Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng makauwi sila galing manila pero ang katangahan ginawa niya'y 'di mawala sa isipan niya. Hindi nga niya alam kung paano siya nakauwi, basta ang alam lang niya pagkamulat na pagmulat niya umalis siya agad sa lugar na iyon. She clearly remember the face of the man who take her virginity, kahit isa sa mga kaibigan niya wala siyang pinagsabihan. Natatakot siyang mapagsabihan. Siguradong 'pag nalaman ito ng Papa niya baka mapatay siya nito at baka siya pa maging dahilan ng ikamatay ng kanyang Ina, kaya sinirado niya ng mabuti ang kanyang bibig, napa talon siya sa gulat nang marinig ang pag tunog ng cellphone niya.
Si Ate Lara, ang Ate Lara niya ay anak ng kanyang Tito Niko na kapatid ng kanyang ina. Mula pagkabata ay magkapatid na ang turingan nila ng ate Lara niya. Malaki ang tiwala niya rito kapag may problema siya ito ang naging taga pakinig at taga payo niya.
"Hello ate," bati niya.
"Hello Lyn, kamusta ka na?"
Napangiti siya. "Ahmmm, okay lang naman po ate, ikaw po? "
Napabuntong hininga ito. "Heto ikakasal na," balita nito at humalakhak ito ng tawa.
Nanlalaki naman mata niya. "Po? Kailan pa? Ikaw ate ah, 'di ka man lang nag imbita, akala ko ba ako 'yong magiging maids of honor mo," kunwaring panunumbat niya.
Narinig niyang tumawa uli ito. "Huwag ka mag alala ikakasal pa naman ulit ako jan sa pinas eh kaso----"
Ikwento nito kung bakit ito uuwi at bakit nahihirapan ito sa pag uwi. Nalungkot siya ng malaman ang isa pa niyang itinuturing na ate ay patay na pala, napaka lupet talaga ng tadhana, isipin mo ba naman bakit ang ama pa ng anak ng ate Maddie nila ang Boss ni ate Lara niya at asawa nito ngayon. Mukha mahihirapan nga ito ipaliwanag sa pamilya nito ang lahat. Nabuntong hininga siya 'di niya naisabi sa ate Lara niya ang problema niya dahil mukhang mas malaki pa ang problema nito, napatitig siya sa kisame.
"Hihintayin ko na lang pag uwi ni Ate, uuwi na din naman siya next month dito," bulong niya at tumayo para silipin kung ano ginagawa ng kanyang Ama at Ina.
"Patawarin niyo po sana ako, sinira ko ang tiwalang ibigay niyo. Ibinigay ko ang aking puri sa isang lalaking hindi ko kilala. Patawarin niyo po sana ako kung nag sinungaling ako, jusko! Huwag naman sanang dumating sa point na makabuo kami ng lalaking 'yon baka talaga ililibing naku ng buhay ng mga magulang ko at kapamilya. Magiging dalagang ina na ako, malaking kahihiyan 'yon sa aming pamilya at--at baka pati mga kaibigan ko ay madamay, ano pa 'tong gulong pinasukan ko."
Napaiyak na lamang siya sa isipan iyon. Sinira niya ang bintana at umupo uli sa kanyang kama at nag isip, biglang lumitaw sa isipan niya ang imahe ng lalaking kumuha ng kanyang puri.
Gwapo ito, maputi at halatang mayaman, malaki ang katawan, manipis ang mga labi at matangos ang ilong, mestisong mestiso at ang mga mata nitong mapanuri na ang kulay ay berde. Nalasing siya sa tingin nito at ang makapal nitong kilay, napailing siya bakit ba niya iniisip ang lalaking 'yon? Nabuntong hininga na lang siya.
...
Binibining Mary ✍️