Capitulo Uno

2104 Words
Capitulo Uno   ***   "ALAM MO CASSIDY, hindi ko talaga alam kung bakit mas pipiliin mo pa umalis sa bahay niyo. Mayaman naman kayo. Bakit lalayas ka pa?" tanong sa akin ng magaling kong best friend na si Annicka. "Gusto ko matuto na mabuhay mag-isa, Annie at saka kapag bumukod ako, mas maiintindi ko ang pagiging fan girl ko. Makakapunta ako sa mga concert at fanmeets without hesitating kung papayagan ba ako with or without bodyguards." I'm the second child of Del Marcel's Family. Medyo pribado ang pamilya ko kaya kaonti lang ang nakakaalam na may kapatid pala si Kuya Silver which is ako. Palaging laman si kuya ng mga headlines sa newspaper at sa tv dahil sa galing nito sa pagpapalaki ng negosyo. Nahigitan niya iyong mga nagawa ni papa noong kabataan pa lang niya. At dahil nga kilala si kuya, hindi maiwasan na usisain ang buhay pamilya nito na pinakaiiwasan namin lahat. Syempre kapag sikat ang kapatid mo, malapit ka sa panganib kaya iyon din ang dahilan kung bakit parati akong may kasamang dalawang bodyguard na matitipuno ang katawan. Daig ko pa ang anak ng presidente ng bansa dahil mas mahigpit pa yata ang seguridad pagdating sa akin. "Sis, anak ka naman kasi ng Del Marcel. What do you expect? Syempre ang protektahan ka." "Naiintindihan ko 'yon pero gusto ko maramdaman na malaya naman ako. Na nagagawa ko iyong gusto ko hindi dahil anak-mayaman ako kundi dahil kaya ko talaga." Maraming pro's ang pagiging anak ng isang Del Marcel pero marami din con's. Katulad ng hindi ka makalabas nang bahay na hindi iniisip kung may magtatangka pa ba sa buhay mo. "Eh di ano na ang balak mo? As if naman na papayagan ka ni Uncle Lee sa gusto mo. Panigurado ako na kukunotan ka lang nang noo no'n." "They asked me what I want for my 18th's birthday." Ngumisi ako. Ang una kong plano ay hilingin kela Papa na manood ako ng concert ng Lemonade Band na walang bodyguards na kasama pero parang mas gusto ko na lang na magmove-out at gawin ang gusto ko na walang pahintulot nila. From there, I can have my own freedom. "Tingin mo ay papayag sila?" Si Annie na pinagdududahan pa rin ang gusto kong gawin ngayong nasa legal na edad na ako. Hindi ko naman ito ginagawa para sa fangirl's dream ko kundi para na rin sa sarili ko dahil gusto ko matuto na tumayo sa sarili kong mga paa without using my last name. Parati kong ginagamit iyong middle name ng lola ko sa tuwing magpapakilala ako since walang pupwede makaalam na kapatid ko si kuya Silver at para na rin sa sarili kong kaligtasan. "Bakit hindi?" "Tingin ko hindi eh." sabi niya na may kasama pang pag-iling. Sa totoo lang, nakakaramdan ako na hindi nga ako papayagan na bumukod ako pero ito na talaga ang gusto ko. To live without any Del Marcel's connection. Buong buhay ko, palaging nabibigay sa akin without begging. Pakiramdam ko walang saysay ang mga bagay kung hindi mo iyon paghihirapan. Gusto ko maranasan ang totoong mundo. My family protected me with all their strengths dahil minsan na akong nakidnap noong bata pa lang ako. I understand that they are too protective and afraid that someone might use me against them just like what happened when I was a child. Pero dahil sa pagprotekta nila sa akin ay wala akong kaalam-alam kung ano ba talaga ang totoong takbo ng mundo. Gusto ko maranasan iyong mga nararanasan na isang normal na tao. At ngayong malapit na ako maging legal ay iyon ang gusto ko hilingin sa kanila. Alam kong tututol sila pero iyon lang ang gusto ko. Ang bumukod at maranasan ang totoong buhay. “Teka, maiba tayo. Kailan ka bibili nang ticket ng Lemonade? For sure, magkakaubusan na naman ng ticket.” Ngumisi ako. Fan din kasi siya ng Lemonade Band kagaya ko. Lemonade Band is a rock band who can literally reap your heart and souls out! Si Kane ang basist at leader ng lemonade band na bias nitong si Annie. Si Helios “Sol” Elizalde Esguerra naman iyong drummer tapos si Primo or Alexandrius Prime ang vocalist at ultimate bias ko. Si Lorcan naman iyong guitarist at si Sage naman ang pianist ng banda. Madalas si Sage ang nagcocompose ng mga songs nila o kaya team up sila ni Primo baby sa pagcompose ng mga kanta. Si Primo at si Helios ang magkasing edad tapos si Sage naman iyong pinakabata sa banda. May pagkasuplado silang lahat lalo na si Primo but that what makes him hot! Iyong pagkatalim ng mata niya kapag nagsusuplado ang sobrang nakakapagpalambot sa mga tuhod ko tapos biglang ngingisi na parang nang-aakit! Si Kane kasi at si Lorcan iyong malapit sa mga fans. Playboy ika-nga pero lahat sila ay talented when it comes to music and to other aspects like dancing. “Nakabili na ako. Bumili ako noong pre-selling ng ticket.” “Talaga?” Tumango-tango ako sa kanya. “Kasama ako?” Paninigurado niya. Tumawa ako at saka tumango-tango. Yinakap niya ako habang tumitili. Gosh. I really love this girl. Dumating ang araw ng pinakahihintay naming lahat. Ang concert ng Lemonade Band sa Metropolis Arena. Malapit na rin ang birthday ko pero hindi ko pa rin nasasabi kela Papa ang gusto ko mangyari. Sure kasi ako na hindi talaga ako papayagan pero syempre gagawa ako ng paraan. I already have another plan in case that they will say no. Pareho kaming excited ni Annie dahil ito ang pinakahihintay naming araw bilang Lemonade Army. Yes. Lemonade Army. Iyon ang tawag sa fandom ng Lemonade Band tapos iyong lighstick ay lime yellow katulad ng kulay ng lemon mismo. Pupunta kami ngayon sa Metropolis Arena kasama iyong mga body guard na palaging pinapasunod sa akin ni Papa. Kaso syempre agaw pansin iyon kaya sinabi ko na dapat ay malayo sila sa akin kahit paano kasi nakakaagaw pansin naman talaga ‘yon. Annie helped me on that kaya pumayag si Papa at Mama sa gusto ko na palayuin sila kahit five meters’ man lang. Pero syempre hindi pa roon natatapos lahat dahil kumontra si kuya sa gusto ko. Buti na lang ay nakapag-oo na si dad kaya hindi na niya ‘yon mababawi pa. “Kuya.” tawag ko. Tumingin sa akin ang magaling kong kapatid na may kausap sa telepono. Sakto naman na binaba niya ‘yon pagkatawag ko sa kanya. Nakasuot na naman kasi siya ng suit. Hindi na nga siya halos umuuwi sa bahay dahil palaging sa condo siya natutulog. “Aalis ka na naman?” “Yup. I have to close some deals with the Cortez.” Tumaas iyong kilay ko. Ngayon ko lang nakita si kuya na ganito kainteresado sa isang kumpanya. I wonder kung ano ang mayroon doon at ganoon na lang ang pagkainteres ni kuya sa kanila. At saka kahit sabihin pa na medyo match ang negosyo namin sa negosyo ng Cortez ay nakakaduda pa rin iyong atensyon na binibigay ni kuya kasi hindi naman ganoon si kuya sa mga ibang kumpanya. “Kuya, may babae ka ba?” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. I know that he’s already engaged with Ate Tanya pero hindi ko talaga kavibes ang babaeng ‘yon. Nakakaramdam ako na may tinatago siya at hindi sinasabi sa amin. “Anong sinasabi mo?” “Kuya, I know you.” Hindi umimik ang kuya ko. I guess tama nga ang hinala ko na may babaeng nang-agaw ng interes niya. Hindi naman kasi kainte-interes si ate. Hindi ko talaga alam kung bakit si Ate Tanya pa ang gusto nila Papa para kay kuya. Eh pakiramdam ko, napakaplastik niya kapag kami ang kaharap niya. Ginulo na lang ni kuya ang buhok ko na hirap akong inayos dahil nakacurl pa iyong buhok ko. “Kuya! Hindi ako pupwede humarap kay Primo na magulo ang buhok ko!” I whined. Sinuklay ko iyong buhok ko na puno ng pag-iingat habang nakatingin parin sa akin ang magaling kong kapatid na ngayo’y nagtataka kung sino si Primo baby. “Who’s Primo?” “My future husband.” kinikilig na sabi ko. “Husband? Wala ka pa ngang boyfriend, tapos asawa agad?” Sinimangutan ko siya. “Kuya, panira ka talaga ng fangirl’s dream!” Tumawa ang magaling kong kapatid. At pagkatapos ay saka ako hinalikan sa noo para magpaalam. Kakababa lang din ni Annie galing kwarto pagkaalis ni kuya. She’s ready kaya umalis na kami. “Gosh, ang daming tao.” Si Annie na ngayo’y nakatayo sa tabi ko. We already bought some merchandise kasi sure ako na magkakaubusan na. Mabuti na iyong handa kesa sa wala kang mapapala. After namin bumili, doon na kami mismo kumain sa pila kasi habang lumilipas ang bawat minuto ay dumarami lalo ang mga tao. Inaayos ko ang gamit ko noong magkaroon ng malaking tulakan sa pila dahil nakita raw nila si Kane kasama si Primo sa daan kanina at nagwave pa raw ito. Hindi na naman mapakali ang fangirl’s heart ko dahil sa narinig kong balita. At syempre ganoon din si Annie dahil UB niya talaga si Kane. Crush na crush niya eh at saka sino ba ang hindi magkakacrush sa lalaking ‘yon eh talented naman talaga! Pero ayun nga, dahil nagkaroon ng tulakan ay nahulog iyong mga gamit ko tapos may dumaan pa sa harap ko na kung sinong pontio-pilato kaya mas nahirapan akong ayusin ang mga ‘yon. Ugh! Wala na bang ikagaganda ang araw na ‘to bukod sa makikita ko si Primo mamaya? “Okay ka lang?” tanong ni Annie. “Oo. May dumaan lang sa harapan ko kaya lalong hindi ko nakuha ang mga gamit ko.” Mabuti na lang at mabilis ko nakuha iyon at saka walang nawala na kung ano pa man mahalagang bagay. “Ha? Sinong dumaan? Parang di ko naman napansin eh.” “Basta. May dumaan kanina noong nagkakagulo! Parang sinadya nga na doon dumaan eh!” Nakasimangot kong paliwanag sa kanya. Tumawa naman ang magaling kong kaibigan at saka umiling bago ako inakbayan. “Okay lang ‘yan, makikita mo naman si Primo baby mo mamaya eh.” Ngumiti na lang ako nang maalala ko ‘yon at kinalimutan ang nangyari kaninang tulakan at pagkahulog sa bag ko dahil sa dumaan kanina kung bakit mas lalong nagulo iyong mga gamit ko kaso hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon ngayon at bakit parang dinikitan ako ng malas sa katawan. “Miss, ticket mo?” sabi noong guard nung kinukuha na iyong ticket. Naibigay na ni Annie kasi iyong ticket niya roon sa guard at ako na lang ang hinihintay pero hindi ko talaga mahanap sa bag ko. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba dahil hindi ko talaga mahanap. “Ano ba ‘yan! Ang tagal naman! Gusto ko na makita si Kane.” Rinig kong sabi noong isa sa likuran na sinamaan ko ng tingin. “Teka lang kuya ah, hanapin ko muna. Paunahin mo na sila.” Tumabi ako ng kaonti. Pinauna ko na si Annie pero hindi siya pumasok sa loob at hinintay ako pero wala pa rin talaga iyong ticket. Tinignan ako ni Annie. “Okay ka lang gurl? Nasaan ang ticket mo?” “N-Nawawala eh…” Hinulog ko na ulit ang mga gamit ko sa tabi at isa-isa iyong tinignan pero wala talaga. As in wala talaga! “Ha? Saan mo ba nilagay?” “Nandito lang dapat ‘yon eh!” “OMG, gurl! Baka nawala nung nagtulakan kanina.” Doon ako nalinawan at baka tama nga si Annie sa sinabi niya. Muli kong inisip ang mga nangyari kanina at naalala iyong lalaking nakahoodie na bumunggo sa akin kanina! That guy! Hahanapin ko siya at paparusahan dahil siya ang dahilan kung bakit hindi kami magkikita ngayon ni Primo! “Annie, mauna ka na sa loob.” “Ha? Paano ka?” “May hahanapin lang ako.” Nagsisimula na talaga ako mainis. Hindi ko matanggap na kung kailan makikita ko na si Primo ay saka pa nawala iyong ticket ko. Bakit ba ang malas ko? Lord. Kung sino man iyong nakakuha ng ticket ko ay sana madapa ng ilang beses at mauna ang mukha sa sahig! Alam kong masama na humiling ng masama sa kapwa pero hindi kami magkikita ni Primo ngayon at dahil ‘yon sa kanya! “Ticket?” “Hindi! Iyong lalaki na may dahilan kung bakit nawala iyong ticket ko at rason kung bakit hindi kami magkikita ni Primo ngayon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD