Napagising si Lhalhaine ng may nag flash na kung ano sa mukha niya, napatitig siya sa lalaking may hawak na cellphone si Tyeron. "Nasaan tayo?" kaagad na tanong niya saka nilibot ang tingin sa paligid naka parada na ang van at tila sila na lang natira sa loob noon. "Your father said, we will spend our night here in your Lola's house," paliwanag nito saka inalalayan siya umayos ng upo. "Are you sore?" mahinang tanong nito pero rinig niya kaya napamulat siya. "N-no, ba't ka narito?? Baka kung ano isipin nila-----" Nilagay nito ang kamay sa bibig niya para natahimik siya, nagtatakang napatitig siya sa lalaki. "Don't make a noise, I think your mother is outside, hindi nila alam na bumalik ako rito. l miss you kasi ang tagal mo magising. Sabi nila iwan ka na lang muna rito habang linalaba