Napabalikwas ng bangon si Lhalhaine, Oo nakatulog siya. Nilibot niya ang tingin sa paligid nasa kwarto na niya siya pero paano siya nakarating rito? 'Di kaya binuhat siya ng lalaki? Naku! Naku! Baka kung ano iisipin ng Mama at Papa niya. Nagmamadaling tumayo siya at lumabas sa tent at tumungo kung saan ang tent ng mga magulang katabi lang sila pero pagdating niya roon walang tao. Oo nga pala mamaya ang flights nila kaya nag desisyon siyang maligo mona at mag ayos bago hanapin ang mga ito. Humihiling siya na sana 'di nakita ng mga ito kagabi kung binuhat man siya ng lalaki. Loko yun ah alam nitong may sugat pa ito bakit binuhat pa siya? Napabuntong hininga na lamang siya. ~Meanwhile~ NASA isang resto ng resort si Tyeron kaharap ang mag asawang Mandayog. Oo na meet niya kagabi ang mga mag