Ben Sumasakit na ang ulo ko sa pag-interview sa mga aplikante para maging secretary ko. Pangatlo na ito ngayong nasa harapan ko, mga applicant na pumasa sa initial interview pero pagdating sa akin ay reject. I need a new secretary ang kailangan ko ay may alam sa Business Intelligence Development or marunong sa computer programming dahil ito ang lagi ko makakasama sa pag-approve and pag-reject ng mga presentation sa mga apps, software or web developer na kailangan ng funds for their projects. Tinitignan ko ang CV ng isang ‘to, okay naman college graduate kaso wala naman background sa programming so nope, not the one I was looking for. Lumabas na ang aplikante at pumasok naman si Marissa, head ng HR Department. “Sir wala na po’ng applicant.” ang pag-imporma nito sa akin. “Okay,” I ans