Episode 5 - Badly hurt

2615 Words
“Where the hell is that woman?” tanong ni Ethan sa lalaking nag pasok ng almusal nya sa kuwarto. Kahapon kasi ang babae ang inutusan na mag dala ng breakfast nya sa kuwarto. Nag taka pa sa sya ng paglabas nya ng banyo marinig na may kausap ito. Ganun nalang ang sulak ng galit nya ng matanto nyang sa cellphone pala ito may kausap at cellphone pa nya na pinakialam nito. Ayaw na ayaw nya sa lahat may ibang hahawak ng cellphone nya kahit pa lolo nya at papa nya. Ang pagkakamali pa nito ang lakas ng loob na lumapit pa para iabot ang phone nya. Kinuha nya iyon kasabay ng malakas na sampal nya rito. Hindi pa sya na kuntento dahil nagawa pa nitong gantihan sya kaya lalo nag dilim ang paningin nya wala pang kahit sinong babae nanakit sa kanya. Hindi na nya alam kung saan saan ito tinamaan ng suntok nya at wala syang pakialam. Nahinto lang ang pananakit nya rito ng may pumasok sa silid at inilayo sya sa babae na narinig pa nya ang mahihinang daing. Wala syang pakialam kung babae ito. She make him so mad. Alamin nito ang lugar nito sa pamamahay nya kung ayaw nitong masaktan. Wala rin naman syang balak na ikama ito gaya ng original na plano ng Lolo nya. He’s so sick and tired sa ganun set up nila. Just to fulfill his need as a man kukuha ng babae para gawin nyang parausan. “Nasa kuwarto po nya sir hindi po muna pinalalabas ni Senor. Medyo hindi po kasi maganda yung tinamo nyang mga pasa sir.” “I don’t care. Hindi sya binabayaran pala humiga lang dito. Make her do a house chores kundi sya paalisin ni lolo.” “Sasabihin ko po kay señor.” “No! Ako nalang.” “kumain po muna kayo sir.” “Ayoko iwan mo lang dyan.” ani Ethan saka tumayo na inabot ang stick nya saka na ngapa palabas ng kuwarto nya. Sa loob ng 2 taon na sanay na sya sa pag kilos sa madilim na lugar. marami na rin inalis na mga furniture sa loob ng kuwarto maging sa loob ng mansion para makaiwas sa aksidente na bangga nya dahil oras na may mabangga sya. Sesante ang lahat ng tauhan ng ama at lolo nya. Na wala naman magawa ang lolo at papa nga kapag sinabi nya. Kaya inaasahan na din nyang sesante na din ang babaeng nakasagutan nya kagabi ngunit naabutan pa nya ito sa loob ng silid nya at gumanti pa sa pananakit sa kanya. Wala talaga itong pinagka iba kay cassidy kaya tama lang dito ang ginawa nya kung di nga lang sya inawat ng mga tauhan may kalalagyan sa kanya ang babaeng yun. Habang sinasaktan nya ito si Cassidy ang pumapasok sa isipan nya ang hitsura nito kaya ganun nalang ang galit na nararamdaman nya. Siguro naman ay magtatanda na ito. Hindi porket napatawa sya nito ay mababago nya ang papanaw ko. ******* Napadilat ng mata si Zoe ng maramdaman na pay sumusundot sa likod sya. Halos di nya maimulat ang isang mata nya dahil sa pamamaga. Ramdam din nya ang pangangapal ang pisngi at mga labi nya. Sobrang sakit din ng dede at mga braso nya sa labis na tinamong mga suntok. Kala nya di na sya makakahinga sa bawat suntok na tumatama sa mukha at dibdib nya. Kung di pa nya naiharang ang mga braso baka durog na ang mukha nya sa suntok palang. Parang di sya tatagal kung palaging ganitong klaseng pananakit ang matatamo nya sa kamay ng binatang mukhang Zombie. Kung alam nya lang na bawal hawakan ang phone nito edi sana di na nya pinakialaman. Ring kasi ng ring kaya napilitan syang sagutin sa pag aakalang emergency. Sa lakas ng sampal sa kanya ni Ethan biglang sumulak din ang galit nya kaya gumanti sya ng sampal rito pero di nya inaasahan na ganun pala talaga ito ka aggressive na magaling. Walang gender gender basta galit ito. No wonder kung bakit 10million ang handang ibayad sa kanya ng ama at lolo nito. Napangiwi si Zoe ng makita ang dahilan ng pagkalamog nya. “I know your awake. Bumangon ka dya wala akong pakialam kung masakit ang katawan mo. Kung ayaw mong umalis dito puwes mag tiis ka. Bumaba ka gusto ko ng tuna sandwich ikaw ang gumawa sayang lang ang ibabayad sayo kung ihihiga ka lang dito.” Pumikit naman ulit si Zoe kung di lang talaga masakit ang mukha at katawan nya. Sisigawan nya ito pero after nangyari kahapon. She learn her lesson never mess up with the beast. Totoo pala talaga ang sinasabi ng pamilya nito na gagawin syang punching bag. Napangibit pa sya ng bumaba ng kama. Kailangan na nyang mag ingat ngayon sa lalabas sa bibig nya at sa magiging kilos nya kung ayaw nyang mamatay sa bugbog. Ayaw pa talaga nya mamatay. Hindi nya puwede iwan ang papa nya sa ganitong sitwasyon. Mag iingat nalang sya sa susunod at magiging parang asong bahag ang buntot sa mga amo. Gagawin nya ito alang alang sa buhay nya at sa papa nya. Dahan dahan syang nag lakad palabas ng kuwarto nya hindi nya masyado maigalaw ang kaliwa nyang braso dahil halos mangitim na din iyon dahil sa suntok ni Ethan. Pakiramdam nya na lamog ng husto ang mukha nya. May doctor naman na tumingin sa kanya kahapon at niresetahan lang sya ng doctor buti nalang wala butong nabali sa kanya. Mga bruise lang talaga hanggang sa dibdib nya. “Bakit ka bumangon.” bulalas naman si Geoff ng makasalubong nya ito sa hagdan. Sumenyas nalang sya rito dahil di nya maibukas ang mga labi nyang namamaga. “Bumalik ka na sa kuwarto ako na ang——- “No! let her.” “Ethan. Di mo ba nakikita kung anong hitsura nya ngayon ha!” “Im blind papa so paano ko makikita. And to hell i care kung di nyo sya pakikilusin make her leave pero wala syang makukuhang kahit magkano .” anggil ni Ethan. Na alarma naman si Zoe hindi pupuwede yun. Nabugbog na sya nito ng bongga tas bigla palalayasin sya tas walang makukuhang kahit magkano aba hindi pupuwede yun. - - - - - - - - - - - - Napapangiwi si Zoe habang isa isang tinitingnan ang mga larawan ng mga babaeng dumaan sa kamay na bakal ni Ethan. Mga babaeng binayaran din tulad nya. Halos tulad din ng hitsura nya ngayon ang hitsura ng mga babae sa picture na halos mapuno na din ng pasa ang mukha at katawan. Kinukunan pala ng picture ng lolo at ama ni Ethan ang mga kalunos lunos na sinapit ng mga babae sa kamay ni Ethan. Upang daw in case na makakita na ito balak ipakita ni Señor Deo ang pagiging malupit nito sa mga babae. Hindi daw naman biolente si Ethan noon nito nalang daw na bulag at nasira ang mukha. Bukod daw sa bugbog dinadahas daw ni Ethan ana babae sa kama kahit papano daw suwerte pa sya dahil ayaw syang ikama ni Ethan di nya mararanasan ang kalupitan ni Ethan sa kama. “Masuerte pa ba sya talaga kung titingnan nya ang mga pasa at latay sa katawan ng mga babae sa picture parang sya ang pinaka malala. halos buong mukha nya kinain na ng pasa ang labi nya puro putok kung di nya siguro natakpan ng braso ang mukha nya baka mabali ang ilong nya matangos pa naman. Ni sa panaginip di nya na imagine na mararanasan nya iyon sa kamay ng isang lalaki. Ang larawan nya ang pinakahuli sa photo album. Napabuga sya ng hangin at wala sa loob na sinalat ang kamay larawan nya. Na aawa sya sa hitsura nya halos di makilala ang mukha nya dahil sa labis na pamamaga at pangingitin ang labi nyang maninipis nag mukhang langonisang itim sa pamamaga. Sa ilalim ng larawan nara sulat roon ang buong pangalan nya. Napabuga sya ng hangin saka isinara ang album at binalik sa matanda. Maayos na ang labi nya after halos ng 4 linggo. Itinago muna sya ng ama at lolo ni Ethan sa basement habang pinagagaling sya. Pinalabas ng lolo ng binata na isinugod sya sa hospital dahil hindi sya makahinga. Inutos nalang ng mga ito na wag na wag na ulit syang papasok ng silid ni Ethan o pakikialaman ang kahit anong gamit lalo’t higit ang cellphone nito. Sumangayon nalang sya. Hindi sya pinaalis ng dahil naniniwala ang mga ito na may kakayanan syang mahimok si Ethan na magbago ang desisyon. Pinapanood na din sa kanya ang mga video na kuha sa CCtv na naka kabit sa loob mismo ng kuwarto ng binata. Gabi gabi ay umiiyak ito habang nakatitig sa cellphone. Pinapanood din sa kanya ang isang Footage ng gabing kausapin nya ito bago sya na bugbog. Kita nila ang pag tawa nito at pag pipigil na buksan ang pinto. Ibig sabihin lang daw meron pang emosyon ang binata masyado lang sinusupress nito ang sarili dahil sa sitwasyon. Masyadong importante daw kay Ethan ang phone nito kaya walang sinong puwede humawak niyon. Napansin nga nya na may babaeng parang naka puting dress na sexy sa screen saver nito. Hindi lang nya masyadong nakita dahil nakatakip sa mukha ng babae yung Cellphone calendar kaya katawan lang ang kita. “Sa ngayon make him believe na ibang babae ka kung gusto mong makuha kabayaran kapalit ng gusto namin.” “Hindi po ba nya makikilala ang boses ko.” “Walang problema sa boses mo usually meron talagang mag kakaboses madaling lusutan iyon. ang attitude mo towards him ang kailangan mong baguhin. Wag kang sasagot o lalabanan sya. Be obidient and submissive kung magiging ganun ka madali mong makukuha ang loob ni Ethan. Make him smile again tulad ng ginawa mo before i know you can.” napatango naman si Zoe. “Your a very jolly person kaya magagawa mo yun masyado lang maiksi ang pasensya mo kaya kailangan mong pahabain iyon ay kung gusto mo pang tumuloy.” “itutuloy ko po.” “Sasagutin ko ang lahat ng medication mo Hija. Bukod pa sa ibibigay ko sayong 10 million.” nagulat si Zoe pero umiling iling nalang din. “Wag na po sapat na po yung 10million sobra sobra pa.” “Let’s talk again kapag nagawa mo na ang inuutos ko. Sa ngayon ikaw na muna si Hanna Sandoval.” anito saka may inabot na isang folder. “Si Hanna ay anak ni Yaya Pacing na yaya ni Ethan sapol ng bata pa sya hanggang sa nag binata. Namatay si Yaya Pacing sa atake sa puso ng makita nya ang nakita kay Ethan. Sobrang mahal kasi nya ang batang iyon. Hindi alam ni Ethan na patay na ang yaya nya di namin sinabi. Ang alam lang nya umuwi ng probinsya dahil sa nanganak na ang anak nya. Alam ni Ethan na may anak ang yaya nya na Hanna ang pangalan at minsan na nyang nakilala. Matanda lang sayo si Hanna ng 2 taon madaldal at jolly person din si Hanna.” Nakita ni Zoe ang larawan ni Hanna sa files. Hindi ito kagandahan maitim at maliit na babae. Malayong malayo sa hitsura nyang mestiza at matangkad. “In case na tanungin ka nya kung bakit ka narito. Sabihin mo ay patay na si Nanay pasing at inutusan kang lumuwas ng manila para mamasukan dito sa kanya. Im sure hindi makakatanggi si Ethan kahit woman hater pa sya.” Napatango si Zoe. “Gagawin kitang personal maid ni Ethan kung okay lang sayo. Basta sundin mo lang ang utos ko hindi ka na nya ulit sasaktan.” tumango nalang ulit si Zoe. ********* “Who?” “Si Hanna anak na bunso ni Yaya pasing.” ani Geoff sa anak habang nasa silid sila. Nag bibihis naman si Ethan na katatapos maligo. “I don’t need a personal maid.” “Then should i say to leave. Ipapaalala ko lang sayo anak sya ng yaya pasing mo.” napabuga ng hangin si Ethan ng maalala ang yaya nya. “Asan ba si Yaya?” “She died last month kaya may pinadala syang sulat sa anak nya na kung puwede ay tanggapin natin dito sa bahay ang anak nya.” “Just give her money and find ——- f*ck let her in just orient her what i don’t like.” napangiti si Geoff. “Okay i’ll make sure na di ka mag kaka problema sa batang iyon. Mukha naman maayos kausap at mabit.” “I don’t care.” matabang na sagot ni Ethan kung di lang sya nag aalala na dalawin sya ng yaya pasing nya di nya tatanggapin ang anak nito. Napabuga sya ng hangin ng bigla nyang na alala ang Yaya nya. Bigla syang nakaramdam ng lungkot di man lang nya ito nadalaw kahit minsan o napasalamatan. Namatay nalang ito ng di sila nag kita. Mas naging nanay pa ito sa kanya kesa sa sarili nyang mommy. Kung puwede lang sana syang lumabas gusto nyang puntahan ang puntod ng yaya nya kaso simula ng masira ang mukha nya never na syang lumabas ng mansion dahil alam nyang pandidirihan at katatakutan sya ng makakikita sa kanya. Tama yung babae huling dinala sa kanya ng lolo nya. Mukha syang mummy or zombie, Napabuga sya ng hangin ano na kayang nangyari sa babaeng yun. Buhay pa naman siguro sabi ng papa nya pinagamot na ito ng lolo nya at sinagot lahat ng gastos sa hospital at binayaran na rin. May pagkakataon na naalala nya ito na nag sasalita sa labas ng kuwarto nya. Hindi iilang beses na inintay nya ito na mag dadaldal ulit sa labas ng kuwarto nya pero never na nya itong narinig hanggang sa malaman na nga nya na pinaalis na ito ng lolo nya para ipagamot dahil sa severe case ng mga bruise na tinamo daw ng babae sa kanya. Aminado naman sya sa lahat ng babaeng dinala sa kanya ng lolo nya ang huling babae talaga ang napag buhatan talaga nya ng sobra ng kamay. Ito lang kasi ang may lakas ng loob na pakialaman ang cellphone nya kahit ilang araw palang ito sa pamamahay nila. Kaya dapat lang rito ang nangyari at di sya nag sisi. Hindi naman nya ito sasaktan kung di nito pinakialaman ang phone nya. Lalo pat ka boses pa nito si Cassidy kaya talagang bumuhos lahat ng galit nya rito idagdag pa ang lakas ng loob nitong sampalin sya. ****** Napasimangot si Zoe ng makita si Ethan na papasok ng kusina. Ito nanaman sila nag luluto sya ng pancit canton at nilagang itlog same situation ng unang encountered nila pinagkaiba lang ngyn nag luluto palang sya at alas 4 palang ng hapon at merienda nya iyon. “What’s that smell? Who’s in there?” paangil na tanong ni Ethan ng naka hawak na sa pinto ng ref.” Walang katulong sa bahay nila Ethan. May napunta tuwing miyerkules pero para mag linis lang at mamalengke. Si Munsor naman ang cook tauhan ni Señor Deo na sya din nag iintindi minsan kay Ethan. Ang ina daw kasi ni Ethan ay nasa ibang bansa kasama ng bunsong kapatid ni Ethan na babae din. Iniiwas daw ni Janella si Evana sa kapatid nito sa takot na baka saktan din ni Ethan pero according sa lolo ni Ethan close daw si Ethan sa bunsong kapatid sadyang takot lang daw si Janella sa panganay na anak dahil ito ang sinisisi ni Ethan sa nangyari rito. “i said who’s in there!” sigaw pa ni Ethan na ikinapitlag ni Zoe. “Si Hanna po señorito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD