Episode 3- Kidnap

2609 Words
Napalikwas ng bangon si Zoe ng makarinig ng kalabog sa pintuan at sigawan. Mabilis syang nakababa ng kama at bahagya pa syang napaluhod dahil umikot ang paningin nya. Pinilit nyang maging maayos ang paningin inaatake nanaman sya ng vertigo mabilis syang tumayo at nangapa nalang at mag lakad nga paluhod hindi sya puwedeng tumayo dahil matutumba lang sya. Inabot nya ang bag nya saka kinuha ang gamot nya at mabilis na ininom buti nalang meron din mineral bottle sa loob ng bag nya. Nag intay sya ng ilang minuto kinapa muna nya ang arnis nya sa ilalim ng kama nya at hinawakan iyon ng mahigpit na nag dilat ng mata at napatingin sa pinto ng kuwarto nyang lumalagabag dahil meron pumupuwersang mabuksan iyon. Napatingin sya sa suot na rilo 3pm palang ng hapon. 4 na oras palang syang nakakatulog. After ng duty nya sa restobar dumeretso pa sya sa kulungan para dalawin ang ama at mag paalam rito na 6 months syang di makakadalaw daw sasama sya sa sir ziggy nya sa Mindoro para sa bagong bubuksan nitong restobar doon. Pansamantalang sya muna ang magiging main Dj roon habang mag sesettle pa at wala pang nakukuhang Dj. Ayaw sana nya pero pumayag na rin sya dahil sa laki ng utang na loob nya rito. She got accident years ago at sinagot nito ang lahat ng medication ang hospital bills nya. Nag undergo sya ng brain surgery after ng accident. succesful naman ang operation at mabilis syang nakarecover dahil bata pa daw sya at malakas yun nga lang marami parte ng buhay nya ang nakalimutan nya pero di naman lahat partial amnesia ang tawag babalik din daw naman iyon. Okay naman sya ng lumipas ang mga buwan akala nya totally recover na sya pero bigla nakakaramdam sya ng hilo at ayon nga sa doctor vertigo due to head trauma pero last week lang nalaman nya sa doctor nya na kailangan daw ulit nyang mag undergo ng brain operation dahil nakita sa MRI na meron na mumuong dugo sa isang bahagi ng utak nya na posibleng ikalagay nya sa panganib hindi daw kasi maganda yung puwesto. Tinanong nya kung magkano ang magagastos at talagang na shock sya sa halaga. Hindi man sya sinisingil ni Sir Ziggy sa nagastos nito sa kanya sa unang operation nya. Pinipilit nyang makaipon para makabayad rito. Medyo nagulat pa nga sya ng malaman na wala na syang utang sa mga inutangan ng pamilya ng tita nya. Tinanong nya si Sir Ziggy kung ang mga ito ba ang nag bayad pero hindi daw naman kaya nag tataka sya kung sino posibleng mag bayad ng mga utang nya. Tinanong na rin nya ang chances ng buhay nya kapag nag pa opera sya pero tinapat sya ng doctor mag pa opera man sya o hindi possibleng ikamatay nya pero malaki daw naman ang chances na mabubuhay sya kapag naging successful ang operation kung hahayaan daw naman nya ang sitwasyon nya 3-5 years lang ang possibleng itagal nya sa mundo pero sa loob ng panahong iyon. Tiyak daw na pahihirapan sya ng blood clot sa loob ng utak nya. Makakaranas daw sya ng matinding migraine, Nose bleed, Severe vertigo and worst faint na puwedeng mauwi sa coma kung di ma aagapan. Ayaw nyang mamatay kaya kailangan nyang makaipon ng malaking halaga para mabuhay. Habang nag iipon pa sya ng pera binigyan muna sya ng doctor ng proper medication para makatulong sa kanya. Tumayo na sya ng mawala ang nararamdaman nyang hilo. Ilang sandali pa bumalandra na ng bukas ang pinto ng kuwarto nya. At 4 na lalaki agad ang pumasok habang meron din 6 na lalaki naman ang may hawak sa tita, Tito at kuya Jeff nya. “Ano nanaman ginawa nyo tita.” inis na sigaw ni Zoe na nagpalipat lipat ng tingin sa mga lalaki. “Pasensya na Zoe. Di ko sinasadya ang gusto ko lang naman sana ay mag invest at yumaman ulit tayo pero di ko naman akalain na ma sscam kami ng tito mo. Isinanla namin sa banko itong titolo ng bahay at lupa. May nakabili na pala nito sa banko at sila ang mga tauhan ng ———— “Tita naman.” halos maputol ang litid sa leeg ni Zoe sa ginawa nyang pag sigaw. Kailangang kailangan nya ng pero pero di man lang nya naisip na ibenta o isanla ang bahay nila. Ni hindi nya magawang humingi ng tulong sa mommy nya tapos ang tita nya ganito nalang nito pakakawalan ang bahay nila. Nakakapag pamura lang talaga ng sobra. “Wag kang mag alala hija hindi nila kukunin tong bahay natin kung sasama ka ng maayos sa kanila.” “Putang *** mo!” di na napigilan ni Zoe ang gigil na napamura. “Hoy! Wag mong murahin ang tita mo. Hindi naman namin alam na maloloko kami. Ang gusto lang namin ay matulungan ka sana pero palpak. Kaya wag kang makatingin dyan na akala mo e kung sino ka.” “Sana kayo nalang mamatay.” “Aba’y sumosobra ka ——- “Tumahimik kayo. At ikaw wala ka na din magagwa kundi sumama ka sa amin dahil kulang pa itong bahay at lupa nyong kabayaran sa boss namin na pinag kakautangan din ng mga kapamilya mo.” Wika ng isang lalaki na senenyasan ang 3 lalaki na kunin sya pero hindi sya pumayag. Gamit ang arnis ay lumaban sya. Kahit papano ay marami syang alam na self defence para protektahan ang sarili dahil nasa high school palang sya noon ng i enroll sya ng ama sa isang taekwondo lesson dahil madalas nga mag isa lang sya dahil busy ito sa trabaho kailangan daw nyang matutong protektahan ang sarili. Nagawa nyang pataubin ang 3 gamit ang arnis nya pero ng 6 na ang sumugod sa kanya nasaktan man nya ang mga ito hindi nya kinaya. Isang panyo ang itinakip sa ilong nya after nun nagdilim na ang paningin nya. - - - - - - - — - - - - Nagkakandaiyak na si Zoe sa paghingi at pakikiusap na bigyan sya ng gamot. Sobrang sakit ng ulo nya parang binibiyak. Ito ang unang pag kakataon na maramdaman nya ang ganun sakit dati rati naman ay mga chronic pain lang ngayon rate from 1-10. masasabi nyang 8 iyon. “Ito na oh. Ito lang meron dito ano bang nangyari sayo.” natatarantang wika ng lalaki na isinubo sa kanya ang isang tableta na agad nyang ininom. wala na syang pakialam kung anong klaseng gamot ang pinainom sa kanya basta kailangan nyang ng pain killers. Matagal bago nawala ang sakit kaya patuloy lang sya sa pag iyak at pagdaing. Idagdag pa na nakagapos ang paa at kamay nya kaya mas lalo syang na sstress at dumadagdag pa sa sakit ng ulo nya. Hanggang nagkakandatutulog na sya sa kakaiyak. “Señor mukhang kailangan natin tumawag ng doctor. Mukhang hindi lang sya nag iinarte gaya ng inaakala natin kanina. Something really strange happening to her.” “Didn’t you ask her?” “She’s in pain sir. Di po namin sya makausap ng maayos. Iyak lang sya ng iyak na maayos na sya sa kakaiyak nya.” napabuga naman ng hangin si Amadeo. “Maybe because according to her medical record nag undergo sya ng brain operation same day Ethan got incident but the medical record said na successful ang operation and she’s healthy.” “Pero mukhang hindi sya nag dadrama lang para tumakas señor.” “Just observed her for a while kapag di talaga nabago ang kalagayan nya then saka ako tatawag ng doctor.” sagot ng doctor na sinang ayunan naman ni Sergio saka lumabas na ng opisina ng matandang amo. Mula sa drawer inilabas ni Amadeo ang mga litrato ng mga babaeng dumaan sa buhay ng apo. Natitiyak nya isa sa mga babaeng iyon ang babaeng gabi gabing iniiyakan ni Ethan. Lingin sa kaalaman ni Ethan meron silang ikinabit na CCTV camera sa kuwarto nito sapol ng hindi na ito nalambas ng silid. Halos doon nalang umiikot ang buhay nito sa 4 na sulok ng silid at gabi gabi meron itong sinasambit na pangalan na di nila maintindihan. Kaya lang nila nalaman na babae dahil sa singsing na lagi nitong hawak at isang kuwintas. Awang awa na sya sa kanyang apo ang laki na ng pinag bago nito simula ng nangyari iyon. Hindi nya magawang pilitin na mag pa surgery ito upang bumalik ito sa dati isa nalang ang naisip nyang paraan para mapilit ang apo. Kailangan nyang mahanap ang babaeng iniiyakan nito baka sakaling makatulong para mabago ang isip ng apo at mawala na rin ang galit nito sa babae. Ngunit ayon sa anak nyang si Geoff si Zoe Canlas na ang huling babaeng na link sa anak nito at walang relasyon ang dalawa pero ito ang huling babaeng itinuturo ng driver con bodyguard na pinupuntahan sa restobar ng apo. Pinaimbestigahan nya ang dalaga at nagulat sya ng malaman na anak ito ni Zandro Canlas. Ang taong ipinakulong nila kaya nakakapagtaka na nilapitan ito ng apo nya. Wala sana silang balak ipakulong si Zandro dahil ang gusto lang nila ituro nito kung sino ang kasabwat nito pero ayaw nitong mag salita at dahil si Ethan ang may hawak ng makati branch na nag sarado hindi ito pumayag na walang mag babayad ng krimen. Ito ang nag push na makulong si Zandro Canlas kaya nakakapagtaka na nilapitan nito ang anak ni Zandro. Sa mga picture na hawak nya nakangiti ang apo habang nakasimangot naman si Zoe halatang pinaglalaruan ng apo nya ang dalaga sa larawan. Hindi naman babaero ang apo nya pero di rin naman ito natanggi sa mga babaeng ibinibigay niya rito sa kagustuhan nyang magkaroon ng apo. Pero ayaw syang bigyan nito dahil gusto nito isang babae lang ang aanakan iyon ay ang magiging asawa nito ngunit wala naman silang nalaman na steady girlfriend nito kaya naman nagulat sila ng makita na umiiyak ito gabi gabi. kaya kailangan nyang makita ang babaeng iyon dahil natitiyak nyang malaki ang naitutulong nito sa apo nya. At sana ang babaeng anak ni Zandro ang tulong na kailangan nila. ******* “Palalayain ko ang ama mo. Isasauli ko ang bahay at lupa nyo plus 10 million pesos ang makukuha mo kung matutulugan mo ako.” kanina nakasimangot si Zoe na nakatingin sa matanda. Familiar ito sa kanya pero di nya malala kung saan nya nakita. Wala sa loob na nahila nya ang upuan papalapit sa table ng matand na napangiti naman sa naging reaction ng dalaga. “Anong klaseng tulong sir? Katawan ko po ba? sige po payag ako basta walang scaman tuparin nyo lahat ng sinabi nyo. Madali po akong kausap.” humalakhak naman bigla ang matanda. Wala naman ng pakialam si Zoe kung ano pang hingiin nitong kapalit. Kailangan nyang maging practical. Ang ganda ng offer nito at sino sya para tumanggi. Kailangan kailangan nya ng pera para magpa opera. Palalayain pa ang papa nya at isasauli sa kanila ang bahay nila. Unang una nyang gagawin ay patalsikin ang tita nya at wala na syang pakialam kung saan pulutin ang mga ito. “Lolo wag na kayong tumawa. seryoso po ba ang offer nyo sa akin.” “Ikaw ba e seryoso din sa sagot mo.” sunod sunod naman ang tango ni zoe. “Tamang tama lolo Virgin pa ako sariwang sariwa. Di na kayo lugi.” Lalo naman tumawa ang matanda noon naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang pang lalaki na may edad na din Tumayo ito sa likuran ng matandang puti na ang buhok. “By the way this is my Son Geoff San Miguel.” “San Miguel? As in San Miguel po yung may ari ng World——- “Yes hija.” mabilis na putol ng matand. Ngumiwi si Zoe kaya naman pala mukhang familiar ang matanda dahil ito yung mag ari ng dating pinag tatrabahunan ng papa nya. “Sir pasensya na po.” bigla syang nag yuko ng ulo. “O kanina lolo tawag mo sa akin bakit ngayon Sir na. Ang bilis mo naman mag shift ng personality.” biro ng matanda. “Ah! kasi po anak po ako ni Zandro Canlas.” “We already know at walang kaso sa amin.” “So bakit nyo po ako pinakidnap sana po pinatawag nyo nalang po sasama naman po ako ng maayos.” “Ganun ba ang naging dating sayo ng mga tauhan ko. Pasensya ka na kung tinakot ka nila ako na bahala mag parusa sa kanila.” “e Lo’ yung offer nyo totoo po ba yun?” nahihiyang ungkat nya. Ngumiti naman ang matanda na tumango. “Pero hindi magiging madali ang magiging kapalit ng mga ibibigay namin sayo hija.” tumango si Zoe. “Alam ko po yun nabasa ko po sa mga libro na masakit daw po talaga kapag una.” tumawa ang matanda kumunot noo naman ang anak nito. “Bukod sa katawan mo kailangan mapilit mo ang apo ko na mag undergo ng eye surgery at plastic surgery.” ipinaliwanag naman ng ama nito ang sitwasyon di umano ng anak nito at magiging papel nya sa buhay ng binatang anak nito. Napangwi sya sa isipin gagawin syang parausan ng batang San Miguel. “And worst of all nanakit sya ng babae sa pagiging woman hater nya. Kaya mo bang tagalan hija.” napaisip sya sandali kaya pala ang laki ng offer ng mga ito may pagkademonyo pala ang apo at anak ng mga ito. “Wala pa naman siguro syang napatay pong babae diba.” alanganin nyang tanong. Ngumiti naman ang dalawa. “So far wala pa naman hija.” sagot ng ama ng lalaki. Napabuga ng hangin si Zoe kaya ba nyang mag pabugbog. “Ano hija kaya ba? O mag hahanap nalang kami ng ibang babae na makakatulong sa amin na himukin ang anak ko.” “Puwede po bang makita ang hitsura ng anak nyo para naman handa ako bago ako sumagot. “Hindi mo kilala ang anak ko.” parang nagulat pang tanong nito. “Sikat po ba sya? Celebrity?” “Never mind.” sagot naman ng matanda na tumingin sa anak saka iniharap ang isang picture frame na nasa ibabaw ng table at inabot sa kanya. Nagulat na natuptop ni zoe ang bibig. “Do you remember him now?” “Po?” gulat na tanong pa ni Zoe. “Naalala mo na ba sya?” “Sa totoo lang po marami po akong nakikilalang guwapo dun sa pinag tatrabahunan ko at isa na po si Boss Ziggy sa kilala kong guwapo pero iyon pong ganitong kaguwapong nilalang ngayon lang po ako nakakita.” mahabang lintanya nya. “But ziggy is my nephew and he was also Ethan bestfriend and cousin. Madalas sya sa restobar ni Ziggy noon hindi pa nangyayari ang insidente sa kanya. “She’s has a partial amnesia Hijo.” wika ng Matanda sa anak saka napatango. “I understand kung di mo na nalala ang apo ko pero isa lang sana ang hihilingin ko. Wag mong hayaan na malaman nyang pinakikiusapan ka namin. Ang alam lang nya lahat ng babaeng dinadala namin sa kanya ay bayad ng sapat na halaga but we made exemptions. Mas malaki ang matatanggap mo kung kakayanin mong tiisin ang mga hirap at mahihimok mo sya sa gusto namin.” napahinga ng malalim si Zoe saka tumango bahala na. Ang importante sabi ng mga ito wala pa naman daw napapatay ang binatang apo. Wag naman sana syang mauna. Tinggap nya ang offer dahil gusto nyang mabuhay pero wag naman sana syang mamatay sa bugbog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD