ARROW’s POV Halos isang buwan na ang nakakalipas bago ko mapagpasiyahan na bumalik na sa Pilipinas ay nakatanggap muna ako nang tawag galing kay Andy or Andrea Villa Luz... my long time bestfriend since highschool. “Sup.”Nakangiti agad na bati ko sa kaniya nang sagutin ko ang tawag niya sa akin sa Skype. Tuluyan na rin akong umupo sa harapan ng computer table ko. [Hey. Long time no talk Stanford.] Bati niya rin sa akin pabalik. Nag-nod naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya dahil matagal-tagal na rin talaga ang huling pag uusap namin na katulad nito. Nagkakausap lang kami minsan sa chat. Alam ko kasi na busy siya sa advocacy niya na makatulong sa mga nangangailan in and out of the Philippines. “Oo nga eh, nasa Pilipinas ka ba ngayon?”Tanong ko at medyo tinitigan ko pa ang backg