bc

My Dad, My Hero

book_age12+
57
FOLLOW
1K
READ
family
serious
like
intro-logo
Blurb

Inosente pa ako pagdating sa diskarte sa babae kung kaya Dad took matters into his own hands.

Bigla siyang tumayo at nilapitan ang mesa ng mga babae na nagkataon namang nasa tabi lang namin. "Hi girls! May I interrupt you for a minute?" ang masiglang pagbati niya sa kanila.

Nagulat na napatingin ang mga babae sa aking ama na nakatayo sa harap ng kanilang mesa. "Yes, sir?" ang tanong ng isa sa kanila.

"My name is Mark, and my table is over there," ang pagturo niya sa aming mesa. "You see those two gentlemen?"

Tumingin ang mga babae sa amin.

"One is my friend Tom and the other is my son, Beni... and I'm here to tell you that you can order anything. And I mean anything, and it's on me."

"What???" ang halos sabay-sabay na sagot ng mga babae, kitang-kita sa kanilang mata ang labis na pagkagulat.

"Why?" ang natatawang tanong naman ng isa.

"I tell you why, ang sagot ng Daddy. "My son..." turo niya sa kinaroroonan ko, "It's his birthday today and I asked him na kung sino man dito ang tao o grupo na gusto niyang iti-treat o ililibre, ako ang bahala. At kayo ang itinuro niya."

Sabay-sabay na nagsilingunang muli ang mga babae sa kinaroroonan ko. Ramdam kong inusisa nila ang aking hitsura. Ako naman, dahil sa sobrang hiya ay kunyaring hinipo-hipo ang aking pisngi upang matakpan ng aking kamay ang aking mukha bagamat ang isa kong kamay naman ay nangingiming ikinaway ko sa kanila.

Pagkatapos nilang lumingon sa akin, kitang-kita ko na nagsitawanan sila, iyong pigil na pagtili na parang kinilig na hindi maintindihan.

"So is that okay with you, girls?" ang tanong uli ni Dad.

Nagkatinginan ang mga babae. Kitang-kita ko ang kanilang excitement. "Sure!!!" ang sabay nilang pagsagot na nagtatawanan pa.

chap-preview
Free preview
My Dad, My Hero
By Michael Juha getmybox@h*********m Adapted From the movie, "Dear Dad" ***************** "Mark!!! Benedict!!! Oh my God! What are you doing???" ang galit na galit na bulyaw ng aking mommy. Naabutan kasi niya kaming dalawa ni Daddy sa kuwarto niya na parang mga inosenteng bata na ginawang trampoline ang kanyang kama. Bigla kaming nahinto ng daddy at nagkatinginan. "Ano ba ang nangyari sa iyo, Mark!!! Kay tanda-tanda mo na, para ka pa ring paslit? Nakakahiya ka! Kaya pala minsan ay nababasag ang aking mga personal na gamit dito sa kuwarto! Noong isang linggo, naubos ang aking lipstick, ang katulong pa natin ang aking napagbintangan. Kayo pala ang may kagagawan? Anong pinagggagamitan ninyo sa lipstick ko?" Ang sigaw ng mommy na tila lalamunin kaming dalawa ng Daddy sa sobrang galit. "Si Benedict, nilagyan niya ang mga labi ko," ang sagot ng Daddy. Na siyang ikinalaki ng mata ni Mommy, "At bakit mo naman iyon ginawa sa Daddy mo, Benedict???" "Nilagyan din po kasi ng Daddy ang bibig ko, mommy!" Nang hindi na nakatiis ang mommy sa mga isip-bata naming katuwiran ay dinakma niya ang walis at hinambalos niya kaming dalawa ni Daddy. Dali-dali kaming umeskapo. Ngunit nahuli niya kami. Sabay na piningot niya ang aming mga tainga. Tila umuusok ang mga mata ng Mommy sa galit niya sa amin. Ngunit kami ng Daddy ay nagtatawanan na lang nang makalabas kami sa kuwarto. Ganyan kami ng Daddy ko. Kapag nasa bahay at lalo na't wala ang mommy, mistula kaming mga bilanggong nakatakas sa kulungan. Parang sabik kami sa kalayaan. But don't get me wrong. Ang Dad ko ay isa sa mga pinamatagumpay na businessmen sa bansa. Marami na siyang natanggap na awards na may kinalaman sa magandang pagmanage ng business. Tinitingala siya at nirerespeto nga mga kauri niya sa kanyang linya. Marahil ay may "other side" lang talaga ang daddy. Lahat naman kasi tayo ang may ganyan. Or... it could be that Dad just loved me so much that he wanted to go down to my level to connect with me. Ngunit whatever the reason is, mas lalo pa siyang napamahal sa akin at sa aking bunsong kapatid na babae, si Mae. Subalit kung gaano kakenkoy ang Daddy, kabaligtaran naman ang mommy. Kung ang daddy ay ang pasaway sa aming tahanan, ang mommy naman ay ang disciplinarian. Para silang tubig at langis. O baka tubig at aspalto... Ang Dad ko ang tubig dahil he's very fluid and at times unpredictable samantalang ang Mom ko naman ay ang aspalto, dahil she's very predictable. Ang lahat sa kanya ay nakakahon, may rules, nasa tamang sistema lagi. Kumbaga ay nakanumero ang aming mga kilos. Ngunit mahal na mahal namin ni Mae silang dalawa. Para sa akin, isang perpektong pamilya kami at wala na kaming mahihiling pa. Pareho silang mapagmahal, ang lahat ng aming hihilingin ay naibibigay, nag-aaral kami sa isang mamahalin at pribadong eskuwelahan. Malapit na ang pasko noon at school break din namin. Pupunta kami ng daddy ko sa isang mamahaling resort sa Siargao. Matagal na naming pinagplanuhan ang bakasyong iyon. Ang orihinal na plano ay buong pamilya kaming magbabakasyon. Subalit hindi makakasama ang Mommy. May dalawang linggong business trip siya Europe at si Mae naman ay may pasok pa. Kaya walang choice. Kaming dalawa lang ng aking daddy ang pupunta. May lungkot akong nadarama na hindi kami buong pamilya sa bakasyon naming iyon. Ngunit dahil walang choice, sabi ko sa sairli na i-enjoy na lang ang bakasyon namin ng Daddy. Masaya rin naman kasing kasama ang Daddy. Maliban sa bata pa siya sa edad na 33, parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Wala akong itinatago sa kanya. Mga problema at kagaguhan ko sa school, kahit mga crush ko ay nasasabi ko sa kanya. Kahit iyong pinaka-sensitibo na usapang lalaki na nakakahiyang sabihin kagaya na lang ng attraction sa opposite s*x, l***g, m**********n, at kung ano ang nararamdaman ng isang lalaki kapag nakikipagtalik siya sa isang babae. Maliban sa mga kakenkoyan, sa Daddy ko natutunan ang maraming bagay sa buhay. Masasabi kong siya ang tagapagtanggol ko. Wala nang iba pang tao sa mundo na mas nakakaintindi sa akin kundi ang Dad ko. Siya ang best buddy ko, siya ang best friend ko, at siya rin ang nag-iisang idol at hero ng buhay ko. Habang inihatid kami ng driver patungong airport, may nahalata ako sa Daddy. May lungkot sa kanyang mga mata. "Dad... okay ka lang?" ang tanong ko. "Of course! Okay lang ako," ang mistulang nagulat niyang sagot. "Ba't mo naman naitanong iyan?" "Ewan... parang malungkot ka eh." "Hindi kaya. Solong-solo kaya natin ang bakasyon na ito. Wala ang KJ at kontrabida mong Mommy. Mag-enjoy tayo. Gagawa tayo ng history! We will climb the highest mountain, we will discover uncharted territories, we will chart new frontiers!" "We will fly to the moon, Dad!" "Yes, you will!" ang sagot din nya na lumaki ang mga mata. "And I will be the wind beneath your wings!" Tawanan. Pati ang driver ay natawa sa mga kakenkoyan namin ni Daddy. *** "Hi Mark! Ang aga niyo ah!" ang pagbati ng isang lalaki sa aking ama nang nasa loob na kami ng airport. Nakangiti ang nasabing lalaki habang nilapitan niya kami. Iniabot niya ang kanyang kamay sa aking ama at nagshake hands sila. "Uy Tom! Mas maaga ka yata ah! Excited ba?" ang sagot ng Daddy na nakangiti rin habang tinanggap ang pakikipagkamay ni Tom. Nasa 28 lang si Tom, o maaaring nasa 30. Matangkad siya, medium-built ngunit proportioned ang katawan. Masasabi kong pang-modelo ang dating niya. Casual lang ang suot niya, semi-fit na puting T-shirt, abuhing kulay na pantalon at puting adidas na asul ang stripes. May bitbit din siyang isang duffle bag sa kanang kamay niya at isang backpack na nakasabit sa kanyang likod. May hitsura si Tom, hawig sa artistang si Dennis Trillo. "Syempre excited! First time kong makapuntang Siargao..." ang sagot naman ni Tom. Nahinto siya sandali, tinitigan ang aking ama at kumindat. "First time din kitang makasama roon kaya syempre, excited!" ang dugtong niyang binitiwan ang isang ngiting nakakaloko. "Ah oo nga pala, heto si Benedict, anak ko." Ang paglihis niya sa usapan habang iminuwestra ako. "Woahh! Ang laki na! At manang-mana sa ama sa kapogian!" ani Tom. At baling sa akin, "How are you, Benedict? Palagi kang ikinikuwento sa akin ng Dad mo!" sabay abot ng kanyang kanang kamay sa akin. Binitiwan ko ang isang matipid na ngiti habang tinanggap ang kanyang pakikipagkamay. Ang totoo ay nagulat akong may kasama pala kaming ibang tao na noon ko lang nakilala. May naramdaman akong kaunting tampo na hindi man lang ipinaalam muna sa akin ni Dad ito. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong na-out of place. Parang inagaw ni Tom mula sa akin ang attention ng Daddy ko. Nang nasa boarding area na kami, hindi na ako umiimik. Sila na lang kasi ang nag-uusap. At hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan. Minsan din ay parang nagbubulungan sila. Ngunit hindi ko na pinansin iyon. Wala naman kasi akong nakitang kadudaduda sa mga kilos nila. Nang nagpaalam na pupuntang banyo si Tom, doon na ako nakatyempong kausapin ang Daddy. "Akala ko ba ay tayong dalawa lang, Dad? Bakit may kasama tayong iba?" "Ah... pasensya na, 'di kita nasabihan. Last-minute kong pinasama si Tom. Kailangan ko kasi ang advice niya kaya hayan, dali-dali ko siyang tinawagan." "Bonding kasi natin ito tapos trabaho pa rin ang iniisip mo?" ang pagmamaktol ko pa. "Ay nagselos ba ang binata ko?" ang sambit niya. "Iyang si Tom ay kenkoy din iyan. Masayahing tao at palabiro. Hindi ka ma out-of-place sa kanya. Kahit nag-uusap kami at may sasabihin ka, don't hesitate to butt in. Wala iyan. Kilala ka na niya noon pa at alam niyang pareho tayong tarantado." Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ng daddy. "Okay, Dad." ang sagot ko. Iyon ang desisyon niya kaya kagaya ng palagi niyang sinasabi, "Whether you like it, or whether you like it more," kapag pinal ang kanyang desisyon. Ngunit naobserbahan kong tama si Dad. Mabait si Tom at halos pareho sila ng Daddy na palabiro at maalaga. Kaming tatlo ay hindi kami maaawat sa katatawa sa aming mga kagaguhan. Kaya sa kahabaan ng biyahe namin patungong Siargao ay nabuo ang bond naming tatlo. Pareho silang concerned sa akin. Medyo nakakaasiwa lang ng kaunti dahil pareho silang lalaki na nagmukhang mga magulang ko. Yari sa kahoy at nipa ang aming cottage. May dalawang kuwarto, may sariling banyo, at napakaganda ng loob nito. Sobrang linis at mistulang lumulutang sa mismong dagat. Mayroon din itong sariling porch kung saan ay makikita mo sa baba nito ang napakalinaw na tubig at lumalapit din ang mga isda kapag ilalambitin mo ang iyong mga paa. Nakamamangha rin ang ganda ng isla. Puting-puti at pino ang buhangin at presko at malamig ang simoy ng hangin. Kinagabihan ay nag bar kami. Dahil maraming tao, hindi maiwasang may magagandang mga babae. Kapag may nakikita silang dalawa na medyo ka-edad ko ay niloloko nila ako. "Ganda ng chick, Benedict!" "Uy tumitingin-tingin sa iyo ang magandang iyon, Beni! Type ka!" Sa una ay hindi ako nagka-interest sa mga biro-biruan nila. Ngunit nang pumasok ang limang magkakasamang babae ay napako ang tingin ko sa isa sa kanila. Gustong-gusto ko ang taglay niyang ganda. Morena, simple, mahaba buhok na siyang pinakagusto ko sa babae. May dimples din siya na lalong nagbigay ng kislap sa kanyang ngiti. At higit sa lahat, maganda ang kanyang mga mata, buhay na buhay at tila nakikipag-usap. Nang nginitian ko siya, laking gulat ko nang sinuklian niy ang ngiti ko. Tila hindi ako makahinga sa tindi ng "Tug-tug-tug-tug-tug-tug-tug" na ingay mula sa aking dibdib. Parang magkaroon ako ng heart attack. At doon na pumasok ang aking problema. Hindi ko alam kung paano siya lalapitan. Enter my hero-Dad. Tila alam ng Daddy ang nararamdaman ko. At dahil alam din niya na inosente pa ako pagdating sa diskarte sa babae kung kaya he took matters into his own hands kumbaga. Bigla siyang tumayo at nilapitan ang mesa ng mga babae na nagkataon namang nasa tabi lang namin. Dahil hindi naman maingay ang bar, narinig ko ang mga sinasabi ng aking ama sa kanila. "Hi girls! May I interrupt you for a minute?" ang masiglang pagbati niya sa kanila. Nagulat na napatingin ang mga babae sa aking ama na nakatayo sa harap ng kanilang mesa. "Yes, sir?" ang tanong ng isa sa kanila. "My name is Mark, and my table is over there," ang pagturo niya sa aming mesa. "You see those two gentlemen?" Tumingin ang mga babae sa amin. "One is my friend Tom and the other is my son, Beni... and I'm here to tell you that you can order anything. And I mean anything, and it's on me." "What???" ang halos sabay-sabay na sagot ng mga babae, kitang-kita sa kanilang mata ang labis na pagkagulat. "Why?" ang natatawang tanong naman ng isa. "I tell you why, ang sagot ng Daddy. "My son..." turo niya sa kinaroroonan ko, "It's his birthday today and I asked him na kung sino man dito ang tao o grupo na gusto niyang iti-treat o ililibre, ako ang bahala. At kayo ang itinuro niya." Sabay-sabay na nagsilingunang muli ang mga babae sa kinaroroonan ko. Ramdam kong inusisa nila ang aking hitsura. Ako naman, dahil sa sobrang hiya ay kunyaring hinipo-hipo ang aking pisngi upang matakpan ng aking kamay ang aking mukha bagamat ang isa kong kamay naman ay nangingiming ikinaway ko sa kanila. Pagkatapos nilang lumingon sa akin, kitang-kita ko na nagsitawanan sila, iyong pigil na pagtili na parang kinilig na hindi maintindihan. "So is that okay with you, girls?" ang tanong uli ni Dad. Nagkatinginan ang mga babae. Kitang-kita ko ang kanilang excitement. "Sure!!!" ang sabay nilang pagsagot na nagtatawanan pa. "Good! So just go ahead and make your order. Kahit na ano, girls. At nandito lang kami sa kabilang table..." sabay turo sa mesa namin. "And by the way, can I have any one of your number? For contact purpose only, and to give you a feeling na hindi namin kayo iiwan sa ere. Le't see..." kunyari ay tiningnan niya ang mga babae upang pumili ng kukuhanan ng numero at pagkatapos ay itinuro ang babaeng type ko. "You... Can I have your number, please? I will give you my son's number. You can greet him a 'happy birthday' if you want..." Iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Sarah. Sa gabing iyon ay sumama ako sa grupo nila. Pagkatapos namin sa bar ay namasyal kami sa dalampasigan, kasama pa rin ang kumpletong barkada. Nang napagod, inihatid ko sila sa kanilang cottage. Lampas alas 11 na ng gabi iyon. Ngunit dahil alam naman ng barkada na si Sarah ang gusto ko, iniwanan nila si Sarah sa akin. Naupo kami sa buhanginan sa labas ng kanilang cottage. Inamin ko kay Sarah na hindi totoong birthday ko at imbento lang iyon ng Daddy upang maging kaibigan ko sila, lalo na siya. Hindi naman siya nagalit. Bagkus ay humanga siya sa Daddy ko. "Nakakinggit ka. Sobrang mahal ka ng Daddy mo..." ang sambit niya sabay bitiw ng isang malalim na buntong-hininga. Lampas alas 12 na ng hatinggabi nang binaybay kong mag-isa ang daan patungo sa aming cottage. Nang nasa bungad na ako, nakita ko sa labas ng veranda ang aking ama at si Tom na nakaupo at umiinom ng beer. Mahigit isang case na ang kanilang naubos dahil sa mga basyo ng bote na nakalatag sa sahig. Seryoso ang kanilang pag-uusap. Patiyad akong naglakad palapit sa kanila at huminto sa likod ng poste na hindi kalayuan. Hindi nila ako napansin. "Sabihin mo na kasi kay Beni ang lahat..." ani Tom. "Hindi ko nga kasi alam kung paano sisimulan eh. Baka lalayo sa akin ang anak ko kapag nalaman niya ang lahat. Hindi ko kakayanin, iyon, Tom!" "Mark, lakasan mo ang loob mo. Walang ibang paraan. Either malaman niya sa iba, which is more devastating sa side mo, or you will break it to him gently, which could be painful pero katanggap-tanggap naman. Either way ay masakit. But number 2 is the better option." "Parang hindi ko talaga kaya, Tom," ang sagot ng aking ama. Ngunit doon na gumuho ang aking mundo sa sunod kong narinig. "Dapat mong sabihin ngayon na, Mark. Nagsimula na ang proceso ng annulment ninyo ng misis mo. At ito lang ang pagkakataon na ibinigay sa iyo ng asawa mo upang sabihn kay Benedict ang lahat. Wala na tayong panahon pa. Kapag hindi mo magawa ito ngayon, mas lalong tatagal pa ang annulment..." ang medyo tumaas na boses ni Tom. Bakit naman kasi Tom... Bakit ako pa? Bakit naging bakla pa ako? Bakit? Pinilit ko namang magpakalalaki ah. Ngunit wala pa rin, bakla pa rin ako!" Nakita ko na lang na humagulgol ang aking ama. Niyakap siya ni Tom at hinaplos ni Tom ang kanyang likod. Sa sobrang dikit ng kanilang mukha ay halos maghalikan na lang sila. Sa sobrang pagngangalit ko ay nadulas ang aking paa at muntik akong malaglag sa dagat. Doon na ako napansin ni Tom. Bigla siyang kumalas sa pagyakap niya sa aking ama habang ang aking ama ay lumingon sa aking kinaroroonan. Pakiramdam ko ay hindi ko maigalaw ang aking buong katawan sa tindi ng sakit na aking nadarama. Tila hindi ako makahinga. Naghalo ang matinding poot, pagkahabag sa sarili, at takot sa maaaring kahahantungan ng aming pamilya. Hindi ko alam ang aking gagawin. Binitiwan ko ang isang matulis ang titig sa aking ama na tulalang nakipagtitigan din sa akin. Dali-dali akong tumalikod at nagtatakbong palayo. Sa puntong iyon ay hindi ko alam kung saan ako tutungo. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Binaybay ko ang pathwalk bridge hanggang sa narating ko ang dalampasigan at tinakbo ang kahabaan nito habang walang humapay ang pagdaloy ng aking mga luha. "Benedict hintayyy! Benedictttttttttt!!!" ang sigaw ng aking ama habang hinahabol niya ako. Hindi ako huminto sa pagtakbo. Hanggang sa nakita ko ang mga nakadaong na bakanteng bangka sa may dalampasigan. Patago akong sumakay sa isa sa mga ito. Humiga ako sa ilalim ng sahig, sa may makina at doon nagtago. Mabaho ang krudo, ngunit tiniis ko. Habang nasa ganoon akong pagtatago, hindi pa rin matigil ang pagdaloy ng aking mga luha. Sumiksik sa aking isip ang sakit ng maaaring pagkawasak ng aming pamilya nang dahil sa kabaklaan ng aking Daddy at sa kanyang pakikipagrelasyon kay Tom. Naawa rin ako sa aking mommy at bunsong kapatid na babae. Nanumbalik sa aking alaala ang mga masasayang samahan namin, ang mga pagkakataong sama-sama kaming magsimba, sama-samang magcelebrate ng pasko, ng bagong taon, ng birthday, ng wedding anniversary nila at iba pang mga mahahalagang selebrasyon. Napakasaya namin bilang isang buo at matatag na pamilya. Hindi ko kakayanin kapag nasira at nawasak ito. At lalo pa na patraydor na isinama niya ang kanyang lalaki sa bakasyon naming iyon. Mistulang sinaksak ang aking puso sa sobrang sakit sa ginawang katraydoran ng aking ama. At isa pa, paano ko haharapin ang mga kaibigan ko? Ang mga kaklase ko? Ang mga tao sa paligid? Hindi ko kayang pagtawanan. Mamamatay ako sa kahihiyan. Nagising ako kinabukasan nang narinig ko ang ingay ng mga taong sumasakay sa bangka. Ang damit ko ay nangitim dahil sa krudo. Gusto kong tawagan ang aking mommy ngunit natakot akong makumpirma mula sa kanya na naghiwalay na nga sila. Parang hindi ko kakayanin. Parang mamamatay ako sa sobrang sakit kapag nalaman ko ang totoo. Biglang naisip ko si Sarah. Nang nasa cottage na nila ako ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Kinabukasan ay bigla na lang sumulpot ang daddy sa harap ng cottage nina Sarah. "Leave me alone! I hate you! You go with your boyfriend!!!" ang pagtaboy ko sa kanya. At talagang ipinahiya ko siya sa mga tao. Lalapitan na sana niya ako upang kaladkarin palabas ng cottage nang pumagitna si Sarah at dinala siya sa malayo-layo. Hindi ko marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit nakita kong tumahimik ang aking Daddy at huminahon. At maya-maya lang ay nilingon niya ako atsaka naglakad palayo. "Anong sinabi mo sa kanya?" ang tanong ko kay Sarah nang nakabalik na siya. "Nakiusap ako na dito ka muna sa amin dahil sa ngayon ay kailangan mong mag-isip at mapanatag ang loob. Ngunit kapag umalis na kami, ibabalik ka na rin namin sa kanya." Hindi na ako sumagot pa. Ngunit may nabuo nang ibang plano sa isip ko. Kinabukasan ay nasumpungan naming magjet skiing. Partner ko si Sarah. Ako ang nagdrive habang siya naman ay backride ko. Nakipagkarerahan pa kami sa mga pinsan ni Sarah. Habang nagtatawanan at nagsisigawan, hindi namin namalayan na nasa malalim na bahagi na pala kami ng dagat. Patuloy lang kami sa aming pagkakarera. Hanggang sa hindi inaasahang salpukin ang aming jet ski ng isang malaking alon at sa isang iglap ay biglang kaming tumaob. Naalimpungatan kong nakakapit ako sa tumaob na jet-ski samantalang ang mga pinsan ni Sarah ay nasa malayo na at hindi nila nakita ang nangyari sa amin. Ngunit doon ako kinabahan nang hindi ko makita si Sarah. "Sarah! Sarahhhh!!!" ang sigaw ko. Ngunit walang Sarah na sumagot. Nanghingi ako ng saklolo. Ngunit walang nakapansin sa akin. Pati ang mga pinsan ni Sarah ay hindi rin ako narinig. Hanggang sa may nakita akong isang taong nakasakay ng jet ski at mabilis na pinaandar ito patungo sa aking kinaroroonan. Nang nasa malapit na, doon ko na siya namukhaan. Ang Daddy! "Nasaan si Sarah!" ang tanong niya. "Hindi ko alam, Dad! Bigla na lang siyang nawala!" "Saang banda bumaligtad ang jet ski ninyo?" Itinuro ko ang parte kung saan kami natamaan ng alon. Nagkataon naman na nakita ko ang isang life jacket na lumulutang. Agad na tinumbok ng aking ama ang life jacket. Ngunit walang Sarah siyang nakita. Naka unlock ang life jacket, pahiwatig na hindi ito nai-lock ni Sarah nang isinuot niya ito. Dali-daling sumisid sa dagat ang aking ama. Maya-maya lang ay dumating ang mga rescuers sakay sa isang malaking speed boat. Sinisid nila ang dagat habang ang isa sa kanila ay inalalayan akong isakay sa kanilang speed boat. Maya-maya lang ay pumaibabaw ang aking ama, "Nandito siya!" ang sigaw nya sa ibang rescuer na nasa speed boat. Agad din nilang pinatutulungang isakay ang walang malay na si Sarah. Binigyan siya ng CPR. Ngunit habang ligtas na si Sarah, ang Daddy ko naman ang nawala. Muli akong nagsisigaw. Naalerto ang mga rescuers. Kaya muli silang sumisid. Di kalaunan ay sumigaw ang isang rescuer na nakita niya ang aking ama. At kagaya ng ginawa nila kay Sarah, binigyan din siya ng CPR at na-revive ang kanyang paghinga. "Just because your dad is gay doesn't mean he is despicable." ang narinig ko. Nasa labas ako ng clinic noon, naupo sa buhangin sa lilim ng puno ng talisay habang naghihintay sa paglabas ng aking ama mula sa loob ng clinic. Nang nilingon ko kung sino ng nagsalita, nakita ko si Tom. Umupo siya sa aking tabi. Dinampot ang isang patay na sanga ng talisay at iginuri-guri niya ang kanyang mga daliri rito. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa biglang pagsulpot na ni Tom sa eksena. Matindi pa rin ang galit ko sa kanya. Nanatili lang akong nakaupo, biglang sumimangot at hindi kumibo. "One can be gay and can be the best at the same time. They can be the best teacher, the best doctor, the best dad... even a hero. Try to look at your dad as someone who is capable of loving, of giving inspiration, of surpassing even the best talents in the world; of someone who can do bigger things than himself," dugtong niya. Hindi pa rin ako kumibo. "Your Dad did not choose to be gay and it's not his fault, in the same way that you did not choose him to be your Dad and it's not your fault either. Destiny put you together to be father-and-son. He is your one and only Dad. Either you loathe him or love him," dugtong niya. Wala pa rin akong imik. Paano ko ba siya sasagutin? Magaling lang siyang magsalita dahil hindi niya ramdam ang kalagayan ko. Ngunit doon na ako naliwanagan nang sabihin niyang, "Wala kaming relasyon ng daddy mo, Benedict. Purely professional ang aming samahan. He is my client. I'm his lawyer," tiningnan niya ako. "I can tell you in all honesty that all these years since nagkakilala kami ng iyong ama, kahit bakla ang daddy mo ay wala siyang nililigawang lalaki, wala siyang karelasyong kahit sinong lalaki... It's because of you and your sister. Ayaw niyang ikahiya ninyo siya. Ayaw niyang itakwil ninyo siya. He made that ultimate sacrifice para sa inyong magkapatid... And the reason why I joined him sa bakasyon ninyong ito is because he needs my advise, and especially, he needs me to give him a push to break that painful truth to you. Well, it's all busted but at least, now you know." "Ibig mong sabihin ay hindi ka boyfriend ng Daddy?" Natawa siya. "Of course not! I'm happily married. And I have 2 kids!" ang sagot niya sabay angat niya sa kanyang daliri kung saan nakasukbit ang kanyang wedding ring. Nang nakabalik na kami sa aming cottage, doon na ipinaliwanag ng Daddy sa akin kung bakit kailangan nilang i-annul ang kanilang kasal ni mommy. Sa simula pa lang ay napilitan lang na pakasalan ng Daddy si mommy dahil ang mga magulang nila ay magkasosyo sa negosyo at arranged ng kanilang mga magulang ang kanilang pagpapakasal. Alam ng Mommy sa simula pa lang na bakla ang Daddy. Ngunit tinanggap siya ng Mommy dahil mahal niya ang Daddy at umasa siyang magbago ang Daddy. Ngunit hindi ito nangyari. "Naawa na ako sa mommy mo. Bata pa siya, at alam kong naghahanap din siya ng kaligayahan. Mahal ko ang mommy mo dahil siya ang ina ng aking mga anak. Ngunit gusto ko rin siyang lumigaya, ma-enjoy ang buhay. Nitong nakaraan tatlong buwan, nalaman kong may ibang lalaki ang mommy mo. At... buntis siya. Pinigilan ko ang aking sarili upang huwag magalit. Pinilit ko ang sariling intindihin siya dahil may malaking pagkukulang ako. Nang mag-usap kami, nasabi ko sa kanya na palalayin ko na siya. Huwag kang mag-alala sa amin dahil in good terms kami ng Mommy mo at pareho naming napagkasunduan ang lahat. At na-appreciate niya ang aking pagpayag na bigyang-laya ko siya..." "Bakit kailangang mangyari ito, Dad? Kawawa naman kami ni Mae? Anong sasabihin ko sa kanya?" "Mahirap i-explain, son. Pero ganyan talaga ang buhay eh. Minsan ay kailangan nating magparaya... maaaring masaktan tayo ngunit kung maging masaya naman ang lahat sa bandang huli, maging masaya na rin tayo." Hindi ko lubos maintindihan ang sinabing iyon ng aking ama. Marahil ay kulang pa ang aking kaalaman sa pag-intindi. "K-kung matuloy ang annulment, saan si Mommy titira, Dad? Saan kami ni Mae mapupunta?" "Sabi ko sa Mommy mo na sa bahay pa rin siya titira dahil iyon ang nakasanayan na niya. Ako na lang ang aalis dahil madali lang naman para sa akin ang lumipat. Maghahanap ako ng bahay o apartment na mas malapit sa aking opisina. Si Mae naman ay sa mommy mo siya mapupunta dahil bata pa siya. At ikaw..." nahinto siya at tiningnan ako. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang ibayong lungkot. "...libre kang mamili kung sino sa amin ang sasamahan mo," sabay bitiw ng isang hilaw ng ngiti. Tahimik. Hindi na ako sumagot. Alam kong nahihiya lang ang daddy na igiit sa akin ang tanong kung sino sa kanila ng mommy ang aking pipiliin. Ngunit matindi pa ang dulot nitong dagok sa aking sistema. Naguguluhan pa ako. Hindi pa totally na-absorb sa aking utak ang bilis ng mga pangyayari. Kaya hindi na ako umimik. Dumating ang araw kung saan ay lisanin na namin ang Siargao. Halu-halo ang alaalang tumatak sa aking isip sa lugar na iyon. May dulot itong sakit. May dulot din itong saya. Doon ko nakilala si Sarah, at doon ko rin nalaman ang masakit na katotohanan sa buhay at sa aking pamilya. *** Nakalabas na kami ng airport at kasalukuyang nasa loob ng sasakyan na kami na minameneho ng driver pabalik sa aming bahay. Wala kaming imikan ng daddy. Naglalaro pa rin sa aking isip ang mga bagay-bagay at sakit sa nakaambang pagkawasak sa inaakala kong matibay naming pagsasama. Hindi ko maiwasan ang malungkot, ang mangamba, ang makaramdam ng matinding panghihinayang. Kahit ang dinadaanan naming mga makukulay at nagkikislapang parol at palamuti sa bawat bahay at gusali na aming nadaanan ay halos hindi ko napansin. Sa kaloob-looban ko ay wala nang saysay ang darating pang pasko. Nakikinita ko si Mae na mag-iiyak, hahanapin si Daddy, hindi makatulog, magwawala. Sa mura naming edad ay mapipilitan kaming harapin ang masakit na katotohanang natibag na ang masaya naming pamilya; na mag-iba na ang lahat sa aming buhay. Wala kaming choice. Marahil ay tama nga ang sinabi ng Daddy, "Kailangang magsakripisyo para sa taong mahal." Parehong mahal namin silang dalawa ng mommy. Kaya kung iyon ang kanilang desisyon, kahit masakit, kailangang tanggapin. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Sarah. "Kung papipiliin ako sa pagitan ng pagkakaroon ng isang baklang ama at sa wala nito, doon na ako sa may baklang ama na marunong magmahal sa kabila ng kanyang kabaklaan. Kung ako ay nakaranas ng pambubully dahil walang ama at least ikaw, kung makaranas man ng pamgbu-bully ay mayroong isang ama na nagmamahal. At kahit pagtawanan ako dahil bakla ang aking ama, hindi ko sila papansinin. Para sa akin, proud pa rin ako na nagkaroon ng isang mabait at mapagmahal na ama." "Dad... may request ako sa iyo..." ang pagbasag ko sa katahimikan. "Yes, son. Ano iyon?" "Kapag maghahanp ka ng bagong bahay para sa iyo, gusto ko iyong may basketball court ha? Atsaka maglagay na rin tayo ng trampoline sa may front yard natin. Wala na kasing kuwarto roon si Mommy na guguluhin natin..." Tinitigan ako ng aking daddy atsaka niyakap niya ako. "Sure son! Sure!" ang sagot nyang nag-c***k ang boses habang niyakap ako. Nanumbalik sa aking isip ang huling sinabi ni Sarah. "Masuwerte ka na nagkaroon ng amang katulad niya. Marami sa amin ang hindi pa naranasan na magkaroon nito. Your Dad is not just your hero. He's now my hero too, for saving my life..." "Dad... kapag nakahanap ka na ng taong magmamahal sa iyo, sana ay katulad siya ni mommy. Istrikto, madisiplina, nasa ayos ang lahat." "Upang may papalo sa mga p***t at pipingot sa mga tainga natin?" Ang sagot niya habang tumiwalag sa pagkayakap niya sa akin. Tawanan. "Dad... kayo pa rin po ang idol ko, at ang nag-iisang hero ng buhay ko." Hindi na siya sumagot pa. Muli niya akong niyakap. Wakas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
321.5K
bc

One Night Son

read
152.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
313.6K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.7K
bc

Just Another Bitch in Love

read
34.7K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
840.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook