Chapter 1

1004 Words
"Sa akin mapupunta ang bata dahil mas makakaya ko siyang bigyan ng magandang pamumuhay. Bukod sa oras, alam kong kapos ka sa pinansyal, Alona. Huwag mo ng subukan na umangal pa dahil masasayang lang ang laway mo." Nakita ni Alona kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Kenneth matapos ipamukha na walang magandang kinabukasan na mararanasan si Cleo kapag sa kanya ito mapupunta. Ang yabang ng lalaking 'to. Hindi naman siya magiging mayaman kung hindi siya umutang ng puhunan sa kaibigan nitong CEO. Napakakapal ng mukha niyang magyabang. "Excuse me lang po, attorney. Alam ko po na kapos po ako sa pinansyal atleast po kaya ko pong pagtrabahuan ang mga pangangailangan ni Cleo kapag nagkataon nang hindi umuutang." Pagpaparinig nito, nang balingan niya ng tingin si Kenneth ay napansin nito na uusok na ang ilong nito sa galit. "Tsk! Attorney, wala siyang stable na source of income, malaking rason po iyon para masabi na hindi magiging maganda ang buhay ng bata sa poder niya. Alam naman natin na sa pagpapalaki ng bata ay magastos kung kaya kinakailangan ng stable na source of income para hindi ito mapabayaan." Depensa niya, napatango-tango ang attorney na ikinainis ni Alona dahil mukhang nakukuha ni Kenneth ang loob nito. "Attorney, call center agent po ako, siguro naman stable na source of income na po 'yon para masabi na safe si Cleo sa akin at masisiguro na maganda ang buhay na maibibigay ko." Tugon naman niya, napansin niya na napapailing si Kenneth kaya mas lalong kumukulo ang dugo nito. Ano bang ipinaglalaban ng kumag na ito? Hindi porket may negosyo siya't stable ang source of income niya na ipinaglalaban ay kinakailangan na niyang umasta ng ganito sa harapan ko. "Let's not jump to a conclusion, Alona. What if night shift ka, edi maiiwan mag-isa ang bata sa bahay mo, gawain ba 'yon ng mabuting tatayong ina. Hmm?" Taas-kilay na tanong ni Kenneth. "Edi gagawan ko ng paraan, hindi naman 'yon problema e. Tsaka, ano bang alam mo? Ano bang alam ng isang playboy sa pag-aalaga ng bata? Baka nga imbes na magandang asal ang ituro mo sa bata ay puro mga kalokohan na ginawa mo nong kabataan mo. Valid na reason 'yon, Attorney. Hindi siya safe kay Kenneth knowing na dakila siyang playboy." Patutsada nito dahil hindi siya makakapayag na kay Kenneth ito mapupunta. Wala siyang magandang kinabukasan kapag sa kumag siya mapupunta. "Playboy ako pero hindi ako masamang tao." Depensa nito na animoy aping-api sa sinabi ni Alona. "Huwag mo ngang idamay 'yong personal na problema mo sa akin sa pagpapalaki ko sa bata. Sa ating dalawa, sa akin siya dapat mapunta." "Anong sa'yo? Sa'kin! Ako ang babae kaya sa akin siya mapupunta!" Napatayo na si Alona sa inis dahil sa komprontasyon nila ni Kenneth. Napatayo na rin si Attorney at ipinagitna nito ang kanyang kamay upang patigilin ang dalawa. "Bakit ba kailangan niyong mag-agawan kay Cleo kung nakasaad sa last will ng mag-asawa na kayong dalawa mismo ang mag-aalaga sa kanya?" Natahimik silang dalawa ni Kenneth sa sinabing iyon ni Attorney. Napaupo si Alona at napabuntong-hininga ng malalim. Walang saysay na makipagsagutan siya sa lalaki maghapon dahil hiling ng mag-asawa na silang dalawa ni Kenneth ang mag-alaga sa anak nila. "Sa ngayon, mukhang hindi pa kayo nagkakasundo kaya sa seguridad ng bata, sa amin muna siya mapupunta. Kinakailangan niyong ayusin muna ang personal niyong problema sa isa't isa bago namin ibigay ang bata sa inyo. Makakaapekto sa bata kapag nakikita niya kayong ganyan." Paliwanag ni Attorney. Matapos ang diskurso kasama si Attorney ay nagpaalam na ito kasama ang kawani ng DSWD na pansamantala munang mag-aalaga kay Cleo habang hindi pa sila nagkakaayos ni Kenneth. Nang maiwan silang dalawa ni Kenneth ay nagmadali itong lumabas dahil ayaw niyang pumirmi sa isang lugar na kasama ito. "Hanggang ngayon, may galit ka pa rin sa'kin ah." Napahinto si Alona sa paglalakad matapos marinig ang tinig na iyon mula sa likod niya. Kabisadong-kabisado niya ang may-ari nong boses na 'yon. Paano ko naman makakalimutan ang boses na minsan ay nagparanas ng trauma sa akin? Hinarap niya ito ng buong tapang habang mahigpit na nakahawak sa strap ng shoulder bag niya. "Psh! Inilalayo ko lang si Cleo sa taong magaling lang sa umpisa at sa salita." Nakita nito kung paano siya pagtawanan ng mapakla ni Kenneth habang nakapamulsang naglakad palapit sa kanya. Para bang may matibay na pandikit sa paa nito at hindi na niya iyon maigalaw paalis. "Inilalayo ko naman siya sa taong hindi marunong magpatawad kahit paulit-ulit ka na ngang humingi ng sorry sa kanya." Napahinto si Alona sa sinabi nito. Muntik na siyang maiyak nang bumalik sa ala-ala niya ang mga panahon na halos umiyak siya ng dugo sa mga ginawa ni Kenneth sa kanya. Hindi sapat ang isang case ng alak para makalimutan iyong mga mapapait na alaala na binigay nito sa kanya. Nakatanim pa rin ito sa kanyang puso na kailanman hindi kayang alisin ng isang sorry ang sakit. "Wala kang alam sa pagpapalaki ng bata kaya huwag ka ng umangal pa at hayaan na ako ang mag-alaga kay Cleo." Pag-iiba nito sa usapan bago pa sila mag-ungkatan ng nakaraan. "Who you? Sino ka para sundin ko?" Nang-aasar na tugon nito. "Let's fix everything about our past then I'm going to let Cleo go with you." Pagpapatuloy ni Kenneth at dahan-dahan na lumapit sa kanya hanggang sa maramdaman niya sa kanyang teinga iyong init ng hininga ng lalaki. "Makipagbati ka muna sa akin at pagbibigyan kita sa gusto mo. Think about it, baby." Malumanay nitong sagot at bago ilayo ang mukha nito sa kanya ay naramdaman niya na hinalikan nito ang teinga niya dahilan para agresibo niya itong itinulak palayo sa kanya. "Tangina non!" Pagmumura nito nang tuluyan na itong mawala sa paningin nya. Pinunasan niya iyong teinga niya na hinalikan ni Kenneth kanina dahil diring-diri ito sa ginawa niya. Hindi ako uto-uto para makipagbati sa kumag na 'yon. Walang kapatawaran 'yong ginawa niya sa akin. Kahit Diyos pa ang mag-utos sa akin, hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD