Nasa mga mata nila ang paghingi ng paumanhin nang kumilos ang tatlo sa mga trabahador. Isa na doon si Kuya Mark. Hindi ko siya masisisi dahil hikahos din sila sa buhay. Idagdag pang kabuwanan na ng asawa niya at kakailanganin niya ng perang panggastos.
"Sorry, Bebang," mahinang bulong sa akin ni Kuya Mark nang kunin niya ako mula kay Tita Pots.
All the fight in my body left me. Hindi na ako nagpumiglas, mahinahon akong nagpahatak kay Kuya Mark at sa dalawa pang kasama niyang sina Kuya Jimmy at Erol. Bakit ko pa ba sasayangin ang lakas ko, wala namang mangyayari.
Para akong zombie na nakatayo sa tabi ng poste habang inihahanda nila ang pagtatalian sa akin. Nakatayo lang ako doon, tagos-tagusan ang paningin. Ni hindi na ako kailangang hawakan ni Kuya Mark. Para kaming dalawang tuod, walang kakilos-kilos sa kinatatayuan habang nakatali ang dalawang kamay.
Ganito ba ang pakiramdam ng mga bayani noong unang panahon? 'Yong nakalinya sa death row, naghihintay na mabaril? Tipong ubos na ang takot sa dibdib mo, wala nang natitirang pakiramdam kundi pagkamanhid.
Ilang beses na ba akong isinailalim ni Tita Pots sa ganoong uri ng parusa simula noong kupkupin nila ako noong ten years old ako? Ah. Hindi ko na matandaan. Kahit ang araw na una akong dinala ni Tita Pots sa bahay niya ay malabo na sa alaala ko.
Siguro ay kusang nabusa sa alaala ko ang linaw ng mga tagpong 'yon pagkatapos ng libing ng mga magulang ko. Nang mamatay sa aksidente sina Mommy at Daddy ay si Tita Pots ang nag-volunteer na kupkupin ako.
Noon una ay nagpapasalamat ako sa tiyahin ko. Pero nang tumagal-tagal na ay nag-iba na rin ang pakikitungo niya at ng buong pamilya nila sa akin. It was my naivete which prompted me to think I was lucky despite my parents' death. At masyado pa akong bata para mag-isip na may ibang motibo ang tiyahin ko kaya kinupkop nila ako.
That motive came into light one year after my parents' death. Hindi ko alam kung paanong napunta sa kanila ang lahat ng naiwang ari-arian ng mga magulang ko. Young as I was, I even thought it's okay.
Naniwala akong ibabalik din ni Tita Pots sa akin ang lahat pagtuntong ko sa eksaktong edad. Hah! Sinamantala lang nila ang kawalan ko ng alam at pagiging menor de edad.
It was that moment when I felt something snap inside my head. Nilingon ko si Tita Pots. Ang lahat ng lumabas sa bibig ko ng mga sandaling 'yon ay parang hindi dumaan sa utak ko. Kusa silang nakawala, para bang mga bakang pinakawalan sa kural mula sa mahabang pagkakakulong.
"Tita, buti naman hindi kayo dinadalaw nina Mommy at Daddy sa pagtulog n'yo gabi-gabi."
"Ano'ng sinabi mo?" mataas ang boses na tanong ni Tita Pots. Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi ako umiwas. I stood my ground.
"Kako sana multuhin kayo ng mga magulang ko sa lahat ng mga pang-aaping ginawa n'yo at pagkamkam sa mga ari-arian namin," taas-babang sagot ko. "And I hope you all choke to death and go to hell!"
My aunt rushed at me, looking like an enraged bull. Hindi ako kumurap o kumilos. Defiance was etched in my face, seeping to the very marrows of my bones. I, Maria Genoveva Carmen Benitez, had enough.
Lumagapak ang palad ni Tita Pots sa mukha ko. Something dull hit my chest area, right at the center. Kasabay noon ay may naramdaman akong mali; unti-unting nag-iiba ang focus ng mga mata ko. I was falling. I closed my eyes and embraced gravity.
Sa pagbagsak ko ay sumabog ang sakit sa likod ng ulo ko. I didn't cry out though. Walang kakayahan ang bibig kong magpalabas ng kahit na anong tunog o salita. And then something cloudy tinged my vision.
Hanggang sa ang kulay ulap na nakikita ay unti-unting naging kulay abo. Paliit nang paliit ang nakikita kong malinaw sa bawat segundo. And then nothing.
*****
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko nang magising ako. Para akong lumilipad. Hindi ko maramdaman ang paa ko sa lupa. Basta ang alam ko, madilim na madilim ang buong paligid. Brownout ba?
Pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari. Pero isang malaking blangko ang utak ko. Nakapagtatakang wala akong maalala maliban na lang sa pangalan kong Maria Genoveva Carmen Benitez.
Mula kung saan ay parang may naririnig akong malamyos na musika. Marasap siyang pakinggan sa tainga. Katunayan ay wala akong maramdamang takot sa walang katapusang kadiliman. Para bang ihinehele ako ng musikang 'yon.
Ah. Ang sarap pumikit. Gusto ko uling matulog. Baka sakaling sa muling paggising ko ay buo na ang alaala ko.
*****
"Ianthe?! Thank god, you're awake. Quick! Call the doctor!"
Hurried footsteps followed.
Napangiwi ako. Sobrang nakakasilaw, hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko. At bakit ako nanghihina? Parang walang lakas ang mga braso ko at binti. Kahit ang simpleng pag-angat ng kamay ay hindi ko magawa.
Nang ibuka ko ang mga mata ay wala akong makita kundi puro puti. Ramdam kong may mga taong nakapalibot sa akin pero hindi ko sila makita.
Teka, nasasan na ba ako?
Parang tubig baha na rumagasa sa isipan ko ang mga pangyayari. Mula sa pagkagising ko dahil sa ingay ng mag-inang Khourtnei at Tita Pots, hanggang sa itinali ako ni Tita sa likod bahay para parusahan. Sa naisip ay napabalikwas ako ng bangon.
Pero agad din akong bumagsak sa higaan. Para akong kandilang naupos. Bakit ang hina-hina ko?
Ah, siguro kasi nabagok ang ulo ko nang bumagsak ako.
Doon nanuot sa ilong ko ang amoy ng paligid. Amoy air-freshener na gawa sa kung ano'ng uri ng bulaklak. 'Yong amoy mamahalin, hindi kagaya ng air freshener sa bahay ni Tita Pots.
Ganoon pa man, hindi naitago ng air freshener ang amoy antiseptic kaya naisip kong nasa ospital ako. Nakonsensya rin siguro si Tita Pots kaya ako pinaospital. O mas tamang sabihin na natakot. Kung sakaling mamatay man ako, paano niya ipapaliwanag sa mga pulis ang pangyayari? At maraming saksi sa ginawa niya sa akin.
Alin, kung ibang pagkakataon lang? Hindi ako isusugod sa ospital noon. Takot gumastos eh. 'Yon pa, eh saksakan ng kuripot 'yon pagdating sa akin. Parang hindi sila nagpakasasa sa kayamanan ng mga magulang ko eh, no?
Hindi ko alam kung may natira pa ba sa mga naipundar ng mga magulang ko. Pero sa tingin ko, paubos na. Mahahalata mo kay Tita Pots 'pag may pera eh. Waldas dito, waldas doon. Palagi rin siyang masaya. Kaya 'pag nagsusungit siya, alam na.
"How is she, doc?" Narining kong tanong ng isang boses-babae.
"All her vital signs are okay. Her responses are good, too."
Napakunot ang noo ko. Sino 'yon? Hindi pamilyar ang boses. Sigurado rin akong ngayon ko lang narinig ang boses na 'yon. Napakurap ako ng ilang beses. My vision cleared, now a little better.
Puting kisame ang nakikita ko. At sa gilid ay nakatanghod sa akin ang apat na mga mukha. To my horror, I don't know any of those faces. Nanlaki ang mga mata ko.
"S-Sino kayo?" lakas-loob kong tanong.
Napahawak ako nang mahigpit sa kumot na nakabalot sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko.
Nagkatinginan sila—-dalawang babae at dalawang lalaki. Terno ang maroon na scrubs ng doktor at nurse. Ang kaibahan lang, nakasuot ng puting coat ang doktor.
Now, the other two are completely strangers. Nagkatitigan kami, pilit kong hinahagilap sa isipan kung sino sila. Pero wala. Itinapon ba ako ni Tita Pots sa kung saan at sila ang nakapulot sa akin? They could be good Samaritans who took pity on a dying girl like me.
"Doc? What's wrong with her?" tanong ng babaeng nasa kanan ko. Salitan ang kulay itim at silver sa buhok niyang maayos na naka-bun.
Sa tantiya ko ay nasa late fifties ang edad. Pwedeng mali rin ako. Baka mas matanda na talaga ang babae, hindi lang matukoy nang ganoon ganoon lang ang edad dahil wala sa hitsura nito.
Tumikhim ang doktor. "It could be temporary, Mrs. Dominguez. Halos isang buwang walang malay ang anak ninyo. The fall could have messed up with her memories. Kailangan natin siyang ipasailalim sa series of tests to make sure."
"A-Anak? Ako?" Itinuro ko ang sarili.
"Yes, you are our daughter. Hindi mo ba natatandaan, iha? You are our daughter, Ianthe. Elana Ianthe Dominguez ang buo mong pangalan. Wala ka talagang maalala?" tanong sa akin ng lalaking katabi ng tinawag na Mrs. Dominguez.
Umiling ako. "Baka nagkakamali lang po kayo. Wala na po akong mga magulang."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Kumislap ang luha sa mga mata ni Mrs. Dominguez habang inabot naman siya ng asawa nito para damayan.
"Hon, she doesn't remember us." May nginig sa boses ni Mrs. Dominguez.
"It's okay, hon. Tutulungan tayo ni Doctor Mariano. Gagaling din ang anak natin."
"Teka, teka," singit ko sa kanila,"Hindi po ako si Ianthe. Ako po si Bebang. Genoveva Benitez po ang pangalan ko."
Imbes na mapanatag ay lalo lang nabahala si Mrs. Dominguez. Bumunghalit na ito ng iyak. Pati ang asawa nito ay tumulo na rin ang luho. Iiling-iling naman ang doktor.
"Don't worry, Mrs. Dominguez. Gagawin namin ang lahat para matulungan ang anak n'yo."
"Excuse me lang po. Hindi po talaga ako si Ianthe. Ako po si Bebang!" Napahawak ako sa braso ng nurse. "Ako si Bebang!"
"Yes, yes. Calm down, Ian—este Bebang. Kagigising mo lang. Halos isang buwan kang nakaratay sa higaang 'yan. Kumalma ka muna, makakasama sa 'yo 'yan eh. Ayaw mo bang mapabilis ang paggaling mo?"
Sa narinig ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. Never mind that my chest thunders like mad. Halos mabingi na ako sa tindi ng kabog nito. Natatakot ako na hindi ko maintindihan.
Gusto kong bumaba ng higaan at tumakbo palabas. Pero alam kong tama ang nurse. Baka napasama ang pagbagsak ko kaya matagal akong walang malay. Ulo ba naman ang tama ko eh.
O baka naman dahil sa nabagok ang ulo ko kaya kung ano-anong ilusyon ang nakikita ko ngayon?
Oo tama, baka nananaginip lang ako.
Sinadya kong kurutin ang sarili. Pero totoo ang sakit na sumigid sa balat ko. Hindi ilusyon ang mainit na pakiramdam ng sarili kong kurot.
Hala, totoo nga!
I bit down on my lower lip to keep myself from crying out. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliring nakabaon sa malambot na kumot. Ayaw ko sanang gawin pero wala akong pagpipilian. Hindi ko na kayang ipagsawalang-bahala ang mga nangyayari.
"P-Pwede ho bang makahiram ng salamin?"
Sabay na napalingon sa akin ang apat na tao sa loob ng kuwarto. Mabilis na kumilos ang nurse. Binuksan niya ang drawer ng side table sa kanan ko. Mula doon ay inilabas niya ang hindi gaanong kalakihang salamin.
My hand felt still. Para bang nakalimutan na ng mga braso ko kung paanong kumilos. Napansin 'yata 'yon ng nurse kaya siya na ang nagkusang maglagay ng salamin sa isang kamay ko.
Napalunok ako. Nakataob ang salamin kaya wala pa akong nakikitang kahit na anong repleksyon doon. Unti-unti kong inangat ang kamay, dinala sa mukha ang salamin.
Nang pihitin ko 'yon paharap sa akin ay hindi ko maiwasang mapasinghap. A stranger's gaunt face stared back at me.
Tinitigan ako ng bilugang mga mata. Sooty eyelashes rimmed the stranger's dark brown eyes. Nang sipatin ko ang magkabilang bahagi ng pisnging nakikita ko sa salamin, nagbago ang kulay ng mga matang nakatitig sa akin.
Those eyes turned golden brown in the sunlit room. Maliit ang mukha ng babaeng katitigan ko. Kahit namumutla ang mga labi niya ay mapapansing tama lang ang kapal nito.
I think she would look better if she filled out a little. Masyado siyang payat sa opinyon ko. Her nose is a different matter. Hindi siya katangusan. Mabuti na lang at maliit ang ilong niya na kataka-takang bumagay sa ayos ng buong mukha. Her eyebrows were set in a soft arc, undisturbed in it's natural shape. Her jaw lines are soft, gracefully feminine.
Shit! Hindi ako 'to. Hindi ako ganito kaganda!
"Ianthe?"
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa salamin, parang namatanda. Mukha akong baliw sa mga nanonood, sigurado ako doon.
"That's enough, iha. Magpahinga ka na. Kailangan mo ng maraming pahinga para makabawi ka ng lakas. Bukas na bukas pagkagising mo ay kailangan mong sumailalim sa maraming mga pagsusuri," mahinang saway sa akin ng doktor.
I didn't react when the nurse came near me and lifted my left sleeve. May ipinahid siyang bulak na nag-iwan ng malamig na pakiramdam sa balat ko. Mayamaya pa ay sumunod ang pagtusok ng karayom.
"Aray!" Mas nagulat ako kaysa nasaktan.
"Sorry. Okay na."
"What did you do to me?" akusa ko.
"Kailangan mo 'yon para tulungan kang makapagpahinga," sabi ng doktor.
The freakin' doctor is a mafioso! Tili ko sa isipan.
That was the last thought I had before darkness engulfed me.