Chapter 1

1111 Words
CHAPTER 1 Simula nang sabihin ko iyon kay Alice ay mas lalo siyang nagalit sa akin. Nalaman ng buong school ang kinahinatnan ng kaniyang pamilya, rason din para masira pa lalo ang reputasyong mayroon siya. Naging tampulan na rin siya ng tukso, hindi na halos nalalayo ang sitwasyon naming dalawa. Minsan ay hindi na siya pumapasok. Sa isang linggo ay dalawa o tatlong beses lang siyang nagpapakita. At kung hindi lang din marahil mayaman ang pinanggalingan niya, matagal na siyang nawala sa school na 'to. Tatlong taon na ang lumipas, pareho na kaming nasa third year college. Isang taon na lang bago ang graduation, pero ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng takot. Lalo siyang lumala na dumating sa puntong gusto ko siyang aluhin at damayan. Pareho kaming wala ng ama, kaya kahit papaano ay alam ko ang nararamdaman niya. Alam ko iyong hirap sa puso niya. Kailan man ay hindi naging madali sa isang anak na tanggapin ang kaniyang magulang na nagtataksil. Maging ako man, noong una ay nahirapan din ako na tanggapin si Tito Sebastian para kay Mama. Inakala ko na isang beses lang magmamahal ang isang babae matapos niyang ialay ang buong pagkatao sa lalaking minahal niya. Hindi ko naisip na lahat ng bagay ay may kasagutan. Pwede tayong mag-move on, maghilom at magmahal ulit. "Nakatulala ka na naman." Dinig kong sambit ng lalaking katabi ko. Si Haris Abraham Martin, ang long time boyfriend ko. Two years na kami at nakilala ko rin siya rito sa school. Nasa fourth year college na ito at katulad kong matalino rin, mabait at may mabuting puso. Wala siyang record na hindi maganda sa school. Sa batch niya ay siya ang nangunguna sa rank. Isa pa nga siya sa Dean lister. Marami rin ang humahanga sa kaniya, pero ako lang iyong nagtagumpay sa puso niya. Niligawan niya ako ng higit limang buwan. Sinagot ko na rin dahil mahal ko naman. At tunay nga na ano man ang estado ng buhay mo, may isang tao pa rin ang magmamahal sa 'yo. May handa pa ring tumanggap sa 'yo nasa ilalim ka man ng lipunan. Mayaman si Haris, nasa upper class. Mahirap abutin, pero pasalamat ako na siya ang umabot sa akin. Wala sa sarili nang mapangiti ako, kapagkuwan ay isinarado ang librong hawak-hawak ko. Nasa loob kami ng Library. Kaunti lang ang tao sa paligid dahil na rin lunch break. Dito namin pinili na magpahinga pagkatapos naming kumain. Ito palagi ang tambayan ko noon pa man na naging favorite spot na rin ni Haris dahil madalas siyang sumama sa akin kapag may free time siya. "Iniisip ko lang na paano kaya kayo ni Alice sa iisang bahay?" bulalas ko at saka pa siya nilingon, nagulat naman ito sa sinabi ko. Napag-alaman ko na ang ama ni Haris ay ang lalaking bagong makakasama ng Mommy ni Alice. Hindi pa lang alam ni Alice sa ngayon at alam ko na ano mang oras ay malalaman din niya iyon dahil balak ng Daddy ni Haris na magsama na sila ni Alicia. Ibig sabihin lang ay magiging step-sister ni Haris si Alice. Magkakaroon na sila ng koneksyon. Sa totoo lang ay hindi naman ako natatakot kung magkagustuhan man silang dalawa. Kilala ko si Haris, panatag ako na hindi niya ako magagawang lokohin. "Bakit mo naitanong?" ani Haris, ang mga mata niya ay lumamlam dahilan para lalong madepina ang pagiging inosente niya. "Wala lang. Alam mo naman si Alice. Baka mag-ala aso at pusa kayo kung sakali." Natawa si Haris bago gumalaw sa kaniyang pagkakaupo. Hinarap niya ako. Ang isang kamay niya ay umangat at itinukod niya sa back rest ng kinauupuan namin. Kapagkuwan ay masuyo niyang inayos ang ilang tikwas ng buhok sa pisngi ko. Tumitig siya sa akin. "It's bound to happen, Larisa. Lalo na't galit din ako sa kaniya sa pagpapahirap niya sa 'yo." Namula ang pisngi ko. Dati pa man ay alam na ni Haris na binu-bully ako ni Alice dahil nga laman palagi ng Dean office si Alice. Isang beses ay pinagtanggol niya ako at doon kami nagsimulang magkaroon ng special connection sa isa't-isa. Si Haris ang unang boyfriend ko at hindi ko alam siguro ang gagawin kapag naghiwalay kami. Bukod kay Mama, si Haris ang naging kasiyahan ko. Sa kaniya ako naging payapa. Siya ang dahilan kung bakit nakakatakas ako paminsan-minsan sa hirap ng buhay. Tinutulungan niya ako sa pinansyal. Marami na siyang naitulong sa akin at handa ko iyong suklian lahat ng pagmamahal ko. Aniya, okay na raw na mahalin ko siya. Sapat na iyon sa kaniya kahit wala akong maibigay. "Sana lang ay hindi ka masyadong maging marahas sa kaniya, Haris. Kung magalit man siya sa 'yo ay intindihin mo na lang ang pinagdadaanan niya. Hindi madali na tanggapin ang lahat sa kaniya, kaya sana ay habaan mo ang pasensya mo," pahabang lintanya ko na siyang ikinangiti ni Haris. "Bakit ba ang bait mo pa rin, Larisa? Sa tao pang naging masama sa 'yo?" "Alam mo ba ang katagang ‘bad people are made, not born’?" balik pagtatanong ko kay Haris, alam kong alam niya at matalino siya ngunit gusto ko pa ring ipaliwanag. "If someone is suffering due to social circumstances, someone must be at fault. Most bad people behave badly because they’re misinformed, they mistreated..." "Hindi ako nagkamali na ginusto kita, Larisa, na minahal kita," mababang boses na wika ni Haris at saka pa hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako. "Kaya ano man ang gawin sa 'yo ni Alice, pagpasensyahan mo na lang." "I can do that, pero hindi ko lang alam kung hanggang saan ang kaya ko, Larisa." "Kapag nagagalit ka na, mas maganda na mag-walk out ka na lang. Huwag mo na lang gatungan ang galit niya." Marahang tumango si Haris. "Kung magagalit man ako ay pupuntahan kita, ikaw lang naman ang nagpapakalma sa akin." Tuluyan nang kumawala ang mumunti kong paghagikhik. Ang galing lang talagang magpakilig ng lalaking 'to. Hindi na kataka-taka kung bakit mabilis akong nahulog sa kaniya. Nagdaan ang maghapon at dumating ang oras ng uwian, lulan ng kotse ni Haris ay inihatid niya ako sa bahay. Ngunit sa kanto lang ako nagpapababa. Sinabi kong istrikto ang Mama ko at bawal pa akong mag-boyfriend, kaya bawal siyang makita ni Mama, kahit ng mga kapitbahay namin. Pero ang totoo? Isa sa malaking sikreto ko ay ang lalaking nakatira sa bahay namin na ayaw kong malaman ng lahat. Higit tatlong taon na rin simula nang tumira siya sa amin. "Oh, nandiyan ka na pala, hija. Halika at ipinagluto kita ng meryenda," anyaya nito. Siya si Sebastian Ventura, ang ama-amahan ko at kinakasama ni Mama— siya ring tunay na ama ni Aliyah Denice Ventura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD