Ava Halos hindi ako nakatulog magdamag kakaisip sa mga sinabi ni Ms. Marissa. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Nagkaroon daw ng lapses at hindi daw dapat kasama ang pangalan ko sa mga empleyadong tatanggalin. Hindi daw akong pwede'ng tanggalin since under investigation daw ang project na hinawakan ko. At since under investigation ito ay hindi ko na daw ito pwedeng hawakan pa at hindi daw ako pwedeng umalis sa kumpanya. Ita-transfer daw ako for another job. Okay sana sa akin dahil obviously kailangan ko ng pera at hindi na ako mahirapan maghanap pa pero nung sinabi niya na required daw ako'ng pumasok araw-araw ay hindi ko iyon nagustuhan. Kaya nga ako nag freelancer dahil ayoko’ng napasok sa opisina araw-araw. Mas preferred ko ang remote work or work-from-home jobs. Isabay mo