Chapter 19

3291 Words

"Pa-epal pala yang Hannah na yan eh." sabi ni Rayah habang nakain ng tsitsirya. "Tigilan mo yang pagkain ng ganyan, kapag nakita ka ni Doc Denver patay ka na naman do'n." pananaway ko sa kanya. Inirapan niya lang ako. Nurse si Rayah pero hindi siya mahilig kumain ng mga healthy na pagkain, kaya lagi silang nag-aaway ni Doc Denver eh. Sa totoo lang magkaibang magkaiba sila ng ugali. Masyadong matino si Denver para kay Rayah, si Rayah kasi puro kalokohan sa buhay. Kaya madalas silang mag-away eh. "Bahala siya sa buhay niya. Galit ako sa doktor na 'yon." pag-iinarte niya. Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko. From: Bullet Where are you? Napakunot ang noo ko. Panay ang text ng lalaking 'to, halatang ayaw niya talaga kasama si Hanna. Napailing na lang ako habang medyo natatawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD