Chapter 5

1106 Words
Alexiz's POV Kasama ko ngayon ang dalawa kong anak at si Francis. Nandito kami sa department store, ako lang sana pero sumama ang tatlo para bonding na rin daw naming mag-anak. May kasambahay naman pero hands on ako sa ganitong bagay. Si Francis at Franz ang nagtutulak sa push cart. "Mommy,I want some soda." Sabi ni Franz at naglagay ng soda sa push cart. "Pinaalam pa talaga." Bulong ni Francis kaya siniko ko. Inakbayan niya lang ako sa hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Eherm ... dad, huwag masyadong sweet. Nilalanggam na ako." Sabad ni Xandra. Napatawa kaming dalawa ni Francis. "Dad," tawag ni Franz sa ama niya. "Yes, young man?" "Ate Marian's boyfriend called me earlier. He's inviting us." "Inviting for what, brother?" Xandra asked. "Magpo-propose na daw siya kay Ate Marian." Xandra squealed, "really?! Oh my god!" "Actually, Anthony also called me," napailing si Francis. "We need to be careful ..." "Why?" I asked. "Hindi ko pa nakikita ang kasintahan ni Marian but Anthony said that Marian's boyfriend is a cop, a captain." "So what, dad?" Kumunot ang noo ng magkapatid. "Oo nga dad. Anong konek?" "Hindi ka naman na gumagawa ng illegal, ah." Sabi ko. "Basta, baby ..." He pushed the cart towards the vegetable section. Ang mga anak  namin ang pumili ng mga gulay at pinanood na lang namin sila. "Malalaki na talaga ang mga anak natin, baby." Sabi ni Francis. Ngumiti naman ako. "Mas masaya sana kung nandito ang panganay nating anak." "Stop it, baby. Baka mamaya iiyak ka na naman." Inakbayan niya ako. "Bakit ba kasi siya kinuha sa atin?" Hindi umimik si Francis at bumuntong-hininga lang. "Mom, okay na po ba 'to?" Tanong ni Xandra. Tumingin naman ako sa mga gulay. "Oo, tara na. Marami pa tayong bibilhin." "Mom, bili tayo ng prutas." "Sige." Pumunta kami sa fruit section at hinayaan ang tatlo na pumili kung ano ang gusto nila. Dumako ang tingin ko sa dalawang prutas. Ang mga prutas na 'yon ang gustong-gusto kong kinakain noong naglilihi ako sa panganay ko. I sighed. "Ang addict mo talaga sa mansanas para kang babae ..." Napatingin ako sa dalawang mag-asawa na bumibili rin ng prutas. Napatingin ako sa daliri ng babae. May singsing. Napangiti ako. Nakaakbay dito ang asawa niya. Sweet. "Sweetheart, hindi naman nasasayang 'yan, eh." Napatingin ako sa lalaki. May mahaba itong bangs na siyang tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang kulay ng mata nito. Dark-green. Parang mata lang ni Francis. Dark-green din. Pero bakit ganito? "Baby, mas gwapo ako diyan." Francis said. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang iritasyon sa mukha niya. Ngumisi lang ako. "Selos ka?" "Malamang." "Asus. Huwag ka ng magselos, matanda ka na para magselos." "What the? Baby, hindi pa ako matanda!" Natawa ako at ganun din ang magkapatid. "Dad, matanda ka na talaga." Franz said. Francis glare at him. "Sinong matanda, Franz?" "Si Ate Xandra, dad." Sabay tumalilis  ito ng alis. "Aba! Sa bahay ka lang mamaya,Franz. Tsk! Matanda daw. Twenty-five pa lang ako, eh." Franz just stuck out his tongue. Napailing na lang ako sa mga anak ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa pads section. Nakita ko ulit ang babae na nakita ko kanina sa fruit section. Maganda ang babae at simple lang manamit. Mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti. Tumatalon ito para maabot niya ang nasa itaas ng istante. Napatawa ako ng mahina. Parang ganyan rin lang ako noon. Napatawa ako at kinalabit si Francis na abala sa pagtingin ng mga nasa push cart pero napansin kong wala ang magkapatid. "Nasaan ang dalawa?" Tanong ko. "May nakalimutan na binili si Xandra nagpasama siya kay Franz." Napatango na lang ako. "Francis, pwede mo bang tulungan 'yong babae? Kawawa naman, oh." Sabay turo ko sa babaeng nakalabi na. Hindi ba may kasama siya kanina? Francis looked at me na parang nagsasabing. 'Nakakahiya, baby.' Pinaikot ko na lang ang mata ko at napatingin sa babae. Kasama na nito ang asawa. Ito na ang kumuha ng sanitary napkin ng asawa at inilagay sa push cart. "Ang hirap talaga ng hindi biniyayaan ng height. Tsk!" Napangiti na lang ako. "Let's go." Aya ko kay Francis. Tumango ito. "Let's go." Sabi ni Francis sa magkapatid. Pumunta na kami sa cashier par magbayad. Napabuntong-hininga ako. Parang nakita ko si Alex na thirty years old na ngayon. Lizelle's POV Abala ako sa pag-aayos ng nga binili namin ni Gab na groceries nang may tumawag sa phone ko. "Hello?" Pagsagot ko sa tawag na hindi ko na tinignan ang caller. "Liz!!!!" Pamilyar na tili ng nasa kabilang linya. Mabilis kong tinignan ang caller. "Adrianne?!" Tumawa ito. "Namiss mo ako, bestfriend?" "Hindi," sagot ko at tumawa. "Bad ka, Liz. Ilang taon tayong hindi nagkita tapos hindi mo ako namiss?" At alam kong nakanguso ito ngayon. Napailing na lang ako. "Kumusta ka na?" Nakangiting tanong ko. "Heto, maganda pa rin." She said and laughed. Napatawa na rin ako. "Hindi ka pa rin nagbago, bestfriend. Mahangin ka pa rin." "Nagsasabi lang po ng totoo. Anyways, bestfriend, busy ka ba bukas?" "Hindi naman," takang sagot ko. "Great! Kung ganun sunduin mo ako sa airport bukas!" Utos nito. "Ha? Uuwi ka na dito sa Pilipinas?" Tanong ko at biglang na-excite. Magdadalawang taon na kaming hindi nagkita ni Adrianne at ang huling pagkikita namin ay noong kasal namin ni Gab. "Oo, papayagan ka naman siguro ng asawa mo na lumabas ng bahay niyo." I chuckled. Sumandal ako sa island counter. "Liz, sorry." Kumunot ang noo ko. "Sorry para saan?" Adrianne sighed. "I've heard what happened to you from kuya Glenn." Napangiti naman ako. "Na-kidnap lang ako, Adrianne." "Kahit na ... sorry pa rin." "Hindi kita maintindihan, Adrianne, basta sunduin kita sa airport bukas." "Thank you, Liz. Bye. See you tomorrow." "Bye. See you." Nakangiting pinatay ko ang tawag. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran at hinalikan ako sa batok. "Gab ..." "Ang bango ng sweetheart ko ..." Hinalik-halikan niya ako sa batok. "I miss you, sweetheart." Pinihit niya ako paharap sa kanya and he kissed me passionate. Naging malikot rin ang mga kamay nito. "Gab, ano ba?! Tumigil ka nga." Sabi ko ng bumaba ang halik nito sa leeg ko. But he continue kissing my neck. Binuhat niya ako at iniupo ako sa island counter. "Gab-" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. "I love you, Liz ..." Napabuntong-hininga na lang ako at ipinalibot ang braso ko sa leeg niya. "Gab, gusto kong ipaalam sa 'yo na wala ako sa mood ngayon dahil meron akong dalaw at kapag hindi ka tumigil diyan sa ginagawa mo, sa guestroom ka matutulog-" Agad na tumigil si Gab sa paghalik sa leeg ko. Ngitian ko siya ng matamis. He pouted like a kid. "Nakakabitin." Napailing na lang ako at tinulak ko siya. "What do you want for lunch?" I asked. Bumaba ako mula sa pagkakaupo sa island counter. "You." Napailing na lang ako. "Gab, hindi ako pagkain." He just chuckled and hugged me from behind. "I want adobong manok." Tumango ako. "Pero pakawalan mo na ako ng yakap mo, Gab, para makapagsimula na ako." He sighed na parang ayaw niya akong pakawalan. "Okay, sa sala lang ako, sweetheart." Sabi niya at umalis ng kusina. Napailing na lang ako sa asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD