When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
TATANGGI PA BA AKO kung nag – hain na si Elisa ng pagkain. Nawalan talaga ako ng ganang kumain kanina. Kung hindi ako nito sasabayan ay nungkang kainin ko pa ang pagkain. Baka iuwi ko ito ng ganon pa din ng walang bawas. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Elisa na kaunti lang ang nakain niya kanina sa restaurants. Tahimik lang kaming kumain ng dalaga. Ganoon pa rin parehas kaming naka – upo sa mahabang sofa. Patuloy lang kaming kumakain. “Hmmmm, ang sarap naman. Na miss ko tuloy bigla ang mga luto ni Manang. Favorite mo pa talaga itong niluto niya,” nasasarapang wika nito. “OO nga, hindi ko alam na ipagluluto niya uli ako ng tiinola dahil noong isang Linggo ay nilutuan din niya ako ng tinola. Nasaan na pala si Henry? Wika ko dito. “Umalis din po kaagad Sir, may iniutos po yata a