Episode 1 - Clubbing

3737 Words
Maingay at nag sisigawan ang mga customer ng restobar habang sinasabayan ang maingay na music na nililikha ni Zoe. Sikat syang disc jockey bukod sa husay nya sa mga remix song na ginagawa nya. nabiyayaan kasi syang ng magandang mukha at sexy katawan. Her life was better when she was only 16 pero nag bago ang lahat ng makulong ang daddy nya sa kasong embezzlement sa kumpanya pinag tatrabahunan nito noon. Nag iisa lang syang anak hiwalay na nag parents nya bata palang sya. Meron ng sariling pamilya ang mommy nya at meron syang 2 pang kapatid pero never pa nyang na meet ang mga ito dahil sa america na nakatira dahil Us Citizens ang napangasawa ng mommy nya. Habang ang daddy naman nya ay di na nag asawa pa kasama nila sa bahay ang kapatid na panganay ng daddy nya at buong pamilya nito. Noong una okay naman kasama ang mga ito. Ngunit ng makulong ang papa nya at wala ng mahinging pera ang buong pamilya ng tita nya. Nag simulang itong awayin sya kapag di nakakahingi ng pera. Noong una hindi pa nya ito pinapansin pero sa huli na sagad na sya dahil ninakaw na nito ang mga alahas nya na mga binili pa ng daddy nya sa kanya pero ibenenta lang nito para lang sa sariling luho. Nakiusap sa kanya ang daddy nya na hayaan nalang ang tita nya sadyang ganun lang daw iyon. Pinag aral sya ng company ng daddy nya sa kabila ng kaso ng ama. Mababait parin ang amo nito sa kabila ng ginawa ng ama. Hindi sya ganun katalino mababa ang credentials nya kaya nahihirapan syang mag hanap ng regular na trabaho na may magandang kita. Malaki naman ang sweldo nya sa restobar plus commissions pa mas mataas pa actually kesa sa mga nag ooffice girl ang kinikita nya sa pag Didisk jockey kaso lang syempre mas maganda pa rin na maging office girl sya. Sinukuan nalang nya ang pangarap na maging office girl dahil na rin sa pasaway nyang tita na nagawang isanla ang titolo ng bahay at lupa nila sa isang tao. Nag padala na notice ang taong pinag sanlaan ng tita nya. Hindi pa nya kayang tubusin pero kaya naman na nyang bayaran muna ang tubo para mag karoon ng extension di nya alam kung kanino lalapit. Ilang beses nyang ginustong tawagan ang ina pero mahigpit na bilin ng ama na wag na wag nya iyon gagawin. Mas mabuti pa daw na i give up nalang nya ang bahay kesa humingi ng tulong sa mommy nya. Walang alam ang mommy nya na nakulong ang ama. Nahihiya kasi ang papa nya sa kinahinatnat ng buhay nilang mag ama ng iwan sila ng ina. Idagdag pa na may kapatid itong pasaway. Mas okay na daw na mawala na ang bahay para hindi na daw nya pasanin ang mga tita nya at mabuhay nalang syang mag isa dahil kaya naman na daw nya. 25 years ang sintensya ng ama sa kulungan 6 years palang itong naka kulong matagal pa ang bubunuin bago pa ito makalabas. Hindi nya kayang pakawalan ang bahay dahil marami din naman silang happy memories doon kaya pipilitin nyang matubos sa abot ng makakaya nya. Papasok na sana sya ng resto galing sya sa smoking area dahil hinanap nya si Sir Ziggy na may ari ng restobar ng isang lalaki ang pumalo sa puwet nya. “Lambot.” wika pa ng lalaking guwapo na halatang lasing na nakangisi ito na kinuha pa ang kamay nya na pinilit nya sanang hablutin pero mahigpit ang hawak nito sa kamay nya. Mula sa bulsa nilabas nito ang isang pulang maliit na kahita. “Tadannnnnn!” wika pa ng lalaki na binuksan ang maliit na box medyo nagulat pa sya ng makita ang isang napakagandang singsing at ang laki ng bato sa gitna na mukhang totoong diamond. “Dahil ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko ngayon araw na ito. Sayo na muna to pero di ito sayo ha!” anito na sunod sunod ang iling. “Para lang ito sa babaeng mamahalin ko habang buhay kaso di pa sya dumadating. Kaya sayo muna to kukunin ko to sayo kapag nakilala ko mapapangasawa ko. Intindi mo.” muli syang pinalo sa puwet ng lalaking lasing napapikit naman sya. Sanay na sya sa mga ganun uri ng lalaking bastos. “Hoy! Tong sing sing mo. ibebenta ko to?” sigaw na habol pa nya ng makita pasuray suray na itong nag lakad. Isang lalaki ang umalalay rito na makarating hanggang parking lot. Hahabol sana sya sa mga ito pero tinawag na sya ng boss nya na kanina pa nya hinahanap. - - - - - - - - - - - “Hoy! Ikaw jolibee…” sigaw ng isang guwapong lalaki na naka upo hood ng kotse. Nagpalinga linga muna si zoe sya ba ang tinatawag nito. Kababa lang nya ng taxi. “Where is my ring?” anito habang papalapit. Natuptop ni zoe ang bibig. Sya nga ang tinatawag nitong jolibee at ito yung lalaking lasing noong nakaraang linggo. Nag simula syang humakbang para iwasan ito. “Hey!” Sigaw pa nito na mabilis syang hinabol. Napasinghap pa sya ng humarang na ito sa daraanan nya. Napalunok sya ang bilis ng t***k ng puso nya sobrang kaba ng mapatingin rito. Ang guwapo nito lalo sa malapitan kung hindi sya naka pantalon baka nalaglag na ang panty nya. “What? Stop starring me or else i will kiss you here.” literal na itinikom nya ang ibaba at itaas na labi sabay kagat paloob. “Don’t make me laugh where is my ring give it back to me. I already saw the woman i wanted to spend my life with.” “Bakit mo sa akin hinahanap ang singsing mo? do i know you?” kabadong wika ni zoe. Tumawa naman ng nakakaloko ang guwapong lalaki. “I maybe drunk that night pero wala akong amnesia Jolibee.” “Jolibee?”takang tanong pa ni Zoe “Jolibee ganda kasi ng puwet mo.” ngisi ng lalaki. Gustong mapikon ni Zoe sa sinabi nito pero natatakot syang makipag away dito. Nawawala ang singsing na binigay nito. Malakas ang kutob nya ninakaw iyon ng tiyahin nya or ng pinsan nyang si Jeff. Wala syang mapaamin sa dalawa nagkandaiyak na sya sa mga ito kasi nga na isip na nya isang araw na babalik talaga ang lalaking ito para kunin iyon kaya heto na yung araw na kinatatakutan nya. “Hindi ko alam kung anong singsing ang sinasabi mo maling babae ang nilapitan mo.” Muling tumawa ang lalaki na tuluyan ng ikinalabas ng dalawa nitong malalim na dimple sa pisngi. Pakiramdam ni Zoe nag bukas ang langit at nag liwanag ito sa paningin nya. Ang guwapo kasi talaga nito tapos ang ganta pa ng ngipin. “Gusto mo i check natin sa CCtv ng magkaalaman ng totoo. Ziggy is my cousin i can easily access the security camera———- “Ano.. ano kasi nawawala?” ngibit ni zoe sabay yuko na nakagat ang hinlalaki. “Nawawala o talagang ibenenta mo?” “Hindi promise.” sunod sunod na iling ni zoe. “sumama ka sa akin sa police station.” nanlaki ang mata ni Zoe na napahawak sa braso nito. Napatingin naman ang lalaki sa pag kakahawak nya sa braso nito. “Sir! Give me 1 week hahanapin ko promise ibabalik ko sayo sa kahit anong paraan.” “Why would i need to trust you ngayon palang you failed.” napakamot ng noo si Zoe. Gusto sana nyang sabihin dito na bakit kasi sa kanya ibinigay ang singsing tas ngayon na wala balak syang ipapulis. “Ang totoo kasi nyan someone stole it from me at di ko alam kung sino pinipilit ko pa silang paaminin.” humalukipkip naman ang lalaki na humarap sa kanya kaya napabitaw sya ng hawak rito saka napayuko. “Fine 1 week kapag di mo isinauli ang singsing ko. Ikaw ang pakakasalan ko.” Napaawang naman ang bibig ni Zoe mag poprotesta pa lang sana sya tumalikod na ito. Agad naman syang humabol sa lalaki. “Teka lang sir! Sir!” “What?” tanong nito na nag bubukas na ng pinto ng kotse. “Nag jojoke lang ka lang diba?” ngiwi ni Zoe. “Mukha ba akong nakikipag biruan?” “E kasi sabi nyo nakita nyo na yung babaeng pakakasalan nyo.” “Yes kaso paano ko sya pakakasalan kung wala yung singsing na isusuot ko sa kanya.” “Bili nalang kayo ng bago sir habang hinahanap ko yung singsing nyo. Then ako na po personal na hihingi ng sorry sa ———— “That ring cost 59 million pesos do you actually think na makikipag likohan talaga ako sayo.” Napaawang muli ang labi no Zoe habang sunod sunod na napapamura sa isip nya. Halata naman mahal ang singsing pero di nya ini expect na ganun ka mahal. “1 week bring back my ring or ikaw ang gagawin kong asawa ko at mag bibigay sa akin ng 10 anak.” turan nito sabay pasok sa kotse. Ano daw 10 anak? Ano ako baboy??? sunod sunod ang katok nya sa bintana ng kotse nito ng makapasok ito roon. Ibinaba naman nito ang bintana. “sir ang totoo kasi nyang may taning na ang buhay ko.” “Oh really.” natuptop ng lalaki ang bibig na parang nagulat pero sandali lang saka ngumisi. “Lumang na style mo Jolibee. Try another one baka makumbinsi mo pa ako.” mula sa compartment may kinuha ito isang maliit na card at inabot sa kanya, “Call me kapag ibabalik mo na ang sing sing ko the soonest the better. Just 1 week bee kapag di mo nabalik prepare yourself to be my dearest lovely wife.” “May asawa na ako at 4 na anak ko.” bulalas ni Zoe. Natawa naman ang lalaki saka napailing obviously di ito na niniwala ng buhayin ang makina ng kotse. “Ang sabi mo isasauli mo ang sing sing ko sa kahit anong paraan. So be it 1 week bee i’ll wait for your calls.” anito saka kumindat pa bago tuluyan umalis. Napapadyak pa si Zoe na napatingin sa calling card na binigay nito. Jasper Ethan San Miguel Sunod sunod na napamura si Zoe sa isip. Apelido palang parang sasakit na ang ulo nya. San Miguel din ang apelido ng may ari ng company na nag pakulong sa papa nya. Punong puno ang restobar ngayon dahil araw ng linggo. Usually Friday, Saturday at Sunday na pupuno ang restobar. It’s been 9’days since ng araw na nakausap nya yung lalaking may ari ng sing sing na ngayon ay kasama ng sir Ziggy nila sa isang table kasama pa ang ilang mga nag guguwapuhan din nilalang na may kanya kanyang partner na babae maliban sa amo at sa lalaking mag ari ng sing sing na di na nya malala ang pangalan maliban sa apelido nitong San Miguel. Hindi kasi talaga sya matinandain sa pangalan ng tao. Natunton naman na nya kung sino kumuha ng sing sing. Ang kuya Jeff nya na binigay naman sa tita Yolly nya na isinanla naman sa isang pawnshop. Pinuntahan nya ang pawnshop ngunit na benta na daw ang singsing. Katakot takot na pakiusap ang ginawa nya para alamin kung kanino ibenenta ang sing sing kaso confidential daw at di puwedeng sabihin. Ilang araw syang nakiusap at nag pabalik balik pero ayaw talagang sabihin sa kanya. Ngayon ito na yung araw na kinatatakutan nya dumating na ulit ang pag haharap nila. Di nya alam kung anong sasabihin rito. paano kung ipakulong sya parehas na sila ng papa nyang makukulong. Hindi puwede kung tutuusin okay lang naman sana na kagatin nalang nya ang offer nitong kasal kahit alam nyang kabaliwan iyon. Sino naman tangang babae ang bigla nalang papayag na makasal sa isang lalaki na di mo naman kilala. Oo nandun na yung katotohanan na talaga naman saksakan ito ng guwapo at obviously mayaman dahil wala naman customer ang restobar na iyon ni boss Ziggy na di mayaman. Kaso sa panahon ngayon karamihan sa mayaman at guwapo mga kampon ng demonyo. Paano kung pumayag syang mag pakasal rito tas malalaman nya isa pala itong serial killer, Rapist or sadist. Ano ng mangyayari sa buhay nya hindi pa sya nag kaka boyfriend marami syang manliligaw pero wala syang sinasagot dahil ang gusto nya yung 1st boyfriend nya yun na din ang last at magiging asawa nya. Kaso dahil sa tita nya mukhang panibago nanaman sakit ng ulo. Di pa nga sya tapos sa problema sa bahay nila ito nanaman ano pang pupuwede nyang gawin dahil sa lalaking ito. Napangiti si Ethan na habang pinag mamasdan si Zoe na halatang iwas na iwas na makasalubong ng tingin nya. Obviously kabado na ito sa muli nilang paghaharap. Na aaliw sya tingnan ito halatang napipilitan lang itong ngumiti pero halatang di na ito mapakali. 1 month ago when he first saw zoe, he’s a certified playboy kaliwat kanan ang mga girlfriends nya. Wala na kasi ginawa ang lolo nya kundi hainan sya ng mga babae at sya naman masunuring apo kaya sino ba tatanggi sa grasya. Nag iisa syang apong lalaki at sa kanya na matatPos ang angkan ng mga San Miguel. Kaya ayaw pumayag ng lolo nya. Kaya kung sino sino babae nalang ang dinadala nito sa kanya para daw anakan nya. Wala daw itong pakialam kung puro panganay ang anak nya basta ang importante puro lalaki at gusto nito sampu. Wala naman syang balak buntisin ang mga babaeng inihahain sa kanya ng lolo nya. Gusto pa rin nya kung mag kakaanak man sya ng 10 sa iisang babae lang pero sino naman matinong babae ang papayag na 10 anak sa panahon ngayon. Lalapitan sana nya si Zoe pero hindi pumayag si Ziggy. Ang pinsan / Bestfriend nya na may ari ng restobar kung saan nag tatrabaho si Zoe bilang isang disk jockey. Ayaw pumayag ni Ziggy na ligawan nya si Zoe at ibilang sa mga babae daw nya. Kung di daw sya seryoso wag na daw nyang subukan. Akala nya noon una may gusto din ito kay Zoe but he found out na 5 years na pala nitong empleyado si Zoe part time lang ito noon una dahil nag aaral ito sa kolehiyo. May usapan sila ni Ziggy kung makakaya daw nyang hindi mag girlfriends sa loob ng 1 month papayagan sya nitong lumapit kay Zoe. No boyfriend since birth daw si Zoe kaya kung gusto talaga nya si Zoe pakasalan daw nya kung di daw naman wag na daw nyang tangkain. Then one night he was drunk pero not totally drunk. Medyo nahihilo lang sya pero maayos pang tumatakbo ang isip nya ng makita si Zoe sa malapitan at ewan ba nya kung anong pumasok sa kokote nya ng paluin nya ito sa puwet. Inaasahan na nyang masasampal pero halatang nag titimpi lang ang dalaga. Mas maganda ito sa malapit pakiramdam nya mas lalo lang syang nabighani rito. Walang pag dadalawang isip na inabot nya rito ang dalang sing sing. Hindi sya torpe pero ng mga oras na yun di nya alam ang sasabihin. Basta nalang inabot nya rito ang sing sing na pinagawa pa talaga nya para nga dito. Desidido na syang ito ang maging ina ng 10 nyang mga tagapag mana at babaeng pakakasalan pero syempre pina background check muna nya ito para sure. Hindi rin nya gusto mag ka problema sa parents nya. Sa lolo nya okay lang kahit sinong babae basta daw maganda at sexy na puwedeng mag bigay ng magandang lahi. Ngunit nagalit talaga sya ng malaman na ibenenta nito ang sing sing. Tapos na ang 1 month na usapan nila ni Ziggy and his about to see Zoe pero nakatanggap sya ng tawag sa isang diamond dealer who happen to be na inorderan nya ng sing sing na binigay nya kay Zoe. Nakuha nito ang singsing na binigay nya kay Zoe dahil may nag sanglang benta daw sa isang pawnshop. Di nya akalain na mukha pala itong pera kaya naman agad syang pumunta ng pawnshop para i confirmed kung si Zoe nga ang nag benta. he learned na tiyahin pala nito ang nag sanla ng sing sing na marahil ay kinuha sa dalaga kaya naman bago nya pa nya ito hinarang sa parking lot ng restobar nasa kanya na ulit ang singsing nya. Na muli nyang binili sa halaga kung magkano benenta ng tiyahin nito. Then he learned na anak pala ito ng dati nilang tauhan na si Zandro Canlas. Ang Accounting Manager ng San Miguel World bank na syang dahilan ng pag sasarado ng branch nila sa Makati. Hindi man ito ang derektang nag plano at nag nakaw. Ngunit ito ang may malaking bahagi para maisakatuparan ang masamang balak ng managing director ng company na hanggang ngayon ay missing pa rin. 25 years ang hatol sa ama ni Zoe sa pagkakakulong mabait pa rin naman ang lolo nya dahil sa kabila ng kasalanan ng ama nito. Pinili pa rin ng lolo nya na pag aralin ang mag iisang anak nito sa koleheyo. Hindi nga lang sa isang exclusive school hindi academic excellent si Zoe pero di rin naman ito mahina. Alam nyang mag kakaroon ng conflict dito at sa pamilya nya pero ready syang ipaglaban ang dalaga if ever na tanggapin nito ang alok nyang kasal. Ngunit obviously wala itong balak kaya kailangan na nya ito makuha sa ayaw at sa gusto nito bago pa makahanap nanaman ang lolo nya ng babae irereto sa kanya. After ng duty ni Zoe agad na syang tumalilis ng alis pero di nya magawang dumaan sa main entrance o sa exit. Mahirap na baka aksidente nyang makasalubong ang lalaking may ari ng singsing. Hindi pa nya alam kung ano idadahilan rito kailangan pa nyang dasalan at pakiusapan pa ang may ari ng pawnshop at balak na nya itong takutin sa susunod na punta na na nakaw lang ang singsing at puwede itong makasuhan dahil bumibili ng nakaw. Kaya kailangan muna nyang maiwasan ang lalaking mag ari ng singsing. Inintay muna nyang makalabas ang dalawang babaeng nasa loob ng ladies room bago inalock iyon para makalabas sya sa bintana. Medyo mataas ang tatalunan nya mula sa labas pero mahaba naman ang biyas nya kaya di na sya mahihirapan if ever kapag nailawit na nya ang sarili mula sa labas. Napangisi si Ethan ng makita na bumukas ang binta sa likuran bahagi ng Restobar. Tama nga ang hinala nya na gagawa ng paraan si Zoe na makaiwas sa kanya. Nakita nya itong pumasok sa banyo ng ma confirmed na nilock nito ang pinto agad syang lumabas. Hindi sya nag kamali ng hinala mula pa kasi kanina panay na ang iwas at tago nito para itong kabuti na bigla nalang nawawala. Humalukipkip nalang sya ng makitang inihagis ni Zoe ang bag nito palabas saka pinag kasya ang katawan sa bintana na maliit. Na aaliw syang panoorin itong manguyapit palabas. “Kailangan mo ba ng tulong.” “Ay kabayong nag hindut*n.” malakas na bulalas ni Zoe na sapo ang dibdib ng eksaktong makababa ito mula sa bintana. “Oi! Sir ikaw pala.” nakangiting wika pa ni Zoe pero more on ngiwi iyon sa tingin ni Ethan. “Kelan pa naging exit pass ang bintana.” pang aasar pa nya rito sabay tingin sa bintanang nilabasan nito. “Ahhhh ano kasi sir meron kasing makulit na suitor dun sa loob na iniiwasan ko.” “Ako ba yung tinutukoy mo?” tumawa si Zoe na parang pilit na pilit na halatang halata na ilang na ilang ito sa kanya. “Naku sir hindi naman kayo nanliligaw sa akin saka sa guwapo nyong yan malabong mapansin nyo ako.” “Pakakasalan nga kita malabo pa ba ang lagay na yun.” ngisi pa ni Ethan. Ngibit na ngibit si Zoe na umiwas ng tingin. Bakit kung maka react ito parang wala ata syang kadating dating rito. Ang dami dami babae na gusto syang pikutin pero ito naman iwas na iwas sa kanya na parang hindi sya pasado sa standard nito. choosy! pero Yummy.. bulong ni Ethan sa sarili. “Ahh sir regarding po pala dun sa sing sing puwede bang humingi pa ng another 1 week extension medyo nagkaproblema kasi.” “Baka naman tumandan na akong binata kakahingi mo ng 1 week extension.” “Naku sir napaka imposible nun sa ganda nyo lalaki. Katawan palang ulam na maraming babae na pipila para pakasalan kayo.” “Are you one of the women that you mentioned.” kumamot ito ng kilay. “Ah sir hindi pa kasi ako marrying type bata pa po ako marami pa akong pangarap sa buhay ko.” “Oh! Akala ko ba may asawa ka na at 4 na anak tapos di ka pa marrying type sa lagay na yan. Natawa si Ethan ng ngiwing ngiwi si Zoe. Di nito marahil ini expect na maalala pa nya ang sinabi nito sa parking lot. “Ang ibig ko sabihin sir may ka live in partner na ako tas 4 na anak namin.” natawa si Ethan sabay iling talagang nakagawa pa rin ito ng alibi mailusot lang talaga. “Gusto kong makilala ang ka live in partner mo saka yung 4 na anak mo. Diskumpiyado ako sayo sa liit ng katawan mo na yan nakapag labas ka na agad ng 4.” turo pa nya rito mula paa hanggang ulo. Napakamot ito ng ulo saka bumuga ng hangin. “Ang totoo nyan sir aamin na po ako.” nagyuko ito ng ulo. “Ibenenta po ng tita ko yung singsing. Akala po kasi nya sa akin pero pangako po gagawan ko ng paraan na mabawi at masauli sa inyo.” “Hanggang kelan? Baka senior citizen na tayo bago mo pa masauli sa akin.” “1 week sir.” “Gasgas na sa akin yang 1 week mo. Try other alibi.” “Totoo na po yung 1 week sir.” “No! i can’t wait… mamili ka nalang it’s either ipakukulong kila or tayong dalawa ang mag papakasal.” Nataranta ito bigla sa pag iisip. “Kelan tayo papakasal sir.” napangisi si Ethan sa sagot ni Zoe. “Ikaw kelan ka ba puwedeng basta hindi puwedeng 1 week.” “Sa miyerkules sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD