"Ahhh," daing ko pagkabangon sa kama. Ang tindi ng tama ng hangover ko. Nauuhaw na 'ko. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Farah sa kusina na nagluluto habang may kausap at katabing lalaki. Lalaki, shìt wala akong bra! Tinanggal ko bago ako matulog kagabi. Tumalikod ako bigla at akmang babalik sa kwarto ng... "Nagpapatulog ka pala ng bisita dito?" sabi ng lalaki. "Ah si Ava yan friend ko, Ava halika na tapos na din ako magluto ng breakfast. Kain na tayo, saka eto nga pala si ano! Ano nga ulit pangalan mo?" saad nito sa lalaki na natatawa tawa pa. Medyo natawa naman ako, parang nagpapa bebe si Farah sa lalaki, parang ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. "Talaga lang ah, sige ganyanin mo 'ko, darating ang panahon ako lang ang maalala mo, ang hahanap hanapin mo, walan