Gabriel's POV "Hiramin ko muna si Liz sa 'yo, ah. Ibabalik ko siya mamayang hapon, magbobonding lang kami." Pagpapaalam sa akin ni Adrianne kay Liz. Napailing na lang ako sa kaibigan ng asawa ko. "Don't bring her to a bar." I said. "Tsk! Anong tingin mo sa akin? BI?" I rolled my eyes. "Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." "Liz!" She looked at my wife. "Your husband is bullying me again." Napailing naman ang asawa ko. I hugged my wife from behind and kissed her nape. "Oh, please lang, huwag kayong maglandian sa harapan ko." Adrianne turned her back. I smirked. "Magtigil ka nga, Gab. Mahiya ka naman kahit minsan lang." Tumawa lang ako bago ko siya pinakawalan ng yakap. "I have to go, sweetheart." Paalam ko at hinalikan ko siya sa labi. "Kanina pa sana." Adrianne murmured. Huma