Lizelle's POV
"Sweetheart," agad kong nilingon si Gab na naglo-lock ng main door.
"Bakit?"
"I love you." Malambing nitong sabi.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngiti na gustong kumalawa.
"Okay lang na kiligan ka sweetheart." Nakangising pang-aasar niya sa akin.
Napailing na lang ako at tumalikod.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.
"Nagtampo agad ang asawa ko ..." Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Sira. Hindi 'no ..."
He chuckled. "Let's go."
"Bakit hindi ang ducati mo ang gagamitin natin?" Tanong ko ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"It would be uncomfortable to you," at isinara nito ang pinto ng kotse.
I put my seatbelt.
"Okay lang naman, Gab. Alam kong hindi ka gumagamit ng kotse tsaka naka-jeans naman ako." Ngumiti ako.
Gab smiled as he glanced at me and winked.
"I want you to become comfortable so stop arguing, sweetheart."
Nagkibit-balikat na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. My husband just used his car when i'm with him. He always use his Ducati, especially at his work.
My bestfriend, Adrianne, said that i'm very lucky with my husband.
Loyal, mabait, caring, malambing, mapagamahal at responsableng asawa, 'yon nga lang wala pa kaming anak kahit dalawang taon na kaming kasal. I don't want to consult a doctor dahil natatakot akong malaman na baka may deperensiya sa akin.
"Sweetheart."
"Huh?" Tumingin ako sa kanya.
"You were saying?"
Umiling si Gab. "Nothing. Are you okay? Parang ang lalim yata ng iniisip mo? Care to tell me ..."
Ngumiti ako. "Hindi naman ganun kaimportante."
Tumango si Gab at bumaba ng kotse. Oh. Ngayon ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami ng mall.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
He wraps his arms around my waist. "Shopping," he answered.
"You know that it's not my thing, right?" I asked.
He grinned. Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko.
"Magtigil ka nga." Hinampas ko ang braso niya. Makapal talaga ang mukha ng asawa ko at hindi na nahihiyang halikan ako sa karamihan ng tao.
Tumingin ako sa paligid at mabuti na lang at kami lang ang tao dito sa parking lot.
Tumawa ang asawa ko. "Hindi ka na nasanay sa akin, sweetheart."
I just tsked.
"Anyway, let's go shopping ... buy whatever you want, sweetheart."
Napailing ako. "Ang yaman mo talaga."
"Yep, your husband is rich." He boast.
"Pero hindi naman ikaw ang nagma-manage ng ipinamana ng tatay mo sa 'yo." Sabi ko.
Pumasok kami sa loob ng mall.
"I know how to handle business because Papa taught me but you know me, sweetheart. I hate to manage a business. Mag gusto ko pang makipag-barilan o maglutas ng kaso. kaysa tumingin sa mga financial statement ng kumpanya."
"That's why you became detective." I said and pinched his nose.
He nodded.
Pumasok kami sa loob ng isang boutique. Napangiwi ako dahil ang mamahal ng mga damit.
Nakuha ng atensiyon ko ang na nakasuot sa isang mannequin. It's a white dress with a beautiful beads around the dress waist.
"Ang ganda ..."
Nilapitan ko ito.
"But expensive ..." Bulong ko.
"You like it, sweetheart?"
Tumango ako. "Pero ang mahal naman."
"No worries about that, sweetheart."
I glanced at my husband. "Not shocking na kaya mong bilhin ang mga damit dito pero masasayang lang dahil hindi naman ako nagdadamit ng mga ganyan ..." Nginuso ko ang mga dress.
"How about shirt or blouse?" Hinila ako ni Gab sa blouse section.
Napailing na lang ako sa asawa ko.
"Wait for me here, sweetheart." Umalis ang asawa ko at hindi ko alam kung saan pumunta.
Nagtingin-tingin ako sa mga blouse na naka-display. Wala naman akong mapili.
Napalabi ako.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik si Gab.
"Saan ka pumunta?" Tanong ko.
"Sinagot ko lang ang tawag ng superior ko, anyway, for you." Mula sa likuran niya ay may kinuha itong tatlong rose.
"Sweet." Sabi ko at kinuha ang tatlong rose na hawak ng asawa ko.
He just chuckled. "Wala kang napili?" Tanong niya ng mapansin niyang wala akong hawak maliban sa cellphone ko.
Umiling ako at nag-aya ng umalis. Kinuha niya ang cellphone na hawak ko at ibinulsa.
He wrapped his arms around my waist again.
"Kanina ko pa gustong suntukin ang mga tumitingin sayong ibang lalaki." Naiinis niyang sabi ng makalabas kami ng boutique.
Natawa ako ng mahina at hindi na lang nagsalita.
"Where do you want to go?" He asked.
"Uwi na tayo." Nakanguso kong sabi.
"My answer is no, sweetheart."
Pumasok kami sa isang jewelry store.
"Gab!"
He chuckled. Napailing ako.
"Come on, sweetheart."
Umiling ako. Alam niyang hindi ako mahilig sa mga ganyan. Parang nang-aasar lang.
"Last na 'to, sweetheart, then uwi na tayo kung 'yan ang gusto mo."
"Okay ..." Pagbigyan na lang para matapos na.
"Necklace ... ring ... bracelet or earrings, sir? Maam?"
Tumingin ako sa saleslady bago ibinalik ang mga tingin ko sa mga alahas.
"Wow ..." Bulong ko habang nakatingin sa bracelet na kulay puti. Simple lang pero maganda. 'Yon nga lang maganda rin ang bayad.
"Miss, we will take this."
"Okay, sir."
Napatingin ako sa asawa ko.
Kumindat lang ito.
Napabuga na lang ako ng hangin at napailing.
"Let's eat, Sweetheart." Napatingin ako sa relong pambisig ko.
11:00 AM.
HABANG kumakain kami ay isinuot ni Gab ang bracelet sa pulsuhan ko. "Bagay sa 'yo, sweetheart."
"Thank you." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ang hairpin sa bulsa ko na lagi kong dala. Inipitan ko ang bangs nito na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.
"Pagupit mo na nga 'yan." Tukoy ko sa bangs niya.
Umiling si Gab. "Ayaw kong makakuha ng atensiyon sapat na ang atensiyon mula sa 'yo."
"Asus!" Ingos ko at bumalik sa upuan ko.
Gwapo ang asawa ko at may matipunong katawan kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Mas lalo pang nagpadagdag sa kagwapuhan niya ang kulay green niyang mata. Minsan pa nga na pinagkamalan siyang model kaya ganyan ang ginawa niya sa buhok niya para daw hindi masyadong mapansin ang mukha niya.
"Sweetheart," tumingin ako sa kanya. "Ano 'yon?" Tanong ko.
"I love you ..."
Napailing ako. Akala ko naman kung ano ang sasabihin 'yon lang pala. Ngumiti ako. "Love you too."
Then we both laughed.