When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
TINUNGO NI HEINZ ANG DAAN patungong falls. Hindi na rin siya nakabalik dito simula ng dumating ang mga kaibigan. Huling punta niya ay magkakasama silang tatlo nila Elisa at Henry after nilang mangabayo noong araw na iyon. Iyon din ang araw na inihabilin nito ang babae sa kanya na alagaan at protektahan. Ngunit anong ginawa niya sa dalaga? Ilang beses na niyang nasasaktan ang kalooban nito. Napadalas lang naman nitong dumating ang mga kaibigan niya. Nagpadala pa si Henry ng pagkain na pinagsaluhan nila ng araw na iyon. "Saan ka ba nagpunta Elisa? Hindi ko naman sinasadya na pagsalitaan ka ng masasakit, hindi ko lang masabihan ang mga kaibigan ko. Sana maging okay pa tayo." bulong nito sa hangin habang naglalakad at tinutunton nito ang falls. Dumiretso muna ito sa kubong ipinagawa. Doo