CHAPTER ONE
"YAYA! YAYA!" malakas na sigaw ni Gwyneth sa kasambahay niya. Kanina pa niya hinahanap ito. Nawawala na naman kasi ang dala-dala niyang make-up kit sa bag na lagi niyang bitbit. Isa itong latest model ng Prada na bagong labas. Hindi niya alam kung bakit nahilig siya sa Prada kaysa sa mga bag na mas mahal pa rito. Para sa kaniya mas komportableng gamitin ito, magaan lang.
"Yaya! Yaya ano ba?!" galit niya ng tawag dito. Sumilip na siya sa pinto para marinig ang boses niya sa baba. Pero wala pa rin ang Yaya Betty niya. Hindi naman linggo naisip niya, kaya malamang hindi ito lumabas para sa lingguhang day off.
"Huwag niya sabihing lumayas na siya," bulong ni Gwyneth sa sarili.
Naiinis siyang napaupo sa paanan ng malambot niyang kama. Halos lahat ng makikita sa silid niya ay kulay abo. Hindi niya nga alam kung bakit siya nahilig sa kulay na 'yon. Para sa kaniya is refreshing her day.
Siya si Gwyneth Buenavista, labing dalawampu't limang taong gulang. Kaka-graduate niya lang halos ng kolehiyo. Tourism ang kursong kinuha niya, nag-iisa siyang anak ng isa sa mayamang negosyante sa Muntinlupa, Alabang. May garments factory ang mga magulang niya na may iba't ibang branches sa kalakhang Manila. Napatikhim siya nang maalala ang buhay na mayroon siya. Halos nasa kaniya na ang lahat kung tutuusin. Pwera na lang sa oras ng mommy at daddy niya. Kailan nga ba nagkaroon ng oras ang mga ito sa kaniya? Umiling-iling siya.
'Poor Gwyneth. Nag-iisa ka na naman kung wala na si Yaya Betty,' bulong niya sa sarili. Hindi pa man siya sigurado kung umalis na nga ang yaya niya nalungkot na agad siya. Ito lang kasi ang nandiyan para sa kaniya--- tulad na lamang ng mga sandaling pag hindi niya makita ang gamit niya.
"Yaya Betty! Yaya Betty!!!" muling sigaw ni Gwyneth.