Sa loob ng van, hindi maiwasan ni Lhalhaine na maalala ang nangyari kagabi pagkatapos nilang maghapunan. May kakaibang nangyari habang mahimbing siyang natutulog may narinig siyang pagkatok kaya napamulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya nang makita ang isang bulto na nakatayo sa kanyang teresa, kumaway ito sa kanya. "Tyeron?" gulat na bulalas niya at mabilis na bumababa sa kama para pag buksan ang lalaki baka makita pa sila ng kapitbahay o magising ang mga kasama niya sa bahay. "Ano ginagawa mo rito? Saan ka dumaan? Ba't gising ka pa-----" Sunod-sunod na usisa niya na naputol dahil hinala siya ng lalaki sa bewang at tingnan ng may pag ngungulila sabay yakap sa kanya ng mahigpit nakinagulat Niya, "May problema ba?" mahinang tanong niya "Hmmmm I can't sleep, I can't stop thinking ab