Ava Nagmamadali ako makalabas ng unit niya, ayokong maabutan pa niya ako. Medyo hindi kumportable ang pakiramdam ko bukod sa medyo mahapdi ang baba ko ay wala pa akong suot na underwear. Shit* talaga! Nakakahiya nag-iwan pa talaga ako ng remembrance sana lang ay pag nakita niya 'yun ay itapon na lang niya. Nakakahinayang mahal pa naman bili ko dun. Habang sakay ng elevator ay agad akong nagbook ng ride sa isang kilalang car-booking app. Nang makalabas ako ng building ay agad kong natanaw at sumakay agad sa car na nag accept. Sa wakas nakarating na ako sa apartment ko. Agad kong kinuha ang susi sa secret pocket ng suot kong jacket pero nagulat ako ng makitang nakaawang ng konti ang pinto. Bukas ito. Kinakabahan na naman ako. Aba naman kagabi pa itong kaba ko ah wala na bang katapus