinaghalong takot, pag-aala, at pagmamadali ang nasa mukha niya. Suot pa nito ang kaniyang business attire.
“Daddy?”
“Halika, anak. Huwag kang maingay. Kailangan mong makaalis dito. Nasa ibaba si Manang Teresita, kailangan mong sumama sa kaniya.”
Napuno ng pagtataka ang mukha ko. Ang dami kong tanong ngunit hindi ko na isinantinig dahil na rin sa itsura ni Daddy.
Iginaya niya ako papunta sa balcony ng kwarto ko. May inihagis siyang kumot na ipinagtagpi-tagpi. Matapos niyang masiguro na maayos na ang pagkakababa ng tela ay hinila niya ako.
“D-Daddy, bakit? Ano pong mayroon?”
Sa gitna ng gulo sa mukha ni Daddy ay nagawa niya pa rin na ngumiti. Hinawakan niya ang mukha ko, tila kinakabisa ang bawat detalye.
“Hindi mo man masabi sa amin ng Mommy mo, alam ko na nasasakal ka na sa amin. I know how much you want to explore the world. Mommy and Daddy are sorry for cagging you here. Ngayon... Gusto ko na tahakin mo ang mundo. Huwag mong isipin na magagalit kami.”
Wala akong maintindihan sa nangyayari pero pumatak ng kusa ang luha sa mga mata ko. Maging sa mga mata ni Daddy ay may luha na pumatak pero mabilis niyang inalis para hindi ko makita.
“Nasa ibaba si Manang Teresita kasama si Danica. Sumama ka na muna sa kanila pansamantala. Sasamahan ka nila sa lahat ng gusto mo, hmm? Mahal na mahal ka namin.”
Kahit wala akong alam ay sinunod ko ang gusto niya. Humawak ako sa kumot para makababa. Hawak-hawak ni Daddy ang tela habang patuloy pa rin ako sa baba nang may marinig akong malakas na kalabog.
Nanlaki ang mata ko. Umangat ang tingin ko kay Daddy na nagmamadali na maibaba ang tela para maayos akong makababa.
“Daddy? Daddy!” sigaw ko.
Buong akala ko ay susunod siya. Ang akala ko ay pagtapos kong makababa ay siya naman pero hindi... binitawan niya ang pagkakahawak sa tela at nagmamadaling umalis sa balkonahe.