Ben
Brrrrrrrrt brrrrrrrrt brrrrrrrrt brrrrrrrrt brrrrrrrrt
Naalipungatan ako sa walang tigil na pag vibrate ng cellphone na naglilikha ng ingay sa ibabaw ng nightstand, agad ko itong kinuha at pinindot ang power button para mamatay. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang istorbong yun basta ko na lang tinurn off ang cellphone ko para hindi na makaistorbo sa tulog namin ni Ava baby.
Pumikit ulit ako at kinapa ang gilid ko, pero wala doon ang taong gusto kong hawakan, iminulat ko ulit ang aking mga mata.
What the hell! nasaan ang babaeng iyon?
Agad akong bumangon, hubo't hubad pa din akong tumayo para hanapin siya nagbabakasali lang na baka nandito pa ito, pero bigo ako!
Wala na siya.
Hindi ko alam pero parang nainis ako, hindi lang naman ito ang unang beses na nakipag one night stand ako, sa totoo lang mas gusto ko pa nga na paggising ko dapat nakaalis na ang mga babaeng naisiping ko pero karamihan sa kanila ay gusto pang magtagal and the worst is gusto pang maging girlfriend ko at kung ayaw ko naman daw ay pwedeng maging FUBU na lang daw or f.uck buddy pero ayoko wala sa bukabularyo ko ang pakikipagrelasyon. Hindi na rin ako nag-aabalang alamin ang mga contact number nila.
Goddamn, it!
Naalala ko na hindi ko pala nakuha ang number ni Ava baby na ikinadagdag ng pagka-inis ko.
Nagpasya na lang ako na maligo, dumiretcho na ako sa banyo at tinapat ang ulo sa shower, napapikit ako and remember when I first saw her.
*******
Halos patapos na kami sa pag-iinom ng barkada huling round na ng order naming alak ng mapansin ko ang pagpasok niya sa bar. There was something about her that caught my eye, and I couldn't help but stare, napakaganda niya.
Sinundan ng mga mata ko ang kilos niya, nakita ko na umupo ito sa bar counter at inilabas ang kanyang cellphone, kita ko na may tinatype ito, sa mga oras na yun hindi ko alam pero parang idinadasal ng isip ko na sana hindi niya boyfriend ang pinapadalhan niya ng mensahe.
Inilagay niya ang kanyang cellphone sa bulsa, umikot ang bar stool na kinauupuan niya. Pinasadahan ng tingin ang paligid ng bar at eksakto ng tumingin siya banda sa pwesto namin ay nagtama ang aming mga paningin.
Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya hanggang sa umiwas ito parang may kumirot naman sa puso ko.
Nailang kaya siya sa akin? hindi niya ako type? saad ng isip ko na parang namamangha sa pag-iwas niya.
What the fùck! eh ano ngayon lahat ng gusto kong babae naikakama ko, kahit nga hindi ko gusto eh kalimitan pa nga babae ang nagpaparamdam na gusto nila ako makasama, pwes sisiguraduhin kong makikilala kita at may mangyayari sa atin.
Napansin naman ng isang kong kaibigan na si Julio ang paninitig ko sa babae.
"Pare tang-ina ka baka malusaw yan sa kakatitig mo." sabi ng loko loko kong kaibigan.
Umiling-iling na lang ako at napakalakas ng boses nito halatang may tama na, sigurado akong naririnig ng baby ko ang pinagsasabi nito.
Natanaw ko na dumating ang kasama nito. Tumayo ito at sinalubong, may dalang backpack.
Buti naman at babae ang kikitain niya pero sa pormahan nito mukha itong lesbian, s**t hindi kaya...
Sa panahon ngayon hindi mo na kasi malalaman kung sino ang bakla or tomboy, nakaramdaman agad ako ng panghihinayang kung sakali mang may relasyon sila, imbes na umupo ay naglakad sila na tila ba paalis na.
Shit! hindi pa man ako nakakaporma mukhang aalis na agad.
"Naku pare wala ka ng pag-asa aalis na!" sabat na naman ng kaibigan kong lango sa alak na halos ipagsigawan na ang pagkakasabi nito.
Parang natuwa naman ako ng makita kong hindi naman sila lumabas ng bar kundi pumasok lang sa isang silid sa tantya ko parang opisina iyon.
"Ano mga pare, let's call it a night" sabi ni Erick, sabay sabay naman kaming tumayo, nagdahilan akong magbabanyo muna.
"Style mo bulok, kunwari ka pa! hinihintay lang niya yung babae kanina na lumabas dun sa kwarto" sabay tawa ng gagong si Julio.
Hinayaan ko lang sila bahala sila kung anong isipin nila totoo naman talagang magbabanyo ako at syempre totoo din yun aabangan ko ang paglabas ng babae, napapailing na lang ako dahil talagang kilalang kilala ako ng mga kaibigan ko.
"Hayaan niyo na yan si Ben at malapit ng matapos ang maliligayang araw niyan kapag hinawakan na niya ang kumpanya ng daddy niya hindi na yan makakapag happy go lucky" sabat naman ng gagong si Timothy, at sabay sabay silang tumawa.
"Uhh first of all Timothy it's none of your business and second... fùck you all" ang nakangiti kong banat sa mga walanghiya kong kaibigan na lalong nagpalakas ng tawanan ng mga gago.
At nauna na nga sila umuwi at syempre nagpaiwan ako, nagbanyo lang ako saglit at umupo ulit sa pwesto ko.
Halos paubos na din naman ang mga tao dito sa bar dahil malapit na rin itong magsara.
Hindi na ako uminom pa ng alak, uminom na lang ako ng tubig pampatanggal amats.
May lumapit naman na waiter sa akin at magalang ng nagtanong kung may kailangan pa daw ako sinabi ko na wala na at may hinihintay lang ako pero may naisip ako, tinawag ko ulit ang waiter at kinuha ko ang wallet ko naglabas ako ng limangdaan piso at basta na lang inilagay sa palad nito ang pera, sa ganitong paraan kasi hindi na ito makakatanggi sa pera at kung ano man ang itatanong ko.
"Para saan po ito, sir?" tanong niya na parang kinakabahan pa ata.
"May itatanong lang sana ako sayo, yung silid na nandoon sa gilid, anong meron doon?" sabay turo ko sa silid.
"Opisina po yun si Sir Jim, yung manager namin."
At hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa sumunod na tanong ko.
"May nakita kasi akong dalawang babae pumasok dun, hanggang ngayon hindi pa nalabas. kilala mo ba sila?"
"Naku sir pasensiya na hindi ko po kilala eh bago lang po ako dito, pero ayun po si Sir Jim oh, kung pwede dun niyo na lang itanong!"
Nakita ko naman yung sinasabi nitong manager na busy na din sa pagliligpit at bigla naman bumukas ang silid na yun at lumabas na ang dalawa at pumwesto ng upo sa may bar counter.
Nagpasalamat na lang ako sa waiter at hinayaan ko na itong umalis sa aking harapan.
Ang aking mga mata ay nakasunod lang sa bawat pagkilos nito at nagulat ako ng halos maubos niya na ang beer sa isang tunggaan lang!
May problema ata ang baby ko, kailangan niya ata ako at tumayo na ako papalapit sa kanya.
Tumabi ako sa kanan niya pero parang hindi niya naramdaman ang presenya ko, umorder ulit ng beer ang kasama niyang babae, pagkatapos nun saka ako naglakas loob magsalita wala akong pakielam kung jowa niya ba yung kasama niya basta popormahan ko siya.
"Hi, I'm Ben, pasensiya kana sa mga inasal ng mga kaibigan ko kanina ah, nakakahiya sayo!" sabay ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Sana lang medyo tipsy na siya para gumana ang pang-aakit ko sa kanya.
Hindi ito agad nagsalita parang nagulat ata, sige baby magulat ka lang mas magandang panggugulat ang gagawin natin mamaya sabi ng mahalay kong utak.
"Ah eh ano ba yung sinasabi mo, wala akong alam" sabi niya
Naku paktay na mukhang mahihirapan ako dito.
"Ganun ba?" sabay kamot ko sa batok ko, habang nag-iisip ng pamatay na linya.
Bigla naman nagsalita ang katabi nito, "Ava Maria Salazar, yan ang pangalan niya, 27 years old, single and ready to mingle"
At ganun ganun na lang, yes ganun ko kadali nakuha ang pangalan niya with age at status pa.
Confirm hindi sila mag-jowa ng kasama niya eh parang binubuyo pa sa akin eh!
"Ava, nice", sabi ko na parang gustong gusto ko ulit ulitin ang pagkakabigkas nun.
Just to start our conversation tinanong ko na lang kung anong ginawa nila doon sa silid na pinanggalingan nila as usual yung katabi na naman niya ang sumagot parang personal manager lang ah!
Napansin ko naman na aabutin ni Ava ang tissue, uunahan ko sana siya sa pag-abot pero halos nagkasabay kami at nagdikit saglit ang aming mga balat at agad naman niya itong iniwas, naramdaman ko ang kakaibang init dun at na excite at gumalaw ang alaga ko.
Lumapit ng konti ang katabi nito at bumulong sa tenga niya pero dinig ko pa din ito dahil magkakatabi lang kami.
"Tengena patusin mo yan ang pogi, huwag mo na muna isipin yung problema mo! ako muna bahala dun patusin mo na yan, hindi ka na talo diyan kelan ka pa huli nadiligan" natuwa naman ako sa kaibigan nito parang itinutulak sa akin, tila ba pabor na pabor sa akin ang tadhana.
Natatawa akong tumikhim at sinabing "Naririnig ko kayo!"
Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Ava at humingi ito ng pasensiya sa pinagsasabi ng kaibigan niya, sumagot pa ang kaibigan niya na hindi daw siya lasing at nagbiro pa ito na gagawa daw kami ng baby sabay bawi niya na magsisimula daw kami ng love story, natatawa naman ako sa mga banat nito hindi ko maitago ang mga ngiti ko.
Bigla itong tumayo at sinabing aalis na, nakita ko naman na naalarma si Ava na parang ayaw niyang magpaiwan bumalik naman ang kasama niya at nagulat ako na gusto nitong kuhain ang aking wallet, alam ko naman ang gagawin nito at tama nga ang hula ko kinuha niya ang isa kong id at pinicturan, gusto lang nitong makasiguro na wala akong gagawin masama sa kaibigan niya, siguradong wala kaming gagawing masama, pero masarap meron saad ng isipan ko.
Ibinalik niya ang pinaglagyan ng id at nagulat ako ng kumuha ito ng limang daan at iniabot sa bartender bayad sa ininom nila, scammer!
"Oh alam mo na, alam ko ang personal info mo kung may binabalak ka mang masama sa kaibigan ko ay huwag mo ng ituloy at umalis ka na sa harapan namin pero kung ang binabalak mo naman ay paligayahin siya sa sarap edi go." walang pakundangan nitong sabi sa akin.
Napatakip naman ng mukha si Ava, alam kong hiyang hiya ito sa inasal ng kaibigan niyang scammer.
"Huwag kang mag-alala wala akong masamang intensyon sa kanya, gusto ko lang talaga siyang makilala" sinagot ko na lang ang tanong niya ng maayos at nagpaalam na ito kay Ava at nagsabi na mag message na lang daw siya, tahimik akong nagpasalamat sa isip ko dito kahit nabudol niya ako ay siya naman ang naging daan para makilala at makapag sarilinan kami ni Ava.
Pagkaalis ng kasama niya ay sandaling kaming natahimik, walang nagsalita sa amin ngunit patuloy ko pa din siyang tinititigan, then the bartender approach us at sinabing in five minutes ay magsasara na sila, naubos na niya ang beer na iniinom niya.
Nagpasya akong basagin na ang katahimikan.
"Gusto pa sana kitang makausa..." bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla itong nagsalita.
"So, your place or mine?" pagkabigkas niya ng salitang iyon ay agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niya para umalis sa lugar na iyon.
I don't think she is in her right mind saying those words during that time but I don't care as long she's willing to get with me.
*******
I turn off the shower at lumabas na ako ng banyo.
Medyo magulo pa ang ayos ng kwarto, may mga unan pa na nakakalat sa sahig, isa-sa ko itong dinampot ko para ilagay sa kama at ng pag-angat ko ng isang unan ay may nakita akong kulay itim na kapirasong tela sa sahig.
I smile, grab it, and bring it to my nose, inhaling the wet spot there.
"Fùck, baby. I miss you already."