“Nakatulog na ba si Zoe?” tanong ni Zandro ng lumabas ng kuwarto si Ethan. “Opo katutulog lang po nya.” “Ethan Hijo maari bang dito ka na muna mag palipas ng gabi.” “Po?” nagulat na usal ni Ethan. “Ilang araw na gabi gabi binabangungot si Zoe kagabi nalang ulit sya hindi nanaginip. Siguro marahil alam nyang hawak mo kamay nga sa loob ng mag damag kaya di sya natakot.” hindi agad naka imik si Ethan. “Noon po ba ganito rin ang naging epekto sa kanya ng nagawa ko.” nag aalalang tanong ni Ethan. “Hindi.” umiling si Zandro. “Marahil para kasi sa kanya choice nya ginawa nya. Alam nyang mangyayari kaya tanggap na nya. What happen to her right now hindi nya alam na mangyayari yun ulit kaya marahil labas syang natatakot at nag aalala.” “Madalas syang umiiyak gabi gabi kapag natutulog kaya