S1 EP3. Your Place Or Mine

1271 Words
Ava Pinapanood ko lang si Farah sa pagliligpit at napapatulala pa rin ako at tila nawawala sa sarili. "Ava Ava Ava!" Nagulat ako at napatingin kay Farah nakasukbit na agad sa likod niya ang backpack hindi ko na namalayan na tapos na pala siyang magligpit. "I know sobrang stress ka halika umisang beer muna tayo." Tumango tango lang ako sa kanya na tila wala pa din sa aking sarili. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay sumalubong agad ang ingay sa bar tila ba pumasok kami sa ibang mundo kung anong tahimik ng silid na pinanggalingan namin ay kabaligtaran naman sa labas. Umupo kami sa bakanteng upuan sa may bar counter halos konti na lang din ang tao almost 3:30 AM na at 4 AM nagsasara ang bar na ito. Umorder ng 2 beer si Farah, agad agad naman itong naiserve, tinanggal ko ang tissue sa ibabaw nito at diretchong tumunga sa bote. "Grabe hindi mo man lang pinunasan yung bibig ng bote!" ang sita nito sa akin. Halos naubos ko agad ang isang bote tinapik tapik niya ako. "Alam mo Ava kung ano man ang kahitnatnatan ng project mong ito, bilib pa din ako sayo!" Nagpatuloy kami sa pag-inom. Umorder pa ulit siya ng tig-isang bote hindi ko na siya pinigilan. Unti-unti naman akong narerelax. Bahala na! Bukas ko na lang haharapin ang problema, eh kaso ang problema ngayon na ang bukas! Halos pasara na nga itong bar. Nagsisimula na sa pagliligpit ng mga gamit ang mga waiter. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. "Hi, I'm Ben, pasensiya kana sa mga inasal ng mga kaibigan ko kanina ah, nakakahiya sayo!" Sabay ngiti niya sa akin. Hayup kung kanina ng natanaw ko siya ay nagugwapuhan na ako sa kanya eh lalo na ngayon mga 10x. Shit hindi pwede! Alam ko ang style ng mga ganitong lalaki. Nagbabait-baitan lang ito para maka score, pero parang nag-iinit ako, ay hindi pwede erase erase erase! "Ava! Aba naman may kausap ka pala diyan? Iba talaga kamandag ng kagandahan mo. Sana all minsan na nga lang lumabas mukhang makakabinggwit agad ng jowa!" Nilingon ko si Farah at nilakihan ko siya ng mata at pagkatapos sabay harap sa lalaki. Napapagitnaan nila ako. "Ah eh ano ba yung sinasabi mo? Wala akong alam!" Siyempre hindi ko aaminin na alam ko na ako ang pinaparinggan ng mga kasama niya kanina. "Ganun ba?" Sabay kamot sa batok niya na tila ba na may gusto pang sabihin pero hindi makapagsalita. "Ava Maria Salazar, yan ang pangalan niya. Twenty seven years old. Single and ready to mingle." Walang kaabog abog na sabi ni Farah na para bang pakiramdam ko ay ibinugaw na ako. "Ava, nice!" Banggit ni Ben sa pangalan ko. Hindi ko alam pero iba ang dating ng pagkakabigkas niyang iyon parang ang sarap sarap pakinggan. "Uhmmm so bakit kayo pumasok 'dun sa room. Isa ba kayo sa may-ari nitong bar?" Tanong niya na tila ba close na kami. Parang nag-iinit ako sa boses niyang napaka sexy ng dating sa akin. Tila ba inaakit niya ako. Oh sadyang malakas lang talaga ang sѐx appeal niya! Naku lasing na ata talaga ako. "Hindi kami ang may-ari. Kakilala lang namin yung manager dito. At nagkataon na nagkaproblema kami sa work kaya ginamit muna namin saglit yung room." Aba aba talaga naman Farah! Siya na naman ang sumagot. Inirapan ko naman siya at ngingiti ngiti naman siya at pagtingin ko sa gilid ko ay ngi-ngiti ngiti din si Ben. Aabutin ko sana ang tissue pero parang inunahan niya ako at sandaling nagkadikit ang aming mga kamay pero agad ko naman itong iniwas. Konting dikit lang ang nangyari pero tila kinilabutan ako. Nakaramdaman akong ng kakaibang init. Binulungan ako ni Farah. "Tengena patusin mo yan ang pogi. Huwag mo na muna isipin yung problema mo! Ako muna bahala 'dun. Patusin mo na yan! Hindi ka na talo diyan kelan ka pa huli nadiligan?" Lalo akong nag-init sa pinagsasabi ni Farah. Para bang nakupirma na ang init na nararamdaman ako ay naa-arouse ako. Ang huli kong pagkakaroon ko ng boyfriend ay five years ago pa at hindi na rin ako virgin dahil may nangyari din sa amin ng last boyfriend ko. At ang dahilan kaya kami nagkahiwalay well boring daw akong girlfriend. Wala daw akong ginawa kung hindi humarap sa computer buong araw. Tumikhim naman si Ben sabay sabing "Naririnig ko kayo!" Halos hindi naku makalingon sa sobrang pagkahiya. Sigurado ako pulang pula na ang mukha ko nito dahan dahan kong iniikot ang bar stool paharap sa kanya. "Pagpasensiyahan mo na itong kaibigan ko ah, lasing na kasi eh" palusot ko. "Ha ako lasing! Haha hindi pa ipinapanganak ang taong lalasing sa akin! Kayo pwede pang malasing pero ako tiyak nandito pa din! Pero next time na lang sisibat na ako baka nakakaistorbo sa bubuin niyong bata ay este sa nagsisimula niyo pa lang love story." Pagkatapos nun ay agad itong tumayo at nagpaalam na. Naalarma naman ako dahil iiwan niya talaga ako. Kahit ba attracted ako sa lalaking ito ay hindi naman ako kaladkarin na basta basta sasama kung kani-kanino. "Teka sandali, iiwanan mo akong mag-isa?" "Anong mag-isa ayan oh kasama mo si pogi." sabay bulong sa tenga ko. "Magrelax ka kahit ngayon lang halata naman type mo din yan, ako bahala." pagkasabi nun ay nilapitan niya si Ben. "Akin na wallet mo!" "Farah!" Agad ko naman tutol, baka kung ano naman trip nitong gawin nakakahiya. "Shhh relax ka lang diyan mukha ba kong holdaper? Oh, akin na!" Sabi niyang nakalahad pa ang kanyang isang palad na tila ba sigurado na ibibigay sa kanya ni Ben ang wallet niya. Natatawa naman si Ben na tila game din sa binabalak nitong kaibigan ko. Dinukot niya ang wallet sa likod ng maong pants niya at ipinatong sa palad nito. Binuksan naman ni Farah ang wallet at kinuha ang lisenya nito, ipinatong sa counter at nagulat na lamang ako ng ilabas niya ang kanyang cellphone at pinicturan ito pagkatapos ay ibinalik niya ito sa lagayan. At ang hindi ko inasahan ay ang sunod niyang ginawa. Kumuha siya ng limang daan at inabot iyon sa bartender at sinabi pa niya'ng keep the change. Ang bilis ng pangyayari! "Oh, alam mo na! Alam ko na ang personal info mo at kung may binabalak ka mang masama sa kaibigan ko huwag mo ng ituloy at umalis ka na sa harapan namin pero kung ang binabalak mo naman ay paligayahin siya sa sarap edi go." Napahawak na lang ako sa mukha ko sa hiya dahil nakakahiya talaga ang mga pinagsasabi nito at nambudol pa. "Huwag kang mag-alala wala akong masamang intensyon sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang makilala," sagot naman sa kanya si Ben. "Sige ba sabi mo eh! Ava message na lang kita ah." Tapos ay naglakad na siya palabas ng bar. Ang walanghiya, talagang iniwan ako! Pagkaalis ni Farah ay sandaling natahimik kami. Tila ba walang gustong mag-umpisang magsalita. Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Napapalingon ako at nagtatama ang paningin namin. Iba ang dating ng mga titig niya. Yung para ba'ng pakiramdam mo ikaw ang pinaka importanteng tao sa buong mundo. Buong mundo talaga ah! Kontra ng isang bahagi ng isip ko. The bartender approaches us, "Excuse me Ma'am and Sir, sorry but we're just about to close in five minutes." Naubos ko na ang pangalawang beer na iniinom ko while nakatingin lang siya sa akin. Hindi na naman siya umiinom since ng paglapit niya samin. "Gusto pa sana kitang makausa-" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay tila nawala ako sa aking sarili at nasabing "So, your place or mine?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD