Isang linggo na nakalipas mula nang makauwi siya sa Janiuay, Iloilo City kung saan nakatira ang kanyang mga magulang. Hinatid siya nina ate niya Lara at lumipad din ang mag asawa pabalik sa Nevada mula ng dumating siya, `di maalis sa isip niya ang lalaki. She miss him so much na halos mas gusto niya na lang makulong sa kwarto niya at isipin ito, wala din siyang ganang kumain. Ngayon nga heto siya, araw ngayon ng Lunes panibagong linggo na naman, tumiya siya at tumingin sa kisame, mamaya pa ay may kumatok kaya napatingin siya sa pintuan ng kanyang silid. "Lyn! Bangon ka na daw jan tawag kanina Mama at Papa." Rinig niyang sabi ng kanyang kapatid kaya tinatamad na bumangon siya sabay sabing, "Sige papunta na." Sa sala, sabay napabuntong hininga ang mag asawang Mandayog sapagkat kakaiba an