Ava Pagkagaling namin sa school ay agad ako'ng inihatid ni Farah sa bahay. Kailangan ko na din mag-ready para sa pagpunta ko sa CORZ Tech. Agad akong naligo at naghagilap ng maisusuot. Halos halukayin ko na ang laman ng cabinet ko. Two years nga pala akong tambay dito sa bahay so hindi ako nakabili ng mga bagong damit. Naiinis ako dahil wala akong mapiling maayos na isusuot. Habang kinakalkal isa-isa ang mga nakasabit na damit ay bigla ko’ng na realise. What the hell? Bakit ba ko nag-aabalang maghanap ng maayos na damit eh hindi naman ako mag-aaplay kabaligtaran ang ipupunta ko du’n so no need to impress anyone. Agad ko’ng kinuha ang nakasabit na plain white longsleeve polo at ang kulay itim na pleated straight pants. Nagsimula akong magbihis at mag-ayos. Humarap sa salamin at