Chapter 1

1676 Words
Chapter 1 Natagpuan ni Leester ang sarili sa labas ng condo ng kaibigang si Tooffer. Makailang ulit niyang pinindot ang doorbell subalit walang sumasagot mula sa loob kaya minabuti niyang umalis na. Papunta na siya sa elevator nang biglang bumukas ang pinto ng unit at iniluwa roon si Tooffer na nakasuot ng boxer shorts, kaya kitang-kita ang matipunong pangangatawan nito. Tila bagong gising ito base na rin sa gusot-gusot na buhok at humihikab pa. "Leester, dude, ikaw ba 'yan?" gulat na sambit nito. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng kaibigan. Huling balita niya ay nasa Amerika ito. "Tooffer, kumusta ka na,dude?" "Okay lang, dude." At nakipag fistbump kay Leester. Inaya niya ito sa loob para makapag-usap sila ng maayos. Hindi na siya nagtaka sa kaniyang nadatnan sa loob ng bahay ni Tooffer. Nagkalat na mga damit ng lalaki at babae, wala sa ayos na sopa, at iba't ibang klaseng inumin na nakapatong sa mesa. Mayroon din siyang nakitang mga tableta at dr*g p*r*phernalia. Napapailing na lang siya sa nakikita. Burara talaga ang kaibigan niyang ito. "Hindi pa rin talaga nagbabago ang loko," wika niya sa sarili. Kung hindi lang mahalaga ang sadya niya rito, 'di siya pupunta nang ganito kaaga. "Seems like you had a party last night." "Yeah. Actually, I had a great time partying with them," Tooffer said with a smirk on his face. Naalala niya ang nangyari kagabi. 'Di pa rin ito mawala sa kaniyang gunita. Pinaupo niya ang bisita sa sopa at kinuha ang mga damit na nakakalat. "Pasensiya ka na sa bahay, makalat. Mamaya pa kasi dadating 'yong tagalinis," nakangiti nitong wika. Tango lang ang iginanti ni Leester. "Saglit lang dude, ikukuha kita ng maiinom." At dumiretso na ito papuntang kusina. Naiwan si Lester sa sala habang pinagmamasdan ang kabuuan ng condo ni Tooffer. Maganda sana ang condo ng kaibigan niya kaya lang hindi nito alam ang salitang kalinisan. Kung wala lang itong binabayarang katulong, malamang pamugaran na ng langaw ang bahay sa sobrang kapabayaan nito. Tatayo na sana siya para sundan ang kaibigan sa kusina nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Lumabas sa pintong iyon ang isang babae na sa tingin niya ay nagtatarabaho sa club na pinangangasiwaan ni Tooffer. Nakasuot ito ng napakaiksing damit na kulay itim at halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang sikip. Napaawang ang bibig nito ng makita siya. Lalapitan na sana niya ang babae para magpakilala ngunit bumalik si Tooffer mula sa kusina. Nabaling ang atensiyon ng dalawa sa bagong dating. Tumingin si Leester sa kaibigan. Tila nagtatanong ang mga mata nito. "Pauwi ka na?" tanong ni Tooffer sa babae. Tumango lang ito at nakangiting lumapit. Walang anu-ano'y bigla nitong ikinawit ang mga kamay sa batok niya at hinalikan siya sa labi. Halos kainin na nito ang mukha ni Tooffer. Napapailing na lamang si Leester sa nasasaksihan. "I need to go. See yah later," malandi nitong saad matapos pakawalan ang mga labi ni Tooffer na siya namang ikinatigagal ng huli. Nanghihinayang siya dahil biglang naputol ang halik nito at alam niyang sinadya iyon ng babae. Hindi man lang siya nakaganti sa halik nito. Naiwang nakanganga si Tooffer habang pinagmamasdan ang babaeng papalabas ng kaniyang condo. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang balingkinitan nitong pangangatawan at animo'y isang modelo kung maglakad. "Hey, dude, close your mouth. Baka pasukan 'yan ng langaw. Uso magsara ng bibig. Hindi ka ba nangangawit?" biro ni Leester sa tigagal na kaibigan. Nakatingin pa rin kasi ito sa pinto kung saan lumabas ang babae. Itinikom naman nito ang bibig at ngingiti-ngiting umupo sa sopa. Inilapag nito ang dalang beer sa mesa. "Wala ka pa ring ipinagbago pagdating sa babae, Tooffer," nakangising wika ni Leester. "'Yan ang magpapabagsak sa iyo." Humalakhak lang ito sa sinabi niya. "Wala akong magagawa. Sila itong lumalapit sa akin, e. Nahuhumaling sila sa kaguwapuhan ko. Sino ba naman ako para tanggihan sila?" pagmamayabang nito. Ipinatong pa ang magkabilang braso sa sandalan ng sopa kaya lalong nadepina ang matipuno nitong pangangatawan. "Nagpapaalala lang, dude. Ingat lang. Baka mamaya magka AIDS ka." At humalakhak si Leester. Kinuha niya ang kalalapag lang na beer sa mesa at dinala sa bibig. Inalok siya nito ng sigarilyo subalit tinanggihan niya. "Nga pala Leester, kailan ka dumating? At anong nangyari diyan sa mukha mo? Mukhang may pinasok ka na namang g**o, ah," wika nito nang mapansin ang mga pasa sa mukha ng kaibigan. Naksuot siya ng leather jacket na kulay itim kaya malabong mapansin ang mga pasa niya sa dibdib at braso. "Kahapon lang ako dumating. 'Ayun, napasabak agad sa bugbugan." Umigting ang kaniyang panga ng maalala niya ang nangyari. Imbes na mga magulang niya ang masorpresa, siya pa ang nasorpresa sa nadatnan niya. Lumagok uli siya ng beer at diretsong tiningnan ang kaibigan. Ikinuwento niya lahat ng nangyari sa kaniya kahapon. Simula nang dumating siya mula sa airport hanggang sa pagdala niya sa ama sa ospital. "Nakilala mo ba 'yong mga taong pumasok sa mansiyon?" "'Di ko matandaan, pero makikilala ko 'pag nakita ko uli ang pagmumukha ng mga hayop na 'yon. 'Di ako titigil hangga't 'di ako nakakaganti sa mga gumawa no'n kay Papa. Papatayin ko ang mga hayop na 'yon. Nagkamali sila ng kinalaban." May pagbabanta sa boses ni Lester. Halos mag-apoy ang mga mata sa galit. Mahigpit din ang kaniyang pagkakahawak sa bote ng beer. Kulang na lang ay mabasag ito dahil sa galit na nararamdaman. Nakamasid lang si Tooffer sa mga kilos ng kaibigan. Medyo nagi-guilty din siya sa nangyari sa ama nito. Nagkausap kasi sila kahapon nang dumating ito sa club at hindi niya inaasahan na may mangyayaring masama sa ama ng kaibigan. "Dude, limang taon akong nawala sa Pinas. Wala akong alam sa mga nangyayari dito. Oo, alam ko kung ano ang negosyo ni Papa. Pero dude, kaibigan kita, nakakasama mo rin si Papa. May alam ka ba na nakaaway niya? O, kung sino ang kumakalaban sa kaniya?" Pagkasabi no'n ay sinaid niya ang laman ng beer at itinukod ang mga braso sa magkabilang hita. Wala rin namang reaksiyon mula kay Tooffer. Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo na nasa mesa at sinindihan gamit ang lighter. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan. Humithit siya ng sigarilyo at ibinuga ang usok nito. Kumalat ang usok sa paligid subalit 'di nila alintana iyon. Sanay sila sa usok. Nang walang makuhang sagot mula sa kaibigan, nilagok uli ni Leester ang kakabukas pa lang na beer. May nabuo na siyang plano sa utak at kakailanganin niya ang tulong ni Tooffer. Ilang minuto ang lumipas nang magsalita ito. "Kung sa pakikisama, wala akong masasabi sa Papa mo. Magaling siyang makisama, ngunit sa klase ng negosyong mayroon siya, hindi maiiwasan kung may makabanggaan man siya. Mahirap ang ganitong negosyo. May makakaalitan ka, may maiinggit sa 'yo, kung minsan naman, titirahin ka nang patalikod. At iilan lang ang nakaka-survive sa ganitong negosyo." Mahabang paliwanag nito. Pinagmasdan niyang maigi si Leester. Kabisado niya ang kaibigan. Base sa aura nito ngayon, may binabalak ito at 'yon ang nais niyang malaman. "Dude, kung may pinaplano ka, pag-isipan mong mabuti. 'Wag kang padalos dalos." "Alam ko, dude. Kaya nga nagpunta ako rito. Alam kong matutulungan mo ako." "Ako?" di makapaniwang tanong ni Tooffer. At itinuro pa nito ang sarili. "Graduate na ako sa ganyan. Ayaw ko ng magkabangas ang guwapo kong mukha. Ang mukhang ito na kinababaliwan ng mga kababaihan. Buti pa kung chics, hindi ako mag aalinlangan na tulungan ka." At humalakhak pa ito ng ubod nang lakas. Halos mapuno ang kuwarto sa lakas ng boses nito. "Seriously bro, I need your help," pormal na tugon ni Leester. Sumandal siya sa sopa at ipinatong ang kaliwang braso sa sandalan habang nakatingin kay Tooffer. "Oo naman, dude. Binibiro lang kita kanina. Ikaw pa, hindi kita matatanggihan. Isa pa, namimiss ko na rin 'yung mga adventure natin noon. Matagal tagal na rin akong nagpahinga, simula nang umalis ka. Sigurado, mabubuhay na naman ang dugo ko nito dahil nandito ka na." "Thanks." "Kung gusto mo, buuhin uli natin ang grupo. Madali namang kontakin ang mga iyon. Isang tawag lang sa kanila, panigurado papayag agad ang mga ungas na 'yon. Lalo na pag nalaman nila na nandito ka na." "Huwag mo muna ipaalam sa kanila na umuwi ako. Tayo muna ang kikilos. Nga pala, kumusta na ang club?" Inilapag niya sa mesa ang hawak na beer. Ang club na tinutukoy niya ay pag-aari ng kaniyamg ama. Isa iyon sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Kay Tooffer ipinagkatiwala ng kaniyang ama ang pamamahala sa club na iyon. Para na ring anak ang turing nito kay Tooffer dahil sa kanila ito lumaki. "Maayos naman ang club. Punong-puno lagi. Punta ka mamaya, malamang do'n mo makita ang hinahanap mo. Isa pa, may darating na mga chics mamaya. Galing sa grupo ni Atlas." Ang tinutukoy nito ay ang panibagong batch na mga GRO na magtatrabaho sa club. Tumango lang si Lester at tumingin sa relong pambisig. Alas diyes na ng umaga ayon sa kaniyang relo. Tumayo siya para magpaalam ngunit sumabay si Tooffer pababa dahil may bibilhin daw ito sa convenience store na malapit sa tinitirhang condo. Naunang naglakad si Leester papunta sa nakaparada niyang kotse nang may humarurot na motor sa 'di-kalayuan. Nakasuot ng bonnet ang mga sakay nito habang ang nasa likod ng driver ay may hawak na b***l. Papalapit ang mga ito sa kanila. "Dude, dapa!" sigaw ni Tooffer sabay talon sa kaibigan dahilan upang matumba silang dalawa sa harap ng kotse. Kasabay ng pagbagsak ng magkaibigan, pumailanlang ang sunod-sunod na putok ng b***l. Nagulat si Leester sa bilis ng mga pangyayari. 'Di niya inaasahan 'yon. "Naknamputsa!" sigaw niya nang makabawi sa pagkagulat. Dahan dahan siyang gumapang papunta sa likod ng kotse at kinuha ang b***l sa kaniyang likuran. Buti na lang may baon siya. Nang wala na siyang marinig na putok ng b***l, dahan dahan siyang tumayo. Napangisi siya nang mapansin niyang 'di pa nakakalayo ang motor. Pinaputukan niya ang mga ito. Dalawang sunod na putok, nalaglag ang lalaking naka backride, subalit tuloy-tuloy pa rin ang driver nito hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD